Thursday, September 18, 2014

Lalake Kulong sa Isla ng Boracay sa Pagtutulak ng Droga

BORACAY, MALAY, AKLAN—Bagsak sa kulangan si Juvy Asuncion y Gumban, lalake, 38 anyos, matapos mapag-alamang nagtutulak at gumagamit ito ng illegal na droga sa Isla ng Boracay.

Nahuli ang suspek sa isinagawang buy-bust operation sa So. Hagdan, Yapak, Boracay, Malay, Aklan sa pagtutulungan ng  Provincial Anti-illegal Drugs Special Operation Task Group (PAIDSOTG) na pinangungunahan ni P/Insp. Wilfredo S. Hofileña at Boracay Tourist Assistance Center na pinangungunahan naman ni P/Insp. Nilo Morallos, Chief Intel, sa ilalim ng direktang superbisyon ni P/Insp. Mark Evan P. Salvo, hepe ng BTAC.

Nakuha sa suspek ang isang  laryo ng hinihinalaang tuyong dahon ng marijuana na nakabalot ng papel. Maliban dito, nakuha din ang 10 piraso ng P100.00 papel na ginamit sa pagbili ng druga sa isinagawang operasyon, isang laryo ng hinihinalaang tuyong dahon ng marijuana, isang plastic canister, improvised water pipe, improvised small water pipe, pitong lighter, isang cellphone, at isang I.D., na pawang ginagamit sa transakyon sa paggamit at pagtutulak ng ipinagbabawal na droga.

Kinumpiska sa lugar ng operasyon ang mga nabanggit na mga gamit sa harapan ng suspek, at sinaksihan ni Hon. Jupiter Gallenero, SB member ng Malay, Mr. Johny Ponce, tagapagbalita ng Radyo Birada, at Pros. 1 Flosemar Chris Gonzales, kinatawan ng DOJ Aklan. 


Ang mga hinihinalaang mga illegal na droga ay dadalhin sa Crime Laboratory Office para sa eksaminasyon para sa kaparusahan sa paglabag sa batas RA 9165 o pagbabawal sa paggamit at/o pagtutulak ng mga illegal na droga.

No comments:

Post a Comment