BORACAY, AKLAN--Posibleng
bumisita si Philippine Red Cross Chairman Richard Gordon ngayong buwan ng
Nobyembre sa Isla ng Boracay upang dumalo sa isasagawang “festival of the
winds” ng Boracay Chapter ng nabanggit na asosasyon base narin sa naging
pahayag ni G. Marlo D. Schoenenberger, ang chapter manager sa nasabing lugar.
Matatandaan
na una nang nagpahayag ang Red Cross na magsasagawa ng naturang aktibidad sa
Nobyembre 15-16, subalit sa huling pahayag ng chapter manager sa Boracay sa
Radio Birada! kahapon, ipagpapaliban na lamang ito. Sa halip, isasagawa ang
aktibidad sa huling dalawang araw ng Nobyembre upang makadalo mismo ang pangulo
ng Red Cross.
Tampok sa
dalawang araw na aktibidad ang pagkakaroon ng Junior at Senior Life Guarding,
Lantern Parade, Ocean Swim & Adventure Run, at Paraw Regatta na may
nakalaan premyo.
Magsasagawa
rin sila ng under water clean-up na pangungunahan ng mga taga-BASS o Boracay
Association of Scuba School.
Ang
aktibidad na ito ay sa pakikipagtulungan din ng lokal na pamahalaan ng Malay,
Department of Tourism (DOT) at iba pang pribadong sector.
No comments:
Post a Comment