Tuesday, November 11, 2014

Tapat na tricycle driver nagsauli ng P3.5M sa pasahero

BORACAY, AKLAN--Tuwang-tuwang niyakap at umiiyak pang dalawang koreano ang tricycle driver nang personal nitong ibalik ang naiwan nilang perang nagkakahalaga ng P3.5M na nakalagay sa loob ng bag sa tricycle nito.

Ang driver ay kinilala kay Zaldy Lagunsad, 46 anyos at residente ng Brgy. Manocmanoc, Boracay, Malay, Aklan.

Sa panayam sa kanya ng Radio Birada! Boracay kaninang umaga, ipinagmalaki pa nitong sinabi na “dahil alam kung hindi iyon sa akin, kailangan ko iyong ibalik”. Hindi narin niya naisip pang ipablotter kung saan mahalaga sa kanya ang naibalik na nito ang pera.

Ayon sa kanya, iniabot umano ng panibago niyang pasahero na isa ring Koreano ang nasabing bag na naiwan sa harapang upuan ng kanyang sasakyan. Nagulat ito na ito ay naglalaman ng nabanggit na halaga kasama ang dalawang cellphone at iba pang mahahalagang dokumento.

Agad naman siyang nagtungo sa Boracay Tourist Assistance Center o BTAC police station kung saan naghihintay na ang dalawang koreanong nakaiwan ng nasabing halaga.

Hindi na niya nakuha ang mga pangalan ng mga turista dahil sa pagmamadali rin ng mga ito.

Nakatakda namang parangalan ng Boracay Land Transport Multi-Purpose Cooperative (BLTMPC) sa darating na Disyembre at bigyan ng insintibo dahil sa katapatan niya bilang miyembro.


Sa iyo Mamang driver, saludo ang Radio Birada! Boracay.

1 comment:

  1. congrats and more powerful accomplished sa u kadakilaan at kaibuturan ng u puso at malinis na hangarin.saludo kami sa u sir zaldy lagunsad at sa u kalinis linisan pagkatao,tapat at naninindigan hindi sa u.pagpapalain ka ng maykapal at ng iyong kamag anak.at tinataas ka nila at kinararangal.at pinagmamalaki.mabuhay ka proud kami sa ganyang trabaho tricycle driver.magaling magaling excellence god bless u.keep up the gud work.handa laging sumubaybay lagi makinig walang sawa.walang tigil mabigat suliranin handang tapat araw araw sa isang linggo,bukas makinig magbasa ng u mga news na kahindik hindik,kahinatnat,kapitapitagang radio bitada.kawaiii.mwahhhhhhhhh.

    ReplyDelete