Arestado ang isang lalake at isa sa walong most wanted person
sa bayan ng Malay na may kasong homicide kahapon ng umaga.
Kinilala ito kay Zaldy Tubi y Salmorin, 32 anyos at residente
ng Brgy. Recto, Ferrol, Romblon.
Ang arestasdo ay nahuli sa kasalukuyan nitong adres sa bias
ng warrant of arrest sa kasong homicide na nilabas at nilagdaan ni Ho. Sheila
Martelino Cortes, presiding judge of RTC Region, Branch 3, Kalibo, Aklan na may
fixed bail bond na Php 40, 000.00 noong Pebrero 2000.
Ang nasabing akusado ay nasa kustodiya na ng Boracay Tourist
Assistance Center o BTAC.
Ang pagkahuli sa nasabing suspek ay sa malakas na
pakikipagtulungan ng mga tauhan ng BTAC at kapulisan ng Romblon.
No comments:
Post a Comment