BORACAY, MALAY, AKLAN—Bukas na ang
pintuan ng kuwarto, at wala na ang mahahalagang gamit sa loob—ito ang eksenang
tumambad sa magkasintahang Deutch nang bumalik sila sa hotel na tinutuluyan
nila matapos nagsaya sa bar.
Kinilala ang mga biktima na sina Lea
Theresa Aime, 23 taon-gulang, at Felix Sebastian, 23 taon-gulang. Ayon sa
kanilang salaysay, iniwan nila ang kanilang mga pagmamay-aring gamit sa inuupahang
kuwarto sa hotel sa Brgy. Manocmanoc, Boracay, Malay, Aklan upang pumunta sa
bar.
Nang bumalik ang mga ito, napag-alaman
nilang ninakaw na ang kanilang mga gamit. Nakuha sa lalake ang isang malaking Nikon Camera D90 na may sling
bag, isang Iphone 4s, 100 U.S. dollars, 50 euro,at P5,000 .00. Samantala nakuha
naman sa babae ang isang malaking Nikon Camera D30 na may sling bag, at isang
Iphone 5C.
Katwiran ng mga biktima, kinandado
nila ang kuwarto bago ito umalis.
Sa sinagawang imbestigasyon ng mga
kapulisan sa Gracia Inn na tinutuluyan ng magkasintahan, napag-alaman na hindi
pinuwersa ang pinto upang mabuksan, maaari umano na ginamitan ito ng master
key. May safety box naman ang nasabing kuwarto pero hindi ipinaalam sa mga
biktima.
Dagdag pa, ang nasabing inn ay walang
guwardya at mga CCTV camera.
No comments:
Post a Comment