Thursday, September 11, 2014

Reservation Staff ng Hotel Tinangay ang P10,000 ng Kanilang Guest

Idinimanda ng isang superbisor ng hotel ang isang reservation staff ito ay matapos mapag-alamang tinangay nito ang PHP 10,000 na dapat sana'y initial down payment ng kanilang guest.

Sa ulat na ipinatala ni Reynalyn Ramos, Front Office Supervisor ng Club Ten Beach Resort Boracay sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) na noong Hulyo 17, 2014, isa sa kanilang mga guest na si Rommel C. Santos ay nagpa-book sa kanilang resort para sa December 26-30, 2014. Samantala, isa sa kanilang reservation staff na si Dhina Lindong ay nagpadala ng email gamit ang personal email account nito sa nasabing guest na nagsabing magpadala ng initial down-payment guyun paman, ipinilit ng suspek na ipadala ito sa kanya bilang receiver.

Noon ngang Agosto 6, 2014, nagpadala naman ng pera ang guest na nagkakahalaga ng P10,000 sa pamamagitan ng isang pera padala. Natanggap ng suspek ang pera Agosto 7, 2014 dito sa isla ng Boracay subalit hindi ito ibinigay sa management ng hotel.

Ang suspek ay hindi na pumasok sa trabaho sa nasabing hotel simula Agosto 27, 2014 at hindi na rin malaman kung nasaan na ito. Minabuti naman ni Reynalyn Ramos na ayusin ang kaso sa Brgy. Justice System.

No comments:

Post a Comment