Labis ang pagtataka ng tatlong construction worker sa isang
underconstruction site ng isang sikat na resort sa Isla ng Boracay matapos
looban ng hindi pa nakikilalang suspek ang kanilang barracks sa Brgy. Balabag,
Malay, Aklan noong isang gabi.
Ang mga biktima kinilala kina Jay-ar Varona, 34 anyos, tubong
San Jose, Occidental Mindoro; Ernie Clasin, 27 anyos, tubong Janiuay, Iloilo;
at Joven Iguiron, 37 anyos, tubong Buruanga, Aklan. Ang mga nabanggit na
biktima ay nakatira sa iisang barrack na nauna nang nabanggit.
Paliwanag ng biktima na pagkagising nila banda 2:00 ng
madaling arawa wala na sa kanilang tabi ang ila sa kanilang mga gamit.
Nakuha sa kanila ang 2 cellphone, isang DVD portable player.
Minabuti naman ng kanilang project engineer na ipablotter ang
nasabing panloloob sa kanila.
Ang kasong ito ay sa ilalim pa ng imbestigasyon ng mga kapulisan.
No comments:
Post a Comment