Kumakailan lang ay bumisita si Director General Marciano Paynor ng APEC 2015 National Organizing Council (NOC) sa probinsiya ng Aklan kung saan idiraos ang nalalapit nang APEC Summit sa Isla ng Boracay.
Nakipagpulong rin siya sa mga opisyal ng probinsiya para sa pagsiguro ng kaayusan at kaligtasan ng halos 5, 000 bisita mula sa loob at labas ng bansa na kalahok sa nasabing malaki at mahalagang pagpupulong.
Isa sa mga spesipikong hiningi nito ay katahimikan.
Mahigit dalawang buwan nalang ay dumating na ang ganyan kalaking bilang ng mga bisita sa Isla.
Gabi-gabi nalang nakasanayan na ang 'night party' sa Isla lalu na sa mga videoke at disco bar. May mga videoke bar na inirereklamo dahil sa ayaw magpatulog ng mga kapitbahay sa lakas magpatugtog.
May ilan namang open mupler na mga motorsiklo ay takaw-oras magpakarera partikular sa Bloomfield area, sa Cagban, at sa Fairways na nakakadisturbo ng mga bisita sa kanilang pamamahinga.
Sa araw, ay ang mga maiingay na sasakyang humaharurot, kung maakala mo'y hari ng kalsada. Sa naman ay malagayan na ng mga silencer ang mga bawat sasakyang ito. Nakakabingi sa tainga.
Ito ay isang Isla, na dapat sana'y lagaslas ng alon sa dagat huni ng ibon, at pag-ihip ng hangin sa mga dahon ng kahoy ang mauulinig.
Hiling lang naman namin na bawasan na ang ganitong ingay. Patahimikin nawa ang katahimikan ng Isla.
Simulan ngayon, para pagdating ng mga bisita, wala nang anumang pag-aalala.