“Maghanda kayo sa labas don tayo magsuntokan,” ito ang
pagbabanta ng mga bouncer ng Cocomangas Bar sa Isla ng Boracay sa isang magkasintan
dahilan lamang sa nabasag na baso.
Banda 3:00 ng madaling-araw, habang ang magkasintahang Anna
Manahan, 30 anyos at Amerikanong Anthony Izzi ay nag-iinuman sa nasabing bar nang
bigla ay nabagsak ng lalake ang gamit nilang baso dahilan na ito ay nasira.
Ang pangyayaring ito ang ikinagalit ng isa sa mga bouncer ng
bar na nagresulta ng kanilang mainit na pagtatalo. Inawat ng kasintahang babae
ang pangyayari at hinila ang kanyang kasintahan sa labas.
Hinabol sila ng 3 iba pang bouncer at doon na ito
pinagbantaan. Minabuti namang ipinarekord ng babae sa Boracay police station
ang nangyari.
No comments:
Post a Comment