ISLA NG BORACAY--Umaarangkada ngayon ang oplan-kandado ng Bureau of Internal Revenue o BIR sa islang ito sa mga establisyemento komersiyal na hindi sumusunod sa patakaran ng ahensiyang ito sa bayaran ng tamang buwis.
Kahapon lamang ay tatlong mga establisiyimento ang naipasara nila. Ang mga nasabing establisyimento ay Paradiso Beach House, Canyon de Boracay at Real Maris Resort and Hotel.
Nabatid na sapilitang ipinasara ang mga establisiyimentong ito ay dahil sa kapabayaang magbigay ng kaukulang requirements sa Five-Day VAT Compliance.
Naging matagumpay ang pagpapasara sa mga ito matapos humingi ng tulong ang mga tauhan ng BIR Revenue District ng Kalibo, Aklan sa pamumuno ni Mr. Eralen De Aro, Revenue District Officer sa mga tauhan ng Boracay Tourist Assistance Center sa pangunguna ni PSI Frensy Andrade, hepe ng BTAC.
Ang closure order para sa mga ito ay nilagdaan ni Mr. Nelso Aspe, Deputy Commissioner Operation Group ng BIR.
No comments:
Post a Comment