KALIBO,
AKLAN--Pinaghahanap sa ngayon ng mga kapulisan ang mga suspek sa pagpatay sa
isang tinder ng isda sa kabiserang bayan ng Kalibo.
Ang tindero
ay nakilala kay Jestoni Asister, 24, nakatira sa Brgy. Estancia, Kalibo ay
paulit-ulit na pinagbabaril ng malapitan ng isang sumalakay na nakasuot ng
jacket, sombrero at isang surgical mask araw ng Linggo ng gabi.
Pagkatapos
ng pamamaril, ang bumaril ay nagkunwaring naglalakad at sumakay ng motorsiklo
kasama ang dalawang sinasabing kasubwat.
Ayon kay
Insp. Benny Jones Mendoza, deputy Kalibo police chief, ang biktima ay
pinagbabaril ng makailang ulit ng ito ay nagsasara ng kanyang tindahan sa tabi
ng national highway sa Brgy. Estancia.
Si Asister
ay nagtamo ng 10 tama ng baril, basis a ulat ng otopsiya. Siya ay dinala sa
Aklan provincial hospital pero idiniklara na ring dead on arrival.
Natagpuan
naman ng mga pulisya ang 8 basiyo ng bala at apat na empty slugs ng 45 pistol
na ginamit sa pamamaril. Inaalam pa ng mga pulisya ang motibo ng pagpatay sa
biktima at ang mga pagkakalinlan ng mga suspek para sa ikadarakip ng mga ito.
No comments:
Post a Comment