Nalunod ang isang call center agent na kinilala kay Arturo
David, 25-anyos, tubo ng Dao, Antique Setyembre 14, 2014 habang naliliggo sa
baybayin kasama ang kanyang mga kaibigan sa Isla ng Boracay.
Ayon sa ulat ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC),
palutang-lutang at hindi na gumagalaw nang madatnan ng mga agad na rumispondeng
kapulisan ang biktima sa tubig. Sinubukan pa siyang iligtas ng mga lifeguard at
dinala sa buhanginan at nilapatan ng CPR subalit hindi na humihinga pa.
Napag-alaman na hapon ng yaon ding araw na ang biktima ay
nagbayad sa Boracay Sunset Resort sa Station 2, Balabag, sa nasabing isla
kasama ang mga kaibigan nito na maliggo sa dagat. Habang naliliggo ay bigla na
lamang na hinila ng isang malaking alon hanggang sa 200 kilometro ang layo nito
sa tabing-dagat, dahilan na ito ay ninerbiyos at nagpanik kaya ito nalunod.
Idineklara naman ng attending physician, na patay na ang
biktima.
No comments:
Post a Comment