Luhaan ang
magkasintahang Hapon at Intsik matapos mawalan ng kanilang mga mahahalagang
gamit at pera habang nagbabakasyon sa isla ng Boracay, Malay, Aklan.
Kinilala ang
magkasintahan na sina Daiki Kaneko, lalaki, 20 anyos, isang Hapon, at Weiwei
Zhu, babae, 24 anyos, isang Intsik. Kasalukuyang naninirahan ang mga ito sa
Island Jewel Resort sa nasabi ring Isla.
Ayon sa ulat
ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) police station na ipinatala ng
magkasintahan na banda 2:00 ng hapon kahapon Setyembre 15, 2014, naliggo ang
mga ito sa station 2, Brgy. Balabag, Malay, Aklan nang balikan nila ang iniwang
gamit sa tabing-dagat nagulat na lang sila na malamang wala na ang mga ito.
Sa babae,
ang mga pagmamay-ari ay iPhone 5S, tatlong credit cards, at pera na
humigit-kumulang P3,000.00 samantala ang mga pagmamay-ari naman ng lalake ay
iPhone 5, pasaporte, pitaka na naglalaman ng P5,000.00, credit cards at
Driver’s License.
Ayon sa
follow-up investigation ng mga pulis, nakuha ng hindi pa nakikilalang suspek
ang kanilang mga pagmamay-ari. Wala namang CCTV camera sa lugar at wala namang
saksi na maaring makapagpatunay sa pagkakakilalan ng suspek.
No comments:
Post a Comment