MALAY, AKLAN--Matagumpay na inilunsad ng Department of Health (DOH) Region
VI ang DOH on Wheels: Kalusugan Pangkalahatan ngayong araw sa Poblacion plaza ng
munisipyo ng Malay, dito sa probinsiya ng Aklan. Nilayun ng programang ito na
maabot ang mga mamamayang wala pa sa kanilang kabatiran ang mga pagkakataon-pangkalusugan
na ibinabahagi ng DOH.
Ayon pa kay Dr. Mary Pauline Gestosani, DMO V, Aklan, “This is the best KP roadshow in
Western Visayas”.
Si Congressman Teodorico T. Haresco Jr. (dulong kanan), sa kanyang mensahe sa panimulang programa ng Health Fair: DOH on Wheels. |
Naging pangunahing panauhin sa programang ito sina
Congressman Teodorico T. Haresco; at Bise Goberandor Bely C. Quimpo; at Dr. Marly
W. Convocar, Regional Director ng DOH.
Pagkatapos ng maikling panimula nagpatuloy ang programa sa
pagbibigay edukasyon, ilang libreng serbisyo medikal sa taumbayan na hinati sa
magkakahiwalay na istasyon—kababaihan; kalalakihan; matatanda; at kabataan.
No comments:
Post a Comment