BORACAY,
AKLAN—Tumalon ang 82-anyos na lola sa bintana ng kanilang bahay matapos
mapag-alaman na nasusunog na pala ang kanyang bahay kagabi sa Brgy. Kugon,
Malinao, Aklan.
Kinilala ang
lola na si Consolacion Selino na ngayon ay nagpapagaling sa provincial hospital
matapos magtamo ng first degree burn at ilang sugat matapos itong tumalon sa
bintana.
Lumalabas sa
imbestigasyon ng mga kapulisan, natutulog ang lola sa kanilang bahay banda 10
ng gabi ng may napansin itong may kumakatok sa labas sa pintuan ng bahay. Dala
ng kaantukan, hindi na nito pinansin ang pagkatok at nagpatuloy sa pagtulog.
Hindi niya
inaasahan na susunugin pala ang kanyang bahay.
Wala pang
kinilalang suspek ang kapulisan ng nasabing bayan subalit nagpapatuloy pa
imbestigasyon sa pangyayaring ito.
No comments:
Post a Comment