Ninakawan ang isang Koreano na si Nam Gyoung Lee, lalake, 24 anyos, at
Tour Guide ng POSCO Travel Agency sa Isla ng Boracay ng kanyang mahahalagang
gamit habang ito ay naliligo sa dagat.
Ayon sa biktima, mga banda 3:00 ng hapon Setyembre 17, 2014, iniwan nito
ang hand bag sa buhanginan para maligo sa dagat. Mga ilang minuto lamang nang
ito ay bumalik napag-alaman na ang bag nito ay wala na.
Ang nasabing bag ay naglalaman ng P10,000.00, 100 US dollar; cellphone
Samsung Galaxy III at pitaka na naglalaman ng Credit card, Alien Card; at Association
ID (Boracay Korean Community Association in the Philippines).
Sa huling imbestigasyon ng mga kapulisan may nakakita umano na tambay sa
lugar na kumuha sa bag ng biktima. Ang suspek ay nakasuot ng itim na jacket at
nagtungo sa boat station 3. Nagsagawa ng manhunt operation sa nasabing lugar
pero negatibo ang naging resulta.
Ang nasabing kaso ay nasa ilalim pa ng imbestigasyon.
No comments:
Post a Comment