Bandang 3:20 ng hapon kahapon September 28,2014 isang tawag
sa telepono ang natanggap ng Boracay Tourist Assistant Center o BTAC mag mula
sa isang empleyado ng McDonalds (main road Brgy. Balabag,Malay ,Aklan), At
humingi ito ng tulong tungkol sa isa nilang custumer na nawalan ng iphone.
Ang biktima ay nakilala sa pangalang Jun Young Choi, 31
taong gulang at isang Korean national na pansamantalang nakatira naman sa
Lagoon Regency Resort, Dito sa isla ng boracay.
Ayon sa imbestigasyun ng ating mga kapulisan inilapag
nito umano ang kanyang kulay puti na iphone 4s sa
counter/cashier’booth ng nasabing fastfood at nagbayad Ngunit, nakalimutan
naman nitong dalhin ang nasabing bagay papunta sa kanyang mesa.Binalikan naman
ng biktima ang cashier’s booth ngunit wala na ang kanyang iphone at agad naman
nitong inireport sa management ng nasabing fastfood.
Nang tingnan ang cctv footage napag-alaman na isang di
kilalang lalaking dayuhan nakasuot ng pulang sleeveless na damit at naging
costumer din sa nasabing fastfood ang responsable sa insidente. Ang kasong ito
ay patuloy paring inaalam ng ating mga kapulisan..
No comments:
Post a Comment