Huli sa akto ang lalake sa tangka nitong pagsunog sa isang
establisyemnto sa So. Bolabog, Brgy. Balabag, Boracay, Malay, Aklan kahapon ng
gabi.
Kinilala ang suspek na si Reynan Cahilig, 20 anyos, at
residente ng Brgy. Manocmanoc.
Ayon sa saksi na si Arvin Bernabe, 27 anyos, at residente rin
ng huling nabanggit na lugar, nang siya ay dumaan sa naturang establisiyemnto,
naaktuhan niya ang suspek na nagpaapoy gamit ang isang disposable na lighter sa
tangkang sunugin ang establisyimento.
Agad naman inapula niya at ng mga tagaroon ang apoy at
ipinagbigay alam ang nasabing pangyayari sa may-ari.
Ipinaalam naman ng may-ari na hindi na ito magpapataw ng
kabayaran sa suspek at aayusin na lamang ang nabanggit na kaso sa barangay
justice system.
No comments:
Post a Comment