Tuesday, June 2, 2015

DepEd Aklan nagbabala sa mga magulang

ISLA NG BORACAY--Nagbabala ngayon si Dr. Jesse Gomez, DepEd Aklan Division Superintendent, sa mga magulang na alamin kung ang eskuwelahan bang papasukan ng kanilang mga anak ay may permit to operate o kinikilala ng DepEd.
Ito ay matapos ilang mga magulang sa islang ito ang nababahala kung ang mga ilang pribadong eskuwelahang pinapasukan ng kanilang mga anak rito ay may mga kaukulang dokumento.
Sa naging panayam ng Radio Birada! kay Dr. Gomez, sinabi nito na mawawalang saysay ang pag-aaral ng kanilang mga anak kahit magtapos man sila sa mga eskuwelahan na walang permit at recognition ng DepEd.
Dahil rito, ipinayo nito sa mga magulang na hingin sa pamunuan ng eskuwelahan ang numero ng kanilang permit o recognition mula sa DepEd bago ipa-enroll ang kanilang mga anak.

No comments:

Post a Comment