Binugbog ang isang resort staff ng Red Cocunot Resort ng dalawang hindi
pa nakikilalang mga suspek sa Isla ng Boracay.
Ang biktima ay kinlalang si Leo Santa Ana, 41 anyos, tubong Brgy. Sum-ag,
Bacolod City, Negros Occidental at kasalukuyang nakatira sa staff house ng
nasabing resort.
Ayon sa kanya mga banda 11:00 ng gabi Setyembre 16, 2014 habang ito ay
pabalik ng staff house sa likuran lamang ng pinagtratrabahuhang resort nang
bigla’y may dalawang lalaking nakasakay ng motorsiklo na biglang huminto at
binugbog ito. Ang biktima ay nagtamo ng
sugat sa kanyang mukha at iba pang bahagi ng kanyang katawan. Samantala, ang
kasama ng biktima na si Michael Durana
ay nakailag sap ag-atake ng mga suspek.
Pagkatapos ng pambubugbog ay agad namang tumakas ang mga suspek sakay ang
motorsiklo.
Ang kasong ito ay sa ilalim pa ng imbestigasyon ng mga kapulisan.
No comments:
Post a Comment