Biktima na
naman ng pagnanakaw ang isang Chinese national at ang kasama nitong babae sa
Isla ng Boracay kahapon ng hapon sa front beach sa Station 3.
Kinilalala
ang mga biktima na sina Tan Shufu, 22 anyos, isang Chinese national at Mary
Cherry san Juan, 33 anyos.
Ayon sa
kanila, naaktuhan mismo nila ang pagkuha ng suspek sa kanilang mga iniwang
gamit sa front beach. Nabatid na ang lalakeng suspek ay nakasuot ng dilaw na
damit at short pants.
Ilan sa mga
nakuha sa kanila, ang wallet, cellphone, bag.
Agad na
nagbigay-alam ang mga biktima sa BTAC o Boracay Tourist Assistance Center para
sa kaukulang tulong subalit hindi na naabutan pa ng mga rumespondeng kapulisan
ang suspek.
Umaasa naman
ang mga biktima sa ikadarakip ng suspek na sa ngayon ay pinaghahanap ng mga
kapulisan.
No comments:
Post a Comment