ISLA NG BORACAY--Maaring makasuhan ng administratibo ang alkalde ng Buruanga, Aklan dahil sa sapilitan nitong pagpapasara sa isang resort ayon sa naging pahayag ni Rodson Mayor, Sangguniang Panlalawigan ng Aklan.
Ayon sa naging pahayag nito sa Radio Birada! sa huling SP regular session, tinawagan nito ng pansin ang mga kasamahan niya na imbestigahan ang naturang kaso at ngayon ay ipinauubuya sa Commitee on Tourism.
Binigyan nitong diin na dahil sa kawalan ng due process of law ay maaring makasuhan si Mayor Quezon Labindao dahil sa pang-aabuso nito sa kanyang kapangyarihan nang ipasara nito ang Ariel's Point resort.
Nabatid na isang sulat ang natanggap ng mayor na nagpapakita ng paglabag sa nabanggit na resort. Sa lumabas na imbestigasyon ng lokal na pamahalaan napatunayan ang mga paglabag nito sa environmental law.
Bagaman nag-ooperate parin ang naturang resort, hinarangan na ng balsa ang diving area nito ng lokal na pamahalaan na nakadismaya naman ng maraming turista.
Binigyan diin ni SP Mayor na ang pagbibigay-pansin ni Labindao sa di umano'y unanimous letter ay isang malaking kuwestiyon na dapat niyang sagutin at pagtangging magkaroon ng tamang due process.
No comments:
Post a Comment