BORACAY,
AKLAN—Nakakulong na sa ngayon ang isang drug pusher at isang drug user sa
istasyon ng pulis sa Kalibo, lalawigan ng Aklan matapos mahuli kahapon ng
hapon.
.jpg)
Nahuli ang
dalawa sa isinagawang buy-bust operation sa pinagsamang lakas ng Anti-Illegal
Drug Task Force at ng Kalibo PNP sa mismong boarding ng babae sa Goding Ramos
St., sa unang nabanggit na lugar.
Nakuha kay
Manolo ang 5 sachet ng hinihinalaang shabu, 1 sachet ng hinihinalaang
marijuana, at kay Roselyn naman ang 1 sachet ng hinihinalaang shabu.
Nabatid na
dalawang buwan nang binabantayan si Manolo. Kahapon lang din sila nagkakilala
ng babae para makipagtransaksiyon at dahil sa kalasingan doon na ito natulog sa
boarding ng babae.
Inamin naman
ng babae na isa nga itong user.
No comments:
Post a Comment