Bugbog ang inabot ng dalawang UAE
national ng staffs ng Aplaya Restaurant sa isla ng Boracay kagabi.
Nadatnan ng
mga rumispondeng kapulisan ang suspek na kinilala kay Keynes Laserna, 23 anyos, staff ng
Aplaya Restaurant, at tubo ng Brgy. Rizal, Nabas, Aklan at kasalukuyang naninirahan sa Zone 4, Brgy. Manocmanoc,
Boracay. Napag-alaman na ito ay nasa ilalim ng nakalalasing na inumin na paalis
na sana sa lugar.
Dinala naman
ang suspek at ang mga biktima na sina Ibrahim Saleh Mahomed Alzarooni,
lalaki, 23 anyos; Osamah Alharbi, lalaki, 25 anyos; Mohammed Abdulah Alhammad,
lalaki, 22 anyos, at lahat ay mga UAE national, at temporaryong umuuwi sa
Fairways at Bluewater Inc. sa Brgy. Balabag, Boracay.
Base sa
inbestigasyon banda 11:15 ng gabi ring iyon na habang ang mga biktima ay nag-uusap
sa harapan ng Aplaya Restaurant ng walang kung anong dahilan sinuntok ng suspek
si Ibrahim sa kanyang labi. Matapos nito nagkaroon din ng alitan ang suspek at
si Osama, na kung saan ang iba pang mga suspek ng isang Reggie staff ng
restaurant ding iyon ay tumulong din na bugbugin sa Osamah, na natamaan sa
iba-ibang bahagi ng kanyang katawan.
Sa
pangyayaring ito, sinubukang awatin ni Ibrahim ang alitan subalit sinuntok siya
ni Reggie sa kanyang tiyan.
Ang
pangyayari ay nasaksihan mismo ni Jilven Casidsid, staff ng Boracay Beach
Resort, na sinubukan pang awatin ang mga ito subalit ang suspek ay tumakbo
papuntang tabing-dagat.
Ang suspek
ay nahuli at nakakulong ngayon sa BTAC.
No comments:
Post a Comment