Dumulog sa Boracay
Tourist Assistance Center (BTAC) police station si Eric Estrera, 23 anyos,
matapos mawalan ng pitaka sa kinainan nitong restaurant Setyembre 17, 2014.
Ayon kay Estrera mga banda 9:00 ng gabi pagkatapos itong
kumain sa Andok’s restaurant sa Isla ng Boracay, napag-alaman nitong nawawala
ang kanyang pitaka.
Naglalaman ang pitaka ng humigit-kumulang P6,000.00, driver’s
license, at ATM card.
Ayon sa biktima, may dalawang hindi nakikilalang babae ang
nasalikuran nito nang siya’y kumakain sa restaurant. Paliwanag naman ng ilan sa
mga tauhan ng nasabing restaurant, na habang
ang biktima ay nakapila, ang isang babae ay nasa likuran ng biktima samantala
ang isa ay nangungulit sa cashier. Naniniwala ang mga ito na posibleng sila ang
kumuha ng pitaka ng lalaki sa kung paanong paraan.
Pinakita naman ng mga tauhan ang kanilang mga kagamitan para makita
ng biktima subalit wala sa isa man sa kanila ang nakakuha ng nasabing
nawawalang pitaka.
No comments:
Post a Comment