Laking panghihinayang ng isang Korean national na
nagbabakasyon lamang sa Isla ng Boracay ng manakawan siya sa kanya mismong
kuwartong tinutuluyan sa isang resort sa Sitio Bolabog, Brgy. Balabag.
Ang biktima ay kinilala kay Hyun Jae Cho, lalake at 37 anyos.
Ayon sa kanya, nagising na lamang ito na wala na ang kanyang
laptop, cellphone, Lotte Card, Bunos Card, 100 Malaysian ringgit, 30, 000
Korean Won, humigit-kumulang 30, 000 Thailand money at Php 1, 000 pera.
Lumalabas sa imbestigasyon ng mga kapulisan na binuksan ng
biktima ang bintana ng kanyang kuwarto bago matulog na maaring doon dumaan ang
suspek.
Ayon naman sa fron desk personnel on duty, lingid umano sa
kanya kung may pumasok sa kuwarto ng biktima habang natutulog ito.
Napag-alaman na walang CCTV at guwardiya ang naturang resort.
Ang kasong ito ay sa patuloy na imbestigasyon pa ng mga
kapulisan.
No comments:
Post a Comment