Friday, May 29, 2015

Opinyon: Iskalawag na pulis, huwag pamarisan

Nagimbal ang lahat sa kalunos-lunos na nangyari sa maglolang sina Ma. Macogue at sa 8 taon gulang nitong apo sa Luguinbanwa East, Numancia, Aklan matapos sialng nakawan at tangkang patayin sa pamamagitan ng pananaga noong Pebrero ng taong ito.

Bagaman naisugod pa sa ospital ang lola ay hindi na rin ito nagtagal at binawian rin ng buhay. Balik normal naman ang bata sa ngayon.

Gayunpaman nagdala ng takot sa lahat ng tag-Aklan ang pagkatakas ng suspek pagkatapos ng malagim na krimen na maaaring gawin rin nito sa iba.

Salamat na lang at dahil sa agarang aksiyon ng mga kapulisan matapos magsagawa ng tactical interrogation ang mga awtoridad at kapulisan ng Numancia PNP ay nahuli ang suspek sa probinsiya ng Romblon.

Isang malaking tagumpay ang pagkahuli sa suspek na kinilalang si Glenmier Merano alyas Jason Yap sa pareho ding buwan. Dahil rito nausisa ng mga awtoridad kung saan napag-alaman sa suspek na kumukuha ito ng lakas ng loob sa protektor at trainer na pulis.

Matapos na makakuha ng karagdagang testigo, nasampahan na ngayon ng kasong administratibo sa opisina ng ombudsman ng Numancia PNP sa pangunguna ni PNP Chief P/Insp. Willian Aguire.

Ang naturang pulis ay nauna ng nadestino sa Camp Crame sa humaharap na sa kaso ng pangungutong. Nadestino rin ito sa Libacao at Numancia police stations at Isla ng Boracay kung saan niya nasanay ang mga kabataan lalu na si Glenmer.

Katunayan, kapansin-pansin na naging talamak ang mga nakawan at iba pang krimen sa Isla na kinasasangkutan ng mga menor de edad o mga kabataan. Isa nga sa posibleng dahilan nito ang kapasawayan ng naturang pulis, mismong dapat mamuno sa kaayusan at katahimikan, sa pagprotekta at pagsasanay niya sa mga ito.

 Huwag nawang pamarisan ang ganitong pulis. Salamat na ang isang bulok na kamatis ay naalis na sa iba pang bulok na kamatis upang huwag ng makasira pa sa iba pa.

Kung mayroon man itong naging kasama dito sa ganitong gawain, hiling namin na san ay maimbestigahan kaagad at maalis narin sa hanay ng mga kapulisan!



“Gobyerno sa Baryo” isasagawa sa Malay, Aklan

Magsasagawa na naman ng “Gobyerno sa Baryo” ang pamahalaang panlalawigan ng Aklan sa araw ng Sabado. At sa pagkakataon ngang ito ay gagawin ito sa Malay Elementary School sa Balusbos, Malay, Aklan.

Ayon sa pamahalaang panlalawigan, sa pangunguna nina Gov. Joeben Miraflores, Cong. Teodorico Haresco, at Vice Gov. Bellie Quimpo, ito ay panlabing-apat nan a Gobyerno sa Baryo. Layunin ng programang ito na madala sa malalayong kabarangayan ang mga mahahalagang serbisyo ng pamahalaan.

Katulad sa mga naisagawa na sa programang ito sa ibang mga bayan, Buena mano rito ang Provincial Engineer’s Office na mauna sa pagsasaayos ng mga kalsadahin at paghahanda ng mga pasilidad sa nabanggit na eskuwelahan na pagdarausan nito.

Kabilang sa mga serbisyo na dadalhin sa lugar ay medical at dental mission, feeding program, local and overseas job application, legal advices/ services, NSO services, Philhealth at SSS application, pamimigay ng mga lumber products para sa pagpapatayo ng bahay, pagtutuli, at marami pang iba.

Matatandaan na ang Gobierno sa Baryo ay una ng isinagawa sa mga bayan ng Libacao, Madalag, Malinao, Makato, Batan, Banga, Altavas, Balete, New Washington, Buruanga, Nabas, Numancia, at Lezo.

Pulis nanghipo?

ISLA NG BORACAY--Isang nagpakilalang pulis ang inireklamo sa Boracay Tourist Assistance Center o BTAC matapos itong manghipo ng nobya ng may-ari ng isang bar dito sa isla.

Salaysay ng biktimang babae na kumukuha umano ito ng inumin sa bar table sa loob ng isang bar nang habang nakatalikod ay hinipuan ito ng isang lasing na lalaki sa kanyang puwet.

Umiwas naman agad ang babae subalit inagaw pa umano sa kanya ang inumin nitong inorder.

Nilapitan naman ng nobyo ang suspek matapos magsumbong ang babae rito mula sa mesang kinauupuan nito sa loob rin ng bar. Kinumpronta ng nobyo ang suspek subalit itinulak siya nito.

Inawat naman ito ng isang staff at ipinakilala ang nobyo ng babae na may-ari ng bar doon sa suspek.
Dahil rito, nag-iskandalo ang lalaki.

Habang may nakaaway na iba pang partido, sumigaw ito sa labas na "Pulis ako!" kung saan natigilan naman ang mga nakaalitan nito na kumpruntahin pa siya.

Samantala, napag-alaman na mula nang mangyari noong Mayo 22 ang insidente ay may mga kahina-hinalang nang mga kalalakihan ang pumapasok umano sa kanilang bar ayon sa magnobya.

Ang kasong ito ay iniimbestigahan pa ng mga kapulisan habang inaalam ang pagkakakilalan ng suspek.

Friday, May 22, 2015

Mga Media binigyang pugay sa Boracay

ISLA NG BORACAY--Isang malaking kasaysayan ngayon sa isla ng Boracay ang magsama-sama ang kapwa national, international at lokal na mga media para sa coverage sa paghost ng Isla sa Second Senior Officials', Related at Ministers Responsible for Trade Meeting ng Asia-Pacific Economic Cooperation meeting o APEC.


Sa kanyang pambungad na mensahe sa kakatapos lang na APEC 2015 Media Dinner Night, ipinahayag ni Mayor John P. Yap ng bayan ng Malay ang kanyang malaking pasasalamat sa iba-ibang sektor ng pamahalaan, pribadong organisasyon, na bumubuo sa kaayusan at kalakaran ng paghost ng isla sa APEC 2015, higit lalo sa mga media practitioners.

Anya, malaking bagay ang ginagawa ngayon ng media para lalu pang makilala ang isla ng Boracay sa buong mundo sa isinasagawa nilang coverage kaugnay ng APEC meeting dito.

Sinabi nito na maganda o pangit man ang balita, malaking tulong parin ito na makilala ang Boracay at makapagbigay babala sa mga tao. "Publicity is still a publicity", ayon pa kay Yap.

Dumalo rin sa mga pagpupulong ang mga boluntaryo sa APEC, mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Malay, at mga kinatawan ng National Organizing Council ng APEC.

Ang dinner night na binuo ng LGU Malay at ng APEC 2015 Malay Task Force ay may temang "Fiesta sa Isla".

Trade Minister Robb, nakatakdang bumisita ngayon sa Boracay

ISLA NG BORACAY--Nakatakdang bumisita ngayong araw si Australian Trade Minister Andrew Robb AO MP sa isla ng Boracay bahagi ng nagpapatuloy na Asia-Pacific Economic Cooperation Meeting dito.

LARAWAN: Minister Robb, mula sa www.facebook.com/AndrewRobbMP
Gusto rin niyang makita personala ng mga Australia-Certified Philippine Red Cross (PRC) Lifesavers on White Beach dito.

Nabatid na ang mga lifeguard ng PRC dito sa Boracay ang tanging propesyonal na pangkat sa Pilipinas na naitreyn sa pamantayan ng pankaligtasan sa surf ng Awstralya at ni Australian Red Cross Volunteer David Field.

Ang pangkat ay magbibida ng PRC-Boracay's Australian-modelled surf safety at lifesaving program, na nakaktulong na maiwasan ang mga insidente ng pagkalunod sa kilalang isla sa buong mundo, ang Boracay.

Inaasahan na magbibigay siya ng pahayag pagkatapos ng aktibidad na gagawin mamayang hapon sa front beach sa Station 1.

Dadalo rin dito sina Dr. Gwendolyn Pang, Sec. Gen. ng Philippine Red Cross; Mayor John Yap ng Malay; at Dir. Nieva B. Mendoza, chairperson ng PRC Boracay-Malay Chapter.

Si Minister Robb ay nasa bansa para dumalo sa APEC Ministers Responsible for Trade Meeting. Magsisimula ang naturang meeting dito sa isla bukas.

News Analysis: Maraming salamat sa kooperasyon!

Tatlong araw na lamang ay magtatapos na ang Asia-Pacific Economic Cooperation meeting o APEC Second Senior Officials’ and Related Meeting at Ministers’ Trade Meeting na nagsimula noong Mayo 10 dito sa Isla ng Boracay.

Ngayon palamang ay matagumpay na ito! Ito ay dahil sa kapansin-pansin na disiplina sa bawat isa. Kapansin-pansin na dahil sa APEC ay bumaba ang kriminalidad sa isla, naging maayos ang daloy ng sasakyan at naging malinis ang beach front mula sa mga mapang-isturbong komisyoner, at mga naglalako.

Bagaman marami ang nahigpitan sa pamamalakad at seguridad sa Isla kaugnay ng isinasagawang pagpupulong, marami ang nagtiyaga at nakiisa.

Ayon sa ulat, tumaas pa ang bilang ng mga bisita dahil sa ginagawang APEC meeting, taliwas naman sa nagsasabing ito ay bumaba dahil sa kahigpitan sa Isla ng Boracay.

Hindi biro ang mga hirap at pagod na ginagawa ng iba-ibang grupo kapwa pribado at pampamahalaan para lamang sa kaayusan at katahimikan sa lugar na pinagdarausan ng pagpupulong para sa kapakanan ng mga bisita mula sa 21 bansa na kalahok sa APEC.

Halos ilang buwan bago ang gawaing ito rito, ay puspusan na ang paghahanda ng lokal na pamahalaan ng Malay lalu na ang binuong APEC Task Force sa pangunguna ni SB Rowen Aguire at sa pakikipagtulungan na rin ng lahat ng mga opisyal sa bayan ng Malay.

At bagaman, hirap sa billeting at pagkain, hindi nadaig ang mga kapulisan sa serbisyo. Ang mga kapulisan ang pinakamalaking bilang ng security forces dito sa isla na umaabot ng mahigit 3, 000. Sa inyo mga sir at ma’am pulis saludo kami sa inyo!

Sa lahat ng mga boluntaryong grupo, maraming salamat sa inyo!

At siyempre sa lahat ng taumbayan, maraming salamat sa inyong katiyagaan at kooperasyon.

Thursday, May 21, 2015

Shop natangayan ng pera ng helper; suspek arestado

ISLA NG BORACAY--Arestado ang 29 anyos na babae matapos mahuling nagnakaw ng pera sa isang shop sa Brgy. Manocmanoc, sa Islang ito kagabi.
Nakilala ang suspek na si Geralyn Mamar, tubong Lapaz, Iloilo City at helper sa shop na ninakawan nito.

Ayon sa report ng Boracay PNP, namataan ng may-ari ng shop na si Jezrel Almero, 32 anyos, ang suspek na pumasok sa kanilang shop. Nagduda ang may-ari at agad nitong sinundan ang suspek subalit hindi na nito naabutan pa dahil sa dali-daling itong sumakay ng motorsiklo.

Napag-alaman ng may-ari ng tingnan nito ang kanilang cash box na nawawala na ang pera dito.

Agad siyang humingi ng tulong sa miyembro ng MMDA at agad namang naharangan ang suspek at naaresto.

Nakuha sa kanya ang pera na nagkakahalaga ng P5, 760.00.

Kasalukuyang nakaditene ngayon sa Boracay PNP station ang babaeng ito para sa kaukulang disposisyon.

Mga delegado sa APEC nagsaya

Larawang kuha ni Darwin Tapayan
ISLA NG BORACAY--Hataw sa kasiyahan ang mga delegado na kalahok sa pangalawang Senior Officials Meeting (SOM2) ng Asia Pacific Economic Conference (APEC) meeting kagabi sa isinagawang dinner at welcome party para sa kanila dito.
Ang welcome party ay tinawag na "FuntaSea" dahil sa tema nitong tila nasa karagatan na isinagawa sa isang resort dito. Binuo ito ng Department of Tourism at Cultural Center of the Philippines.
Naaliw ang mga delegado sa tugtog, awit, sayaw, at magagandang disenyo sa paligid. Kabilang sa mga nag-perform ay ang sikat na mang-aawit na si Bituin Escalante, Ballet Philippines, Daloy Dance Company, Boracay Fire Dancers, at Black Beauty Boys na nanalo sa Ati-atihan 2015.
Ayon kay Usec. Laura del Rosario ng DFA, at chairperson ng National Organizing Council ng APEC2015 na pagkakataon ito sa mga delegado na pansamantalang iwanan ang mga suliranin kanilang hinaharap at ang pagiging sersyoso sa kanilang gawain bilang kalahok ng APEC meeting.
Nabatid na magtatapos na ang SOM2 bukas, Mayo 21 na nagsimula pa noong Mayo 10 dito sa isla. Napag-alam na rerepasuhin na lamang ng mga opisyal ang mga napag-usapan ng iba-ibang working group sa mga nagdaang araw ngayon.
Ang susunod na Senior Officials Meeting ay gaganapin sa Cebu sa darating na Setyembre.

Wednesday, May 20, 2015

APEC SOM2 magtatapos na

ISLA NG BORACAY--Magtatapos na ang Second Senior Officials' Meeting and Related Meeting dito sa nagpapatuloy na Asia-Pacific Economic Conference o APEC kung saan pag-uusapan rito ang mga naging topiko sa mga nakaraang araw.

Usec. Del Rosario sa kanyang mensahe sa press briefing kaugnay
ng isasagawang Senior Officials' Meeting ng APEC.
Ibinigay ni Usec. Laura del Rosario ng Department of Foriegn Affairs, APEC 2015 National Organizing Council chairperson ang pag-welcome sa 21 isang kalahok na mga bansang delegado sa pagpupulong na ito.

Una rito, kahapon sa kanyang mensahe sa isinagawang press briefing kaugnay sa nagpapatuloy na meeting ngayon, inihayag ni Usec. Del Rosario ang ilan sa mga mahahalagang bagay na pinag-usapan sa APEC sa mga naunang araw mula noong Mayo 10.

Ipinaliwanag nito ang mga napag-uspan ng iba-ibang grupo katulad ng internet economy, science-based agriculture, at pagtataguyod ng small-producers, at pagpapaunlad ng edukasyon sa rehiyong nasasakupan ng APEC.

Magpapatuloy ang nasabing meeting bukas Mayo 21.

Monday, May 18, 2015

APEC Organizing Council sinagot ang isyung bumaba ang turista sa Isla ng Boracay

ISLA NG BORACAY--Umaasa parin ang National Organizing Council na ang nagpapatuloy ngayong Asia-Pacific Economic Cooperation Meeting o APEC Summit sa isla ay magdadala ng maraming turista dito sa kabila ng ulat na dahil sa nasabing meeting ay bumaba ngayon ang bilang ng mga turista.

Nabatid sa ulat ng Aklan Provincial Tourism office na umaabot ng 4, 500 ang mga bisita bawat araw na pumupunta rito sa isla ngayong buwan.

Ito ay kakaunti ng 6, 000 hanggang 7, 000 bawat araw kung wala ang pagpupulong ng APEC dito.

Paliwanag ni Asec. Charles Jose, APEC Person ng National Organizing Council, na lingid sa kanyang kaalaman ang pagbaba ng bilang ng turista sa Boracay.


Gayunpaman, inihayag nito na ang 21-bansang kalahok sa APEC ay pag-uusapan ang paglago ng turismo sa islang ito na magdadala ng higit pang mga bisita pagkatapos ng nasabing pagpupulong ngayon dito magmula Mayo-10 hanggang Mayo 24.


Napag-alaman na isa mga tinuturong dahilan ng ilang mga negosyanteng apekatado sa pagbaba ng mga bisita ay ang mahigpit umanong pamamalakad at seguridad ngayon sa isla kaugnay parin ng isinasagawang APEC meeting.

LARAWAN: Si Asec Charles Jose, APEC Spokesperson sa kanyang mensahe sa Press Breifing kanina sa Eco Village, Boracay, Aklan, Philippines.

Thursday, May 14, 2015

Apec 2015 Update: Organizing council sa APEC pinangunahan ang coastal clean-up sa tabing-baybayin ng Boracay



ISLA NG BORACAY--Muling magsasagawa ng coastal clean-up sa islang ito ang National Organizing Council kasama ang iba-ibang organisasyon kapwa pribado at gobyerno sa darating na Mayo 15 at Mayo 18, ng taong kasalukuyan.
Ito ay kasunod ng isinagawa nilang parehong aktibidad sa isla kahapon ng umaga.
Nilahukan ng ilang mga residente at mga bisita ang nasabing clean-up activity.
Kasama APEC 2015 Organizing Council sa pangunguna sa aktibidad ang mga task force na kinabibilangan ng mga miyembro ng DILG, ng DND, ng PNP at ng AFP, Burea of Fire Protection, at ang PH Coast Guard.
Ang mga nais lumahok sa nasabing aktibidad ay ikalulugod ng pangkat.
LARAWAN: Ang mga lumahok sa coastal clean-up kahapon kasama ang APEC Organizing Council.

Anim mga turista biktima na naman ng manlulukong komisyoner

Hindi parin masawata ang ilan sa mga komisyoner na pasaway sa Isla ng Boracay ito ay matapos isa na naman sa mga ito ang nagsinungaling umano sa mga bisita at nakakuha ng malaking halaga ng pera.
Salaysay ng mga nagrereklamong mga bisita na sina Frances Avisado, Genelle Arisado, Alexandria Fonacier, Jeffrey D. Oreta, Lovella Garcia, at Nestor Hererra at pawang mga taga Quezon City, inalok umano sila ng komisyoner ng mga island activities.
Ang mga inalok sa kanila ay kabilang ang banana boat, ATV, parasailing, and flyfish para sa halagang P11, 400. 00.
Agad naman umanong ibinigay ng mga biktima sa ang naturang halaga sa suspek na pinangalan sa blotter report na is Greg SacapaƱo.
Gayunpaman, ATV at banana boat lang ang naranasan nila. At nawala na ang nasabing suspek pagkatapos.
Giit ng mga ito na mayroon pa silang natitirang pera sa suspek na P6, 800.00.
Sa impormasyon ng Radio Birada! Boracay, ilang beses naring naireklamo ang nasabing komisyoner at gumagamit pa ng ibang pangalang gamit ang pekeng ID.

Koreana inireklamo ng estafa ng operation manger ng travel agency

Minabuting ipinarekord na lamang sa Boracay PNP station ng isang travel agency operation manager matapos itong mabiktima umano ng estafe ng isang Korean National.
Sa salaysay ng naturang manager na si Millete Cenar, residente ng Isla ng Boracay, binigyan umano ng kanilang empleyado ng halagang 3 milyon peso si Kim Baek Jun, lalake, nasa legal na edad at taga-Korea para gawan ng website ang kaniyang travel agency.
Gayunman reklamo nito na hanggang ngayon ay hindi pa natatapos.
Nilagdaan pa umano nito ang kasunduan o kontrata na sa Abril o bago ang nasabing buwan ay dapat tapos na ang nasabing website.
Dagdag pa rito, na nagbigay rin umano ito ng ilang gadget sa suspek na nagkakahalaga ng tatlong libong peso.

Tuesday, May 12, 2015

Opinyon: Politika vs Pamumulitika

Kapag narinig ng mga mamamayang Pilipino ang salitang politika, mabilis na pumapasok sa kanilang isipan ang kurapsiyon, katiwalaan, at karumihan sa pamamalakad ng bansa.

Kung sa bagay mahirap naring masisi ang mga Pilipino, dahil sa talamak na kurapsiyon na kinakaharap ng kasalukuyang administrasiyon maging ng mga naunang nanungkulan sa pamahalaan. Ang ganitong sistema ay tila isang siklo o pauli-ulit na lamang nangyayari.

Paliwanag ng Wikipedia, ang politika ay tumutukoy sa pagkamit at pagsasanay ng mga posisyon sa pamamahala — organisadong kontrol sa isang pamayanan ng tao, partikular sa isang estado. Higit pa rito, ang politika ay ang pag-aaral o pagsasanay ng pagpapamahagi ng kapangyarihan at kayamanan sa loob ng isang pamayanan (isang organisadong populasyong may antas) pati na rin ang ugnayan sa pagitan ng mga mamamayan.

Ngunit sa nangyayari ngayon sa ating gobyerno, marami ang nabubunyag at nagtuturuan na kung masiwalat ang kurapsiyon kanilang ginagawa ang nagsasawalang saysay sa tunay na kahulugan ng politika.

Imbes na makatulong sa mamamayan ay naging pasanin pa ang kanilang pagkahirang dahil sa pansariling intensiyon lamang. Kaya nga ang pumumulitika ng mga ito ang sumisira sa maayos sanang pamamalakad sa bansa.

Ang sa amin lang naman, hindi po sa dapat lang parusahan ang mga kumurakot sa pera ng taumbayan. Hindi na maibabalik ang pera ng kanilang pagkakulong sa halip kinabukasan ng nakararami ang nakataya dito dahil sa dapat sana’y magagandang proyekto para sa mamamayan subalit isa lang palang bula. “Ghost project” ang tawag diyan. 

Dapat sa mga kaunting paglabag palang ng mga nanunungkulan, habang nasa mababang posisyon palang ay maparusahan na nang hindi na umabot sa malaki at sandamakal na kurapsiyon. Sugpuin dapat ang mga namumulitika na ang hangarin lamang ay sariling kasikatan, at bulsa!

APEC Update: Center Consurtium Conference nagsimula na

ISLA NG BORACAY--
NEDA Deputy Dir. Gen. Tungpalan sa pagbibigay ng mensahe
sa pagsisimula ng Study Center Consurtium Conference ng APEC.
Nagsimula na ngayong araw ang  Study Centers Consurtium Conference dito sa isla bahagi ng isinasagawang Second Senior Officials Meeting (SOM2) and Related Meetings ng Asia Pacific Economic Cooperation o APEC na inorganisa ng state think thank Philippines Institute for Development Studies at ng Philippine APEC Study Center Network, sa pakikipagtulungan ng Ateneo de Manila University at ng Asian Development Bank Institute.

Ibinigay ni NEDA Deputy Director-General Rolando G. Tungpalan ang pambungad na mensahe sa pagsisimula ng naturang kumperensiya kahapon ng umaga. 

"This two-day conference gives us an opportunity for exciting discussions, fruitful exchange of ideas, and sharper policy propositions as we work to build more resilient and inclusive economies. With everyone’s support, we are confident that all of the aforementioned initiatives will be realized by the end of 2015," pahayag ni Tungpalan.

Nabatid na ang kumperensiyang ito ay magbibigay daan sa 21 bansang kalahok na pag-aralan at masalusyunan ang mga suliraning kinakaharap sa pagpapaunlad ng ekonomiya sa kanya-kanyang bansa.

Samantala, matatandaan na mula noong Mayo 10 o araw ng Linggo nagsimula ang ang SOM2. Simula sa araw na ito ay iba-ibang usapin na ang dinaluhan ng mga delegado. Kabilang na rito ang Ocean and Fisheries workshop, Counter-Terrorism, at mga usaping may kinalaman sa pagpapaunlad ng komunikasyon gamit ang mga makabagong teknolohiya.

Magpapatuloy ang SOM2 sa hanggang sa 21 ng buwang ito.

Sa Boracay... Chinese couple naisalba sa pagkalunod

Dahil sa pagiging alerto ng dalawang tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG), nailigtas ng mga ito ang isang mag-asawang Chinese na muntik nang malunod sa isla ng Boracay kamakalawa.

Sa salaysay ng isa sa mga biktima, naliligo sila nang biglang umalon ng malakas at tangayin sila.

Habang nalulunod, agad naman silang namataan ng dala­wang tauhan ng coast guard na noon ay nagpapatrulya sa lugar kaya nailigtas ang mag-asawa.

Agad isinugod sa pinaka-malapit na clinic ang mag-asawang intsik at isinailalim sa pagsusuri. 

http://www.abante.com.ph/news/vismin2/27724/sa-boracay-chinese-couple-naisalba-sa-pagkalunod.html
Written by  (Betchai Julian)

Bokalista ng banda arestado sa pagtutulak ng ilegal na droga

BORACAY ISLAND--Hindi na nakapalag pa ang isang bokalist ng banda nang arestuhin ng mga awtoridad sa isinagawang buy bust operation kahapon ng hapon matapos na makunan ng ilegal na droga sa kanyang posisyon at kontrol.
Ang suspek ay nakilalang si John Richard Abilo y Pardilla, 42 anyos, tubong Brgy. Villa Arevalo, Iloilo City, Iloilo at kasalukuyang nakatira sa islang ito.
Nakuha sa kanya ang dalawang 500 peso bill na ginamit sa buy bust operation kapalit ng isang sachet ng hinihinalaang shabu. Nakuha naman sa nagpanggap na bibili sa kanyang posisyon ang 1 heated-sealed transparent plastic sachet ng parehong pinaniniwalaang droga.
Nakuha rin ng mga awtoridad ang 1 sachet ng parehong sangkap sa bulsa ng supek.
Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 ang lalaki at kasalukuyang nakaditene sa Boracay PNP station naghihintay na iturn-over sa kinauukulang korte para sa kaukulang diposisyon.
Ang matagumpay na operasyon sa Brgy. Balabag, sa islang ito ay naging posible sa pakikipagtulungan ng mga tauhan ng PAIDSOTG, Boracay PNP, at PDEA 6.

Staff ng bar nalunod-patay sa Boracay

Dead on arrival ang isang housekeeping ng isang bar nang isugod ito sa isang pribadong klinika sa Isla ng Boracay kahapon matapos itong malunod.
Ayon sa blotter ng Boracay Tourist Assistance Center, masayang naligo ang biktima kasama ang limang iba pa sa baybayin ng Station 3 sa nabanggit na isla.
Nakilala ang lalaking biktima na si Rendel Tajan y Naria, 20 anyos, tubong Barbaza Antique, at kasalukuyang nagtratrabaho sa isang resort sa isla rin ng Boracay.
Banda alas-5:00 ng hapon nagsimulang maligo ang pangkat. Napansin na lamang ng mga kasamahan na nalulunod na ang biktima sa malalim na bahagi ng baybayin alas-5:45.
Nairescue naman siya ng dalawang foriegn national at naisugod sa klinika subalit idineklara na ng attending physician na patay na ito 6:16 ng gabi.

Balitang Panahon: “Dodong” nakalabas na ng bansa; “Egay” naman ang papasok


Nasa labas na ngayon ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong ‘Dodong’. Huling namataan ang bagyo sa layong 830km Northeast ng Basco, Batanes. Taglay nito ang lakas ng hangin na 110kph at pagbugsong 140kph. Inaasahang kikilos ito northeast sa bilis na 45kph.

Bagaman nakalabas na si Dodong may nagbabadya na namang panibagong sama ng panahon.

Ayon sa P­AGASA, hu­ling namataan higit 3,000 kilometro mula sa PAR line ang tropical storm na may inter­national name ‘Dolphin’.

Sa huling monitor, kumikilos ang panibagong sama ng panahon pakanluran hilagang-kanluran at patuloy ang paglakas habang papalapit ng bansa, at sakaling hindi lumihis ay papasok ng PAR ang bagyo at tatawagin itong “Egay”.

Inaasahan itong papasok sa PAR. Maari umano itong pumasok sa PAR sa weekend o early next week.

Samantal, ang lagay ng panahon ngayong araw, makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa. 

Mahina hanggang sa katamtamang hangin mula sa timog-silangan hanggang silangan ang iiral sa Luzon at mula naman sa silangan sa nalalabing bahagi ng bansa. Ang mga baybaying dagat sa buong kapuluan ay magiging banayad hanggang sa katamtaman ang pag-alon.

Monday, May 11, 2015

Birada Trivia: Ano ang APEC at layunin nito?

Marami parin ang hindi nakakaintindi kung ano ba ang APEC bakit gayun na lamang ang kahigpit ang seguridad na ibinibigay ng pamahalaan sa mga delegado nito kagaya ng isinasagawa nila ngayong pagpupulong dito sa Isla ng Boracay. O ito mga kabirada:

Ayon po sa wikipedia, ang Asia-Pacific Economic Cooperation o APEC ay isang poro ng mga 21 bansa na napaligiran ng Karagatang Pasipiko o mga rehiyon (pinamagatang 'kasaping-ekonomiya') upang talakayin ang ekonomiyang panrehiyon, kooperasyon, kalakalan at pamumuhunan. Ipinahayag ng organisasyon na ang bahagdan ng populasyon ng daigdig ay halos 60%, halos 56% ng pandaigdigang pangkalahatang kitang pantahanan (GDP) at halos 49% ng pandaigdigang kalakalan. Ang mga gawain, kasama ang mga taunang pagpupulong ng mga ministro ng mga kasapi, ay isinasaayos ng Sekretarya ng APEC.

Ang organisasyon ay nagdadaos ng Pagpupulong ng mga Pinunong Ekonomiko ng APEC (AELM), ang taunang pagtitipon na dinadaluhan ng mga puno ng pamahalaan ng mga kasapi ng APEC maliban sa Taiwan na nasa ilalim ng pangalang Tsinong Taipei, na may kinatawan na opisyal na pangministeryo nang dahil sa pagpipilit ng Tsina. Taon-taon, ang lugar ng pagdaraos ng pagtitipon ay umiikot sa mga kasaping-ekonomiya, at ang tanyag na tradisyon na ginagawa ng mga pinuno ay magsusuot ng pambansang kasuotan ng kasaping punung-abala.

Ang kauna-uanahang pagpupulong ng APEC ay nangyari noong Nobyembre 6 at 7 ng 1989 sa Canberra Awstralya. Samantala, ang una at ang huling pagpupulong na naganap sa Pilipinas ay noon pang Nobyembre 25, 1996 sa Subic at Maynila.

Mga staff ng MMDA naaksidente sa kasagsagan ng APEC sa Boracay, sugatan

ISLA NG BORACAY--Anim na MMDA staff ang agad na isinugod sa distrcit hospital ng Boracay matapos magtamo ng ilang sugat sa katawan nang maaksidente ang sinasakyan nilang pick-up truck habang binabaybay ang kalsadahin sa pababang bahagi mula sa Shangri-Las Boracay Resort and Spa.

Ayon sa salaysay ni Armando Perez, 40 anyos, pinuno ng MMDA Metro E-wheels, alas-
8:00 ng umaga habang menamaneho ng driver nito ang naturang sasakayan ay bigla na lamang itong nawalan ng preno at sumalpok sa isang malaking bato, dahilan ng pagkasira ng sasakyan at nagtamo naman ng minor injuries ang ilang mga sakay nito.

Ang driver ay kinilalang si Roldan S. Aban.

Samantala, isinugod naman sa Ciriaco S. Tirol Hospital sian Edna Mae Sofio, Arman Perez, Ma. Fe Fausto, Joanna Eclarinal, Cecille Palen at Neizel Maquino.

Eksklusibo: Isang delegado ng APEC sa Isla ng Boracay ninakawan

ISLA NG BORACAY--Sa kabila ng mahigpit na seguridad dahil sa kasalukuyang isinasagawang Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit Meeting na opisyal na nagsimula noong Mayo 10, araw ng Linggo, halos hindi mapaniwalaan na isa mismong delegado ng naturang pagpupulong ang ninakawan dito.

Hiniling ng kapulisan ng Boracay Tourist Assistance Center o BTAC na panatilihing eksklusibo ang insidenteng ito dahil sa magsasagawa pa sila ng mabusising imbestigasyon sa nangayari.

Napag-alaman na isang British National ang lalaking delegado ng APEC ang nanakawan ito ay matapos personal itong dumulog sa nabanggit na himpilan ng pulis suot-suot ang kanyang I.D.

Nangyari ang pagnanakaw sa kanya, ayon sa inisyal na impormasyong nakuha ng Radio Birada! Boracay, sa pagitan ng alas-4:00 at alas-5:00 ng umaga sa harap ng isang malaking resort sa may Station 2.

Iniwan umano niya ang kanyang mat-book upang maligo subalit ilang minuto lamang ang nakalilipas ng balikan nito ang naturang gamit ay nawala na ito.

Kasama sa naturang mat-book ang perang nagkakahalaga ng 500 USD na nakalagay sa case nito.

Agad siyang nagtungo sa himpilan ng mga pulis subalit agad itong sinundo ng kanyang mga security personnel. 

Tumanggi namang magbigay pahayag pa ang PNP sa nangyari.

Mga Grupo kinundina ang 'panghaharas' vs sa may-ari ng resort sa Aklan

Pinangangambahan ngayon ng mga negosyante ang lumalagong turismo sa isang bayan sa Aklan, ito ay matapos na ang lokal na pamahalaan dito ay naiulat na isinara ang resort na pinagmamay-arian ng isang lider ng local chamber of commerce na wala manlang kaukulang due process.

Hiniling na umano ni Ariel Abram ang Regional Trial Court o RTC sa Kalibo na atasan si Mayor Quezon F. Labindao, na alisin at pigilin ang tuluyang pagpapasara sa na inilabas nito laban sa Ariel's Point, isang resort kung saan nakakuha ng atraksiyon sa parehong lokal at mga taga-ibang bansang mga dayuhan at ialng beses naring lumabas sa mga online site.
Naitaguyod ng pamilya Abriam ang naturang resort noong 2009 at nabigyan ng mga permiso at lisensiya ng tanggapan ni Labindao at ng nasyonal na pamahalaan mula noon hanggang 2014, ay isinailalim sa permanenteng pagsasara sa atas ng mayor noong Marso 3, 2015 na naipatupad kaagad.
Agad na nag-file ang kampo ni Abriam ng petition for certiorari, prohibition at mandamus kasama ang agarang aplikasyon para sa temporary restraining order (TRO), at/o writ of preliminary prohibition/mandataory injuction.
Sa kanyang petisyon, inilahad ni Abriam na ito ay nakaranas ng panghaharas mula sa lokal na pamahalaan mula noong June 2014 hanggang sa panahong ipinadlock ng mga tauhan ni Labindao ang resort.
Giit pa ni Abraham na sa isang pagkakataon habang nasa isang pagdinig na isinagawa ng lokal na pamahalaan sa di umano'y mga paglabag ng resort, tinapos umano nito ang usapin sa hangaring maibenta sa isa pang imbestor ang lugar, ang Oceanpark, na kung saan ay may lugar na rin kalapit lang nito.
Ipinahayag nito na humahanap lamang umano ng gusot ang lokal na pamahalaan para maipasara ang resort, na wala manlang due process.
Maliban sa pagdeklara ng pagsasara bilang , nais din ni Abriam sa husgado na atasan si Labindao at ang kanyang mga kasamahan na pagbayarin ang mga ito ng P4.7 milyon sa kasiraang naidulot nito sa kanyang negosyo.

Wednesday, May 6, 2015

Opinyon: “Hustiya sa Kalsada!”

Dagsa na ang mga bisita sa Isla ng Boracay, siksikan na sa Caticlan at Jetty port, at bagaman nagkaroon na ng bagong ruta ang mga sasakyan pagdating sa may D’ Mall, sa Brgy Balabag para sa kaayusan ng trapiko ay mabagal parin ang usad ng mga ito.

Inaasahang darami pa ang mga bisitang ito, kabilang na rito ang mahigit sa 2, 000 bisita mula sa 21 bansa na kalahok sa gagawing APEC Meeting sa Isla. Ito ay kauna-unahang mangyayari sa Boracay.
Dahil dito, unahin po ang seguridad at kaayusan sa mga bisita at hindi po sa sarili nating kapakanan—upang makilala lamang at umangat sa katungkulan o kaya’y dahil sa pera lamang!

Isip-isip naman po tayo!

Nakakatawa na basta na lamang naglalabas ng violations ang mga Municipal Auxialary Police o MAP sa Isla ng Boracay na hindi makaturungan. Ihalimbawa natin rito, hihintayin ng nakaposting na MAP sa NO loading at unloading area ang mga sasakyang nagpapasakay sa lugar saka ito huhulihin. Saan ang hustiya! Kung tunay ang inyong paglilingkod at ang layunin niyo ay kaayusan, aba’y dapat ngang unahin niyo ang kaayusan at hindi ang maghuli lamang.

Magiging maayos ang mga pasahero kung ituturo ng mga ito sila sa tamang babaan at sakayan. Yun po dapat ang trabahuhin niyo mga MAP members. Hindi na babantayan na lamang ang mga pasahero na sumakay saka huhulihin ang driver ng sasakyan at iisyuhan ng paglabag. Hindi po yan makaturungan.

Kayo po na nakakaalam ang maggabay sa mga bisita lalu’t karamihan sa mga yan ay baguhan lang sa Isla at minsa’y hindi napapansin ang mga signages. Nariyan po kayo upang magpaalala.

Ang mga drayber naman ay napipilitang magpasakay sa mga lugar na ipinagbabawal dahil kalimitan ay nandoon ang mga pasahero.

Ang aming panawagan sa mga opisyal ng Malay Auxiliary Police maging totoo naman po sana kayo sa trabaho niyo at hindi po dahil lamang sa sariling pag-angat. Hustiya lang po sa kalsada!

Mga residente sa Boracay nagrereklamo sa maling abiso ng AKELCO

RADIO BIRADA BORACAY—Inuulan ng reklamo ng mga residente partikular sa Isla ng Boracay ang istasyong ito ng radyo matapos magkaroon ng mahigit apat na oras na brown-out, mahaba kaysa sa inaasahang dalawang oras lamang ngayong umaga.

Matatandaan na binasa sa himpilang ito kahapon ang abiso ng Aklan Electric Cooperative na dalawang oras lamang ang nakatakdang brown-out o power interruption na magsisimula 5 ng umaga hanggang 7 ng umaga. Kabilang nga sa naapektuhan ng naturang interruption ay ang ilang Barangay sa Nabas, buong bayan ng Buruanga, buong bayan ng Malay kabilang na ang Isla ng Boracay.
Gayunpaman 9:30 na ng umaga bumalik ang kuryente.

Nabatid na maging ang mga kapulisan mula sa Region 6 na mahigit 3, 000 ang bilang ay nagrereklamo rin sa nangyaring ito. Nagsisiksikan kasi ang mga ito sa dalawang pampublikong eskuwelahan sa Isla ng Boracay para pansamantalang matirahan para sa isinasagawang augmentation sa mga kapulisan sa Boracay sa nalalapit na APEC ministerial meeting dito na magsisimula na sa 10 ng Mayo. Reklamo nila ang mainit na silid dahil walang kuryente para sana sa bentelasyon.

Sinubukang abutin ng ilang beses ng himpilang ito ang National Grid Corperation o NGCP, o kung saan kumukuha ang AKELCO ng supply ng kuryente para magpaliwanag sa taumbayan ganuon din ang AKELCO subalit hindi nila sinasagot ang mga tawag sa kanila.

Sa abisong nabanggit, ang nasabing interruption ay para sa pagsasaayos ng ilang linya ng kuryente bilang paghahanda sa darating na Asean Pacific Economic Cooperation meeting o APEC. Taliwas naman ito sa pahayag ng OIC ng AKELCO na si Engr. Pedro Nalangan IV ng sabihin nitong handing-handa na ang kanilang ahensiya para dito noong lingo bago paman nagkaroon ng mga ilang brown-out na narasan.

Sunday, May 3, 2015

Kasong libelo ng isang resort vs kay Ted Failon nakasampa na

Sinampahan na ng kasong libelo o paninira ang batikang anchorman sa TV at radyo na si Ted Failon o kilala sa tunay na pangalang Mario Teodoro Failon ng may-ari ng kontrobersiyal na Boracay West Cove resort na si Crisostomo "Cris" Aquino.
Ang kasong ito ay kaugnay ng ginawang sunod-sunod na pambabatikos ng naturang media man sa kanyang palabas sa TV sa parehong "TV Patrol" at "Failon Ngayon", at maging sa programa nito sa radyo sa di umano'y sa maraming paglabag ng nabanggit na resort at sa kabila nito'y nag-ooperate parin.

Sa siyam na pahinang affidavit-complaint ng may-ari ng resort na isinampa nito sa Quezon City Hall of Justice noong Abril 23, maliban kay Ted Failon ay kasam rin sa kasong libelo si Maylynn "Nenette" Graff, opisyal ng Boracay Foundation at kasalukuyang kapitana ng Brgy. Motag sa bayan ng Malay matapos itong lumabas sa programang "Failon Ngayon" noong Marso 28 ng taong ito at nagpahayag na maaring may kinakapitan ang may-ari  para sa operasyon ng kanyang resort .

Nakasaad sa ika-15 na talata ng affidavit ang pagtukoy ni Cris Aquino na nabayaran umano ng malaking halaga si Ted upang siraan ang kanilang resort. Personal nitong tinukoy si Mayor Virgilio Bote ng Gen. Tinio, Nueva Ecija, matapos itong lumabas sa programa ni Ted na nagpahayag ng sama ng loob kay Cris sa kanilang agawan sa bahagi ng lupa na kinatitirikan ng nasabing resort.

Samantala, nakabinbin parin sa Korte Suprema ang inihaing motion for reconsideration ng panig ni Cris para sa operasyon ng kanilang resort matapos itong sapilitang ipinapasara ng lokal na pamahalaan at DENR dahil narin sa isyung pinupukol ng naturang anchorman.