Bandang 2:45 ng madaling araw, setyembre 26, 2014. isang
nagrereklamo na kinilala kay GINAFE BUBAN y Mendoza ,isang babae , 41 taong
gulang , at walang asawa. taga Baranggay Kumbot, San Jose Romblon at
kasalukuyang nakatira sa Sitio Hagdan , Baranggay yapak Malay, Aklan.
Personal itong pumunta sa opisina ng Boracay Tourist
Assistant Center (BTAC) para humingi ng ayuda dahil may hinala siyang
pagnanakaw ang nangyari sa kanyang tinutuluyan.at agad namang pumunta ang mga
pulis kasama ang nagrereklamo sa kanilang bahay kung saan nangyari ang
insidente.
Ayon sa nagrereklamo positbong nakilala niya ang suspek na
kinilalang si MABINI MARIANO y JORDAN, lalaki, 42 taong gulang at may asawa,
taga Sta. Fe Romblon at kasalukuyang naninirahan di sa Sitio Hagdan Brgy.
yapak malay Aklan.
Mga bandang 1:30 ng madaling araw sa nasabing petsa.
Nagising daw sya ng my marinig siyang ingay sa sala ng kanilang bahay, nang
kanyang puntahan ito, bukas na ang pinto kung saan sinaraduhan niya naman muna
ito bago matulog. Mga ilang minuto pa ang nakalipas ng may naamoy siyang
nakakalasing na inumin at napansin na niyang kinuha na ng suspek ang nakasabit
nyang underwear sa labas ng kanilang bahay. Agad – agad niyang tiningnan ang
kanyang mga gamit at nakiskubrehan niya na ang kanyang TV at rice cooker ay
nawawala na rin. Narekober ng mga rumisponding pulis ang mga TV, underwear,
sapatos, bra at tsinelas sa loob ng bahay ng suspek.
Ang nagrereklamo ay hindi na sumampa ng kaso sa suspek dahil
sa naawa din ito sa kanya. pero sinabihan niya ito na kung maulit uli yung
ginawa nya, bibigyan na daw siya ng kaukulang aksyon. Kaya ang nagrereklamo ay
pinakausapang ilabas nalang ang suspek. Sa pagkumpirma ni PO1 Gerald P. Ilig
ang may hawak ng kaso.
No comments:
Post a Comment