Arestado ang isang sabungero dahil sa pagtutulak ng mga
ipinagbabawal na druga sa isinagawang drug rade operation ng mga kapulisan sa
Brgy. Estancia, Kalibo, Aklan, kahapon ng hapon.
Nakuha sa suspek ilang mga hinihinalaang illegal na druga at
mga kagamitan na ginagamit sa mga ito.
Kinilala ang suspek na si Eric Flaviano Reyes, 50 anyos at
isang sabungero.
Nangyari ang buybust operation na isinagawa ng pinagsanib
puwersa ng Aklan Provincial Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group
(PAIDSOTG) sa pangunguna ni Superintendent Jomil John Trio at ng Kalibo
PNP sa pamumuno ni Superintendent Pedro Enriquez banda alas-4 ng hapon sa
sabungan sa Kalibo capitol site.
Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165
or the Comprehensive Dangerous Acts of 2002 ang suspek.
No comments:
Post a Comment