Natagpuang patay at may bakas ng pananaksak sa leeg ang isang
Brgy. Kagawad kahapon sa Brgy. Songcolan, Batan, Aklan karatig barangay kung
saan ito naglilingkod.
Kinilala ang biktima na si Albert Laurente, 41 anyos at
kagawad ng Brgy. Ambulong.
Hindi pa malaman kung sino ang pumatay sa biktima.
Ayon sa imbestigador ng Batan PNP, nagtext pa ito sa kanyang
kapatid na may bantang pagpatay sa kanya.
Kahapon nga banda 11 ng umaga, natagpuan na lamang sa
kakahuyan ang kagawad na malamig na bangkay na at sinasabing ang pananaksak na
natamo nito sa kanang bahagi ng kanyang leeg ang dahilan ng kanyang
pagkamatay.RB!B
No comments:
Post a Comment