KALIBO, AKLAN--Nagpapatuloy ngayon ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection o BFP New Washington sa nangyaring sunog kahapon ng hapon sa So. Naga, Brgy. Poblacion sa naturang bayan.
Naabu ang isang bahay na yari sa mix material at pinagmamay-arian ni Neli Concepion at may lawak na 80 sq. meter.
Bahagya namang naabot ng sunog ang bahay ng kanyang nanay malapit lamang sa bahay ng biktima.
Nabatid kay SFO1 Randy Abillo ng New Washington BFP na kung nagtuloy-tuloy ang sunog ay maaring nadamay pa ang mga kabahayan na halos magkakadikit-dikit malapit lamang sa bahay ng biktima.
Nangyari ang sunog alas-3 ng hapon at mabilis namang naapula ng rumispondeng bombero ng Kalibo at New Washington. Tinatayang tumagal ang sunog ng 15 minuto.
Napag-alaman na wala namang mga naisalbang gamit ang biktima sa nasunog na bahay. Wala rin namang may nasugatan sa nasabing sunog.
Monday, June 29, 2015
54 anyos na bulkitor arestado re: pambabastos sa babaeng kustomer
KALIBO, AKLAN--Inaresto ng mga kapulisan ang isang vulcanizer sa Brgy. Poblacion sa bayang ito matapos magsumbong sa kapulisan ng Kalibo ang isang babaeng kanyang kustomer ng pambabastos.
Salaysay ng 23 anyos na babae at residente ng Ivisan, Roxas City, Capiz, kahapon ng umaga ng maganap ang nasabing insidente.
Nagpapabulkit umano siya ng na-flat na gulong ng kanyang motorsiklo nang pag-uusisain siya ng suspek na bulkitor at naglabas ng mga bastos na mga salita.
Tinanong umano niya ang babae, "Pila imo puya?" o ibig sabihin kung ilan ang anak nito. Sinagot naman siya ng babae na isa lang. Sumagot naman ang suspek (sa Tagalog) na yan lang ba ang kaya ng mister mo, ako kaya ko ang lima. Dagdag pa rito, hindi na nito pinagbabayad ang babae sa halip ay pinababalik kinabukasan para makipag-sex sa kanya.
Maliban rito ay pinilit din di umano siya na pumasok sa kanyang shop.
Matapos magsumbong sa mga kapulisan, ay positibo niyang itinuro ang suspek sa lugar ng insidente at agad namang inaresto ng mga kapulisan.

Mahigit 1K biktima ng bagyong Yolanda sa Kalibo tatanggap na ng ESA
KALIBO, AKLAN--Nakatakdang ipamahagi ngayong araw ng Local Goverment Unit (LGU) at ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWD) ng Kalibo ang tig-30, 000 pesos na pondo mula sa pamahalaang pambansa tulong para sa mga nabiktima ng bagyong Yolanda noong Nobyembre 2013.
Nabatid na sa bayang ito ay mabibigyan ang 1215 mga biktima ng bagyo kung saan kabuuang 30k ang kanilang matatanggap matapos mavalidate na kabuuang nawasak ang kanilang bahay.
Ang nasabing pondo o Emergency Shelter Assistance (ESA) ay tulong ng pamahalaan upang mapaayos ng mga benipesaryo ang kanilang mga kabahayan.
Matatandaan na noong Pebrero ng taong ito ay una nang naipamigay sa mga taong bahagya namang nasira ng kanilang bahay dahil sa bagyo ang parehong tulong sa halagang 10k bawat isa sa kanila.
Sa 16 na mga kabarangayan sa bayang ito ay unang mabibigyan ang Poblacion.
Samantala, matatandaan na noong Biyernes ay nagsagawa ng dayologo ang mga militanteng grupo kasama ang LGU Kalibo sa paghiling nila na ipamigay na ang naturang pondo sa mga tao. Maliban rito ay humingi rin sila ng pinansiyal na tulong sa mga nabiktima ng sunog sa C. Laserna sa bayan ding ito.

Dahil sa underwear, lalaki nanuntok arestado
KALIBO, AKLAN--Pansamantalang ikinulong ang isang lalaki matapos itong manuntok ng babaeng kapitbahay nila dahil lamang sa ninakawa na panti.
Sumbong ng biktimang si Rowena Viray, 38, sa mga awtoridad na sinuntok umano siya ng suspek na si Greg Igma, 51 anyos.
Agad namang nagtungo sa lugar ang mga kapulisan ng Kalibo PNP upang mag-imbestiga. Dito ay naaresto nila ang naturang suspek at inaming sinuntok nito sa kaliwang mata ang nasabing biktima dahilan upang mamaga ito at magdulot ng pananakit sa kanya.
Dahilan ng suspek ay kinuha di umano ng biktima ang underwear ng kanyang anak kaya niya ito nagawa.
Dagdag pa rito, sinabi naman ng biktima na pagmamay-ari niya iyong underwear na tinuturo ng mag-ama.
Nabatid na magkakapitbahay lamang ang magkabilang panig sa C. Laserna, Poblacion, sa bayang ito.

Dahil sa selos, chief tanod pinagsasaksak--patay
KALIBO, AKLAN--Agad na binawian ng buhay ang isang chief tanod matapos itong pagsasaksakin ng makailang ulit ng isa pa habang ito ay bumibili ng barbecue kagabi sa bayan ng Tangalan sa lalawigang ito.
Nabatid sa ulat ng Tangalan PNP, banda 7:30 nangyari ang insidente ilang metro lang ang layo sa lugar kung saan nagsasagawa ng traffic checkpoint ang mga kapulisan sa Brgy. Poblacion.
Bumibili ang biktimang tanod na si Ricky Talamisan, 48 anyos, ng barbecue sa isang barbecue stand nang bigla itong nilapitan ng suspek at mabilis na pinagsasaksak ng makailang ulit hanggang sa tuluyan itong mawalan ng buhay.
Sinubukan namang awatin ng kasama ng biktima ang suspek na si Willy Malihan, 31 anyos at isang drayber ng traysikel, subalit hindi ito nagpadaig.
Napag-alaman na parehong residente ng Brgy. Baybay ang biktima at ang suspek.
Matapos maipagbigay alam ng mga residente ang nangyari sa mga kapulisan ay agad silang rumisponde kung saan naabutan pa nila ang suspek sa krimen.
Nakabaon pa sa dibdib ng tanod ang ginamit na kutsilyo na butcher's knife o "plamingko".
Sa personal na pagpanayam ng Radio Birada! sa suspek, inamin nitong selos ang dahilan kung bakit niya ito nagawa.
Sa mga naging pahayag naman ng mga kamag-anak ng biktima, nagsisilbing parent-leader ng 4Ps ang nasabing tanod. At sa kanyang pagbabahay-bahay sa kanyang mga miyembro, kabilang na ang pamilya ng suspek, ay naging dahilan ito upang pagselusan siya dahil sa madalas ay wala ang suspek sa kanilang bahay at ang asawang babae lamang nito ang naiiwan.
Nahaharap ngayon sa kasong murder ang suspek.

Thursday, June 25, 2015
Misis nahuli ni mister may katalik sa loob ng sariling bahay
KALIBO, AKLAN--Galit ang panghihinayang ang naramdaman ng biktimang si Max, 38 anyos, nang maabutan nito ang kanyang asawang babae na may katalik na ibang lalaki sa loob mismo ng kanilang bahay sa isang barangay sa Altavas, Aklan.
Agad naman itong humingi ng tulong sa kapitan ng barangay. Rumisponde naman ang mga kapulisan sa lugar matapos magsumbong ang kapitan sa pulisya.
Inaresto ang dalawang suspek at ngayon ay nakakulong sa istasyon ng pulis sa nasabing bayan.
Nabatid sa blotter report na may tinatagong relasyon ang asawang babae sa kapitbahay lang din nito na suspek.

Sa selebrasyon ng San Juan, 27 anyos nalunod
KALIBO, AKLAN--Nagpapagaling ngayon sa surgical ward ng Aklan Provincial Hospital ang 27 anyos na lalaki matapos itong malunod kahapon ng hapon sa bayan ng Numancia, Aklan sa kasagsagan ng pagdiriwang ng kapistahan ni San Juan de Bautista.
Ayon sa report, nagkayayaan umano ang biktimang kinilala kay Chris Rondario, residente ng nasabing lugar, kasama ang kanyang mga kaibigan na maligo sa ilog sa Brgy Navitas.
Dahil sa pulikat nawalan ng kontrol ang nasabing biktima sa kasagsagan ng paliligo. Napag-alaman din na galing sa inuman ang biktima kasama ang mga kaibigan nito bago naligo.
Nasukluluhan naman ang biktima ng kanyang mga kaibigan.
Dumating naman ang mga rescuer at isinakay sa patrol car ng pulisya at isinugod sa nabanggit na ospital matapos malapatan ng paunang lunas.

DJ sa Aklan, iniimbestigahan re: ilegal na pagsuot ng uniporme ng pulis
KALIBO, AKLAN--Pinaiimbestigahan ngayon ng Aklan Provincial Police Office (APPO) ang isang disc jokey (DJ) ng isang FM station sa lalawigang ito dahil sa pagsuot ng uniporme ng pulisya at ginamit na profile pictures sa facebook.
Ito ang kinumpirma ni PO1 Jane Vega, information officer ng APPO, sa Radyo Birada! Boracay.
Nabatid na ginamit umano ni Kenneth Loveras aka "Benjie Parak" ng Love Radio Kalibo ang uniporme ng pulis sa kanilang pictorial at ginawang profile picture.
Nagulat naman ang mga kapulisan nang makita ang nasabing litrato. Maliban dito ay nakalagay pa sa uniporme ang SPO10 na tahasang nang-iinsulto sa mga kapulisan.
Dahil rito maaari umanong makasuhan ang nasabing DJ sa paglabag nito sa paggamit ng uniporme ng kapulisan.
Humingi naman ang nasabing radio personality, maging ang pamunuan ng naturang istasyon ng paumanhin sa mga opisyal ng kapulisan.
Inaalam naman ng mga awtoridad kung sino ang pulis na nagpahiram ng unipormeng ginamit ng DJ.

Wednesday, June 24, 2015
Dahil sa puno ng mahogany, magkapatid nagtaggaan
KALIBO, AKLAN--Kasalukuyang nagpapagaling sa provincial hospital at nakatakdang isailalim sa operasyon ang isang lalaki matapos na pagtatagain ng makatlong beses at barilin ng sarili nitong kapatid sa Brgy. Lanipga, Tangalan, Aklan.
Matatandaan sa report ng Tangalan PNP, sinalakay umano ang nasabing biktima ng kanyang nakababatang kapatid sa sarili nitong bahay sa nasabing lugar.
Gamit ang "boga" o improvised gun, unang binaril ng suspek na si Jimmy Piano, 45 anyos ang kanyang kuya. Para dipensahan ang sarili, gamit ang "espading" tinaga rin ng kapatid na si Jessie Piano ang suspek na tumama sa kanyang noo.
Dahil rito, gumanti naman si Jimmy ng taga gamit ang dalang itak sa kuya kung saan nagtamo ito ng sugat sa kanyang likuran, kaliwang bahagi ng katawan, at sa kanang braso.
Agad namang nahuli ng mga rumispondeng mga kapulisan ang suspek at ngayon ay nakakulong sa provincial jail at takdang sampahan ng kasong frustrated murder.
Napag-alaman na dahil sa pinutol na punong mahogany ng kuya ang ikinagalit ng suspek. Katwiran nito na siya ang nagtanim ng nasabing puno.

Dahil sa clean-up drive, mediaman sa Aklan nanuntok
KALIBO, AKLAN--Sinuntok di umano ng isang radio reporter sa Aklan ang isang milentante dahil lamang sa takdang paglilinis ng mga nasunog na kabahayan sa Purok 2, C. Laserna, sa bayang ito.
Sa ulat ng Kalibo PNP, hinarang di umano nina Jorge Calaor at Nenita Tugna, mga pinuno ng milentanteng grupo na KADAMAY at MAKABAYAN ang isang platoon ng 12IB Philippine Army ng Camp Jizmundo sa Libas, Banga, Aklan para sana magsagawa ng clean-up drive sa nasabing lugar.
Dahil dito, nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng mga nabanggit na milentante at ng radio reporter na si Pablito Cabesilla Jr. Giit ni Cabesilla, na siya ang humingi ng augmentation sa nasabing pangkat kasama ang kanilang grupo sa radyo para sa nabanggit na aktibidad.
Nabatid na si Cabesilla ay residente rin ng naturang lugar at isa sa mga biktima ng sunog.
Ayon naman kay Calaor, dinuro-duro umano siya ng naturang mediaman at sinuntok pa sa kaliwang mukha nito.
Ang magkabilang panig ay kapwa nagpablotter sa himpilan ng pulisya.

Thursday, June 18, 2015
Dahil sa sunog sa Boracay, 2 sugatan nang maaksidente sa Motorsiklo
KALIBO, AKLAN--Konpayn sa Aklan Provincial Hospital ang drayber ng motorsiklo matapos itong sumimplang sa national highway kasama ang isa pa habang humaharurot sa pag-aakalang nakasama ang kanyang boardinghouse sa nasusunog sa Isla ng Boracay kahapon ng hapon sa Gibon, Nabas, Aklan.
Nakilala ang biktima na si Eduardo Dalisay Jr., 39 anyos at tubong Nagustan ng parehong bayan. Tumanggi namang magpakilala ang isa niyang kasama na nagtamo lamang ng kaunting galos sa ilang bahagi ng kanyang katawan.
Nagtamo ng sugat sa noo, tuhod at mukha ang naturang drayber at ilang galos sa ilang bahagi ng kanyang katawan.
Kasalukuyang nagpapagaling ngayon sa medical ward ang biktima.

Romanian national nangisay sa daan--patay
KALIBO, AKLAN--Dead on arrival sa Aklan Provincial Hospital ang isang Romanian national matapos mangisay sa daan sa Brgy. Tina, Makato, Aklan.
Ayon sa Makato PNP station, banda 8:00 ng umaga kahapon ng makatanggap sila ng tawag mula sa isang residente na nangingisay sa daanan ang naturang Romanian national na kalaunan ay nakilalang si Gigil Dita, nasa 45 anyos.
Nabatid na ang babaeng biktima ay dumating sa Pilipinas noon pang 2012 at unang napunta sa Manila kung saan siya nahold-up.
Sa imbestigasyon ng mga awtoridad nabatid na naging palaboy ang naturang dayuhan sa iba-ibang lugar dito sa Western Visayas kabilang na sa Isla ng Boracay.
Narekober sa bag na bitbit ng biktima ang dalawang sirang cellphone, kung saan sa pamamagitan ng mga sims nito ay nakakuha ang mga kapulisan ng kontak sa kaniyang mga kakilala.
Nabatid na naninirahan ang biktima sa isang malapit na kakilala sa Linabuan Norte sa bayang ito na nakatulong upang makakuha ang mga awtoridad ng karagdagang mga impormasyon.
Itinuturo ngayon ang gutom, pagod at init ng panahon ang dahilan kung bakit inatake ang biktima sa daan.
Nakontak narin ng Makato PNP ang Romanian embassy sa posibilidad na matukoy ang kaniyang pamilya.
Friday, June 12, 2015
Nakawan sa Isla ng Boracay talamak parin
ISLA NG BORACAY--Talamak pa rin ang insidenteng may kinalaman sa nakawan sa islang ito. Kahapon lamang ay dalawang magkahiwalay na nakawan ang naitala sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) PNP station.
Ang unang nakawan ay nangyari ng madaling araw kung saan isang security guard ang ninakawan ng kanyang service firearm.
Salaysay ng biktimang si Roy Quirino y Dominguez, 32 anyos, tubong Balete, Aklan, natulugan umano siya sa duyan banda 3:30 ng umaga at pagkagising niya ng 4:30 ay nawawala na ang kanyang bag sa kanyang tabi.
6:00 na ng umaga nang makita nito ang kanyang bag sa tabing lote, 30 metro ang layo sa pinagtratrabahuhan niyang establisyemento sa So. Bolabog, Brgy. Balabag.
Sabug-sabog na ang mga dokumentong nasa loob ng kanyang bag at wala na ang kanyang baril na caliber .38 at may 11 rounds ammo. Kasama rin sa natangay ng magnanakaw ang kanyang cellphone at pera.
SAMANTALA, banda 9:00 naman ng umaga, isang kaso rin ng pagnanakaw ang naganap beach front ng Station 3.
Ayon sa biktimang si Angelic Moises, 25 anyos at tubong Nabas, Aklan, iniwan umano nito ang kanyang pouch sa buhanginan saka ito naligo.
Pagbalik nito, napag-alaman niyang nawawala na ang kanyang dalawang cellphone at 5, 000 pesos na halaga ng pera.
Sa follow-up imbestigasyon ng BTAC nakita sa CCTV footage na kuha ng kalapit na resort na isang babae ang tumangay ng kanyang pouch. Hirap naman ang mga kapulisan sa pagtukoy ng suspek dahil sa malabo ang kuha at malayo ang CCTV sa pinangyarihan ng insidente.
Ang mga kasong ito ng pagnanakaw ay patuloy pang iniimbestigahan ng mga kapulisan.

Monday, June 8, 2015
Opinyon: Boracay, paalam na nga ba?
Kasabay ng paglago ng turismo, ay pag-usbungan ng mga malalaking imbestor dala ang iba-iabng aktibidad sa Isla ng Boracay, samantalang hindi nito napapansin ang pagkasira ng kalikasan.
Nanawagan ngayon ang Japan International Cooperation Agency (JICA) na unti-unti nang nawawala ang marine and coastal ecosystem sa Boracay sa kasalukuyan.
Ang JICA ay pangkat ng mga Hapon at Pilipinong mga siyentista. Napag-alaman sa kanilang limang-taong pag-aaral na ang mga korales sa Isla ng Boracay ay nangasisira na dahil sa mga tourism-related activities.
Ang pag-aaral na ito ay bahagi ng kanilang malaking proyekto na Coastal Ecosystem Conservation and Adaptive Management o CECAM.
Sa kanilang pag-analisa, kinalkula ng pangkat na ito ang mga korales na bumubuo sa Boracay ay bumaba ng 70.5% sa pagitan ng 1998 hanggang 2011. Napag-alaman din nila na ang pinakamataas na pagbaba ay 2008 hanggang 2011 kung saan ang mga turistang dumating ay umabot sa 38.4%.
Itinuturo ang kasiraang ito sa mga hindi namomonitor na mga snorkeling at diving activities sa mga lugar sa Boracay kung saan mayaman ang mga korales.
Dahil rito ay pinangagambahan ang posibleng pagguho ng buhangin sa dalampasigan. Ang coral reefs kasi ang nagpapababa ng impact ng alon sa beach.
Pinangagambahan rin ang pagging polusyon sa tubig na makasisira sa kalusugan ng tao dahil rito.
Mabahala nawa ang lokal na pamahalaan dito. Magpatupad agad ng mga batas ang mga kinauukulan sa pagsugpo nito bago paman mahuli ang lahat.
Huwag nawang ipagpalit ang mga pansamantalang economic gains sa pagpapanatili ng kalikasan ng Boracay o kung hindi ay paalam na Boracay!

Aquasport management sa Boracay inireklamo ng kapabayaan
ISLA NG BORACAY--Nagkatruma at nagtamo pa ng ilang sugat sa katawan ang apat na mga turista mula Maynila matapos itong mawalan ng oxygen habang nasa kanilang helmet diving activity sa islang ito partikular sa Station 3, Brgy. Manocmanoc.
Giit ng mga ito sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) PNP station na muntikan na silang malunod kaya napilitan na lamang silang umahon sa ilalim ng tubig. Dagdag pa ng mga ito na hindi sila inintertina o inasikaso ang kanilang reklamo ng management ng nasabing aquasport activity.
Ang mga biktimang ito na pawang mga taga-Maynila ay sina Jay Cruz, Venus Villanueva, Princess Idely Espiritu at Maureen Olivar.
Salaysay ng mga ito na, habang nasa kasagsagan ng nasabing aktibidad ay napansin nila na tila nawawalan na ng oxyegen ang kanilang helmet. Bagaman nirepilan ng mga divers ng naturang kompaniya ang kanilang helmet ay hindi ito naging sapat, dahilan upang sapilitang umahon sila sa tubig.
Ang kasong ito ay inirefer ng kapulisan sa Department of Tourism para sa kaukulang disposisyon.

Sunday, June 7, 2015
Negros provinces, bubuo ng bagong rehiyon
Nilagdaan ni Pangulong Benigno S. Aquino III ang kautusan na bubuo sa isang bagong rehiyon para sa Negros Occidental at Negros Oriental.
Sa ilalim ng Executive Order No. 183, itatatag ang Negros Island Region-Technical Working Group (NIR-TWG) na babalangkas sa institutional changes.
Ang NIR-TWG ay binubuo ng ilang kinatawan mula sa Office of the President, Department of Budget and Management (DBM), National Economic Development Authority (NEDA), Department of Interior and Local Government (DILG), at mga kinatawan mula sa mga pamahalaang panglalawigan ng Negros Oriental at Negros Occidental.
Sa kasalukuyan, kabilang ang Negros Occidental sa Western Visayas Region na nakabase sa Iloilo, habang saklaw naman ng Central Visayas, na nakabase sa Cebu City, ang Negros Oriental.
Sa kanyang talumpati noong Mayo 1 sa inagurasyon ng Negros First Cyber Center, sinabi ni Pangulong Aquino na sinusuportahan niya ang pagbuo ng NIR dahil pabibilisin nito ang pag-unlad ng Visayas region sa kabuuan.

c. www.balita.net.ph
Swede, nag-deliver ng hashish sa bilanggo
KALIBO, Aklan – Isang 45-anyos na Swede ang inaresto ng awtoridad matapos mahulihan ng “hashish” na ide-deliver sana nito sa mga Pilipinong bilanggo.
Kinilala ng awtoridad ang suspek na si Kidd Bernhard Kieffer, na pansamantalang nakatira sa Boracay Island sa Malay.
Ayon sa imbestigasyon ng Kalibo Police, pumasok ang dayuhan sa Aklan Rehabilitation Center at sa pag-iinspeksiyon ay nabawi mula sa kanya ni Provincial Guard Aladin Pastrana ang hashish ng marijuana na nakatago sa kaha ng sigarilyo.
Pansamantalang ikinulong ang suspek sa himpilan ng Kalibo Police habang hinihintay ang kasong isasampa ng awtoridad laban sa kanya.

Independence Day gugunitain ni PNoy sa Iloilo
Pangungunahan ni Pangulong Benigno Aquino III ang selebrasyon ng ika-117 Independence Day sa darating na Biyernes sa Iloilo City, ayon sa MalacaƱang.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte sa Sta. Barbara sa Iloilo, gagawin ang pagtataas ng bandila ng Pilipinas sa selebrasyon ng Independence Day.
Ipinaliwanag ni Valte na mahalaga sa kasaysayan ng bansa ang Sta. Barbara kung saan noong Nobyembre 17, 1898 sa kauna-unahang pagkakataon ay itinaas umano ang watawat sa Visayas sa inagurasyon noon ng revolutionary government na siyang nagbigay-daan para maging base ng revolutionary forces ang nasabing lalawigan.
Batay sa iskedyul ng Pangulo sa Hunyo 12, matapos umano ang makabuluhang pagtataas ng bandila sa Sta. Barbara ay magkakaroon ng speech si Pangulong Aquino at pagkaraan ay tutulak ito sa isang simbahan sa Molo District bago ang naka-iskedyul na vin d’honneur alas-10:00 ng umaga na gagawin naman sa kapitolyo ng Iloilo kung saan inaasahang may 50 ambassadors at mga miyembro ng gabinete at Kongreso ang dadalo.

c. www.abante.com.ph
Wednesday, June 3, 2015
Antiquenio pinaghahanda ng gobernador
ISLA NG BORACAY--Pinaalalahana ni Gobernador Rhodora J. Cadiao ng Antique ang mga mamamayan na palakasin ang paghahanda sa nalalapit na panahon ng tag-ulan at mabagyong panahon sa paglunsad ng Environment Month na isinagawa sa bayan ng Belison.
Sa panahong isinagawa ang programa, nanawagan rin ito sa lahat na makipagtulungan sa worldwide campaign sa pangangalaga ng kaliskasan sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno.
Masaya ito na hindi gaanong naapektuhan ng El NiƱo ang kanilag probinsiya.
Nabatid na ipinagdiriwang sa probinsiya ang Environment Month bawat taon base sa Presidential Proclamation No. 237 na inilabas ni dating Pang. Corazon Aquino noong 1998.
Kasama sa pagpupulong sina Belison Municipal Mayor Darrell B. Dela Flor, DENR Antique PENRO Ruel delos Reyes, at SP Member Vincent Hernandez, chair ng Committee on Environment and Natural Resources.

Mayor sa Aklan sinagot ang isyu re: pagpapasara ng resort
ISLA NG BORACAY--Mariing pinabulaan ngayon ni Mayor Quezon Labindao ng Buruanga, Aklan na hindi ang pagpasok ng panibagong imbestor kalapit lang sa sapilitan nitong pinasarang resort ang dahilan kung bakit niya ito ipinasara.
Sa naging pahayag nito sa Radio Birada! aminado itong nagdala ng malaking tulong sa bayang nasasakupan nito ang Ariel's Point resort dahil sa pagiging sikat nito sa matarik na diving cliff at magandang lugar.
Gayunpaman, nilinaw nito na napilitan itong ipasara dahil sa umano'y mga paglabag nito sa pagpapanatiling maayos at malinis na kapaligiran.
Nagsimula umano ang isyu ng isa sa hindi na niya pinangalanang mamamayan ang nagpakita ng mga larawan na nasisira ang mga korales, mga natagpuang basura sa dagat, at hindi nakatakip na puso-negro na kasama sa sulat na nakarating sa kanyang tanggapan.
Dito na umano nabahala ang lokal na pamahalaan. Agad umanong bumuo ng komite ang mayor upang mag-imbestiga rito at doon napatunayan ang mga paglabag ng nasabing resort.
Kahit pa may mga notice of permanent closure na ang resort ang nag-ooperate parin ito.
Kaya napilitan ang lokal na pamahalaan na lagyan ng balsa ang diving area upang matigil na ang kanilang operasyon dito.
Bagaman naghain ng TRO ang may-ari ng resort na si Ariel Abriam, ay tinanggihan ito ng korte sa Kalibo.

Oplan-Kandado ng BIR umaarangkada sa Boracay
ISLA NG BORACAY--Umaarangkada ngayon ang oplan-kandado ng Bureau of Internal Revenue o BIR sa islang ito sa mga establisyemento komersiyal na hindi sumusunod sa patakaran ng ahensiyang ito sa bayaran ng tamang buwis.
Kahapon lamang ay tatlong mga establisiyimento ang naipasara nila. Ang mga nasabing establisyimento ay Paradiso Beach House, Canyon de Boracay at Real Maris Resort and Hotel.
Nabatid na sapilitang ipinasara ang mga establisiyimentong ito ay dahil sa kapabayaang magbigay ng kaukulang requirements sa Five-Day VAT Compliance.
Naging matagumpay ang pagpapasara sa mga ito matapos humingi ng tulong ang mga tauhan ng BIR Revenue District ng Kalibo, Aklan sa pamumuno ni Mr. Eralen De Aro, Revenue District Officer sa mga tauhan ng Boracay Tourist Assistance Center sa pangunguna ni PSI Frensy Andrade, hepe ng BTAC.
Ang closure order para sa mga ito ay nilagdaan ni Mr. Nelso Aspe, Deputy Commissioner Operation Group ng BIR.

Buruanga magiging kauna-unahang rabies-free sa Aklan
Larawang kuha ni Darwin Tapayan |
Ayon sa ulat ng Provincial Health Office - Aklan(PHO), ang Buruanga ang may pinakamababang bilang ng mga ng mga nakagat ng hayop na may 29 kaso ng taong 2014, samantalang ang populasyon ng mga aso ay nasa 1, 496 at nakapagbakuna ng 80.55% mahigit kaysa sa inaasahang 70% na target.
Maliban sa Buruanga, ang bayan ng Malay at Nabas ay iminumungkahi ring maging rabies-free dahil sa mataas na porsiyento ng popolasyon ng mga aso ay nabakunahan at may mga mababang bilang ng mga nakagat ng hayop.
Samantala base sa ulat na inilabas ng nakaraang Provincial Rabies Control Commitee meeting ng Office of the Provincial Veterinarian-AKLAN o OPVET at PHO, pinakamataas ang mga bayan ng Kalibo (849), Numanacia (313), at Banga (306) sa mga bilang ng kaso ng animal bite.
Sa kabilang banda, ang Isla ng Boracay ay idinaklara na na rabies-free island kasama ang Guimaras.
Kamag-anak ni "Karen" humihingi ng hustisya
ISLA NG BORACAY--Hindi parin mapalagay ang mga kamag-anak ni Karen "Karen" Valera mahigit isang buwan na nang natagpuang patay at palutang-lutang sa baybayin ng islang ito noong Abril 25 matapos mapag-alaman sa atupsiya na may nangyaring foul-play dito.
"Initial communication to us by her closest friends who were w/ her on the trip, was that she drowned. Contrary to the autopsy report, there was no water found in the lungs and on the throat/ larynx. She was not bloated upon retrieval of her body from the waters of Boracay," pahayag ng isa sa mga kapatid nito sa isang facebook page post.
"According to the report, which states that, the cause of death was blunt traumatic injuries. Injuries on the forehead, that caused a hematoma to the right side of my sister's brain. She had bruises on her chest, lower back and both arms. Her knees were extremely bruised and beaten 'lapnos ang tuhod'. Clearly she did not drown. She was beaten and murdered."
Matatandaan na base sa report ng Boracay PNP station na nagkaroon umano sila ng pagtatalo ng kasintahan nitong babae habang nagbabakasyon sa Isla ng Boracay bago siya natagpuang patay.
Umaasa ngayon ang mga kamag-anak sa California USA at Nueva Vescaya na sa tulong ng mga awtoridad at media ay mapanagot ang suspek sa nangyari.

Mayor sa Aklan maaring makasuhan ng administratibo re: sapilitang pagpapasara ng resort
ISLA NG BORACAY--Maaring makasuhan ng administratibo ang alkalde ng Buruanga, Aklan dahil sa sapilitan nitong pagpapasara sa isang resort ayon sa naging pahayag ni Rodson Mayor, Sangguniang Panlalawigan ng Aklan.
Ayon sa naging pahayag nito sa Radio Birada! sa huling SP regular session, tinawagan nito ng pansin ang mga kasamahan niya na imbestigahan ang naturang kaso at ngayon ay ipinauubuya sa Commitee on Tourism.
Binigyan nitong diin na dahil sa kawalan ng due process of law ay maaring makasuhan si Mayor Quezon Labindao dahil sa pang-aabuso nito sa kanyang kapangyarihan nang ipasara nito ang Ariel's Point resort.
Nabatid na isang sulat ang natanggap ng mayor na nagpapakita ng paglabag sa nabanggit na resort. Sa lumabas na imbestigasyon ng lokal na pamahalaan napatunayan ang mga paglabag nito sa environmental law.
Bagaman nag-ooperate parin ang naturang resort, hinarangan na ng balsa ang diving area nito ng lokal na pamahalaan na nakadismaya naman ng maraming turista.
Binigyan diin ni SP Mayor na ang pagbibigay-pansin ni Labindao sa di umano'y unanimous letter ay isang malaking kuwestiyon na dapat niyang sagutin at pagtangging magkaroon ng tamang due process.

Tuesday, June 2, 2015
Pagbubukas ng klase sa Aklan naging mapayapa
ISLA NG BORACAY--Naging mapayapa at maayos ang pagbubukas ng klase kahapon, araw ng Lunes, Hunyo 1, sa buong probinsiya ng Aklan. Ito ang kinumpirma ni Dr. Jesse Gomez, Division Superintendent ng Department of Education (DepEd) -Aklan.
Sa naging pahayag niya sa Radio Birada! sinabi nito na base sa ulat ng mga opisyal ng DepEd-Aklan ay 90% na nakabalik ang mga estudyante ng nakaraang taon.
Bagaman may mga ilan pang paaralan sa probinsiya ang gumagamit ng stage o ilang lugar maliban sa classroom sa pagsisimula ng pasukan kahapon, tiniyak naman nito na nagpapatuloy parin ang kanilang pagsasaayos ng mga sira at paglalaan ng mga pasilidad sa naturang mga eskuwelahan.
Ipinaliwanag din nito na nagpapatuloy parin ang DepEd sa pagtanggap ng mga gustong magpa-enroll na kung hanggang maaari ay hanggang sa Hunyo 5 na lamang para maisama sila sa listahan ng ahensiya sa pagtanggap ng mga materyales sa pag-aaral.
Ang mga susunod pang magpapa-enroll dito ay maaaring hindi na makakatanggap ng parehong pribelihiyo.
Samantala, pauli-ulit rin nitong ipinapaabot na ang lahat ng mga ambag na pera ay dapat bulontaryo lamang at hindi sapilitan.
Gayunpaman ang boluntaryong ambag na ito ay gagawin lamang sa Grade 5 hanggang Grade 10.
Sapilitang pagpapasara sa resort sa Aklan sinagot ng Mayor
kuha sa FB page ng Ariel's Point |
ISLA NG BORACAY--Mariing pinabulaan ngayon ni Mayor Quezon Labindao ng Buruanga, Aklan na hindi ang pagpasok ng panibagong imbestor kalapit lang sa sapilitan nitong pinasarang resort ang dahilan kung bakit niya ito ipinasara.
Sa naging pahayag nito sa Radio Birada! aminado itong nagdala ng malaking tulong sa bayang nasasakupan nito ang Ariel's Point resort dahil sa pagiging sikat nito sa matarik na diving cliff at magandang lugar.
Gayunpaman, nilinaw nito na napilitan itong ipasara dahil sa umano'y mga paglabag nito sa pagpapanatiling maayos at malinis na kapaligiran.
Nagsimula umano ang isyu ng isa sa hindi na niya pinangalanang mamamayan ang nagpakita ng mga larawan na nasisira ang mga korales, mga natagpuang basura sa dagat, at hindi nakatakip na puso-negro na kasama sa sulat na nakarating sa kanyang tanggapan.
Dito na umano nabahala ang lokal na pamahalaan. Agad umanong bumuo ng komite ang mayor upang mag-imbestiga rito at doon napatunayan ang mga paglabag ng nasabing resort.
Kahit pa may mga notice of permanent closure na ang resort ang nag-ooperate parin ito.
Kaya napilitan ang lokal na pamahalaan na lagyan ng balsa ang diving area upang matigil na ang kanilang operasyon dito.
Bagaman naghain ng TRO ang may-ari ng resort na si Ariel Abriam, ay tinanggihan ito ng korte sa Kalibo.
DepEd Aklan nagbabala sa mga magulang
ISLA NG BORACAY--Nagbabala ngayon si Dr. Jesse Gomez, DepEd Aklan Division Superintendent, sa mga magulang na alamin kung ang eskuwelahan bang papasukan ng kanilang mga anak ay may permit to operate o kinikilala ng DepEd.
Ito ay matapos ilang mga magulang sa islang ito ang nababahala kung ang mga ilang pribadong eskuwelahang pinapasukan ng kanilang mga anak rito ay may mga kaukulang dokumento.
Sa naging panayam ng Radio Birada! kay Dr. Gomez, sinabi nito na mawawalang saysay ang pag-aaral ng kanilang mga anak kahit magtapos man sila sa mga eskuwelahan na walang permit at recognition ng DepEd.
Dahil rito, ipinayo nito sa mga magulang na hingin sa pamunuan ng eskuwelahan ang numero ng kanilang permit o recognition mula sa DepEd bago ipa-enroll ang kanilang mga anak.
Opinyon: Itaas ang moral ng mga kapulisan
Tila mainit sa ngayon ang isyu sa mga inaasala ng kapulisan na nagpapakita ng kawalang-galang sa posisyong nai-atang sa kanila.
Matatandaan na kamakailan lang, Mayo 23 ng madaling araw, isang pulis ng Boracay Tourist Assistance Center o BTAC ang nagpakita ng kawalang-asal sa kanyang pananalita taliwas sa propesyong kinalalagyan nito.
Sinabi umano ng nasabing pulis, ayon sa nakasaksing security guard, matapos na hindi makita ng suspek sa panggugulo sa bar na hayaan na lamang kung hindi makita at kung bumalik sa lugar at sinabi nito na hagisan na lamang ng garanada upang mataranta.
Nagdala ito ng pagkabahala at takot sa mga naroroon.
At ito lang ring nakaraang Lingo ay isa ring pulis ang nagpakita ng parehong paggawi. Ang naturang pulis ay PO1 ng Malay PNP.
Rumisponde ito sa nagkakainitang at nagtatalong doktor at habal-habal driver.
Sinuntok kasi ng doktor ang naturang driver matapos makipagkarera sa kanya sakay sa kanyang kotse. Bigla itong huminto at sinuntok ang driver ng motorsiklo.
Sa situwasyong ito ay hindi rin maganda ang inasala ng doktor at imbes na umawat, sinabi nito na buti suntok lang ang inabot mo hindi baril.
Dagdag pa niya sa harap ng mga nakikiusyuso na kung siya ang sakay sa kotse ay talagang babarilin niya ang mga ito.
Hmmmmm. Lumalabas yata na magkakampi sila ng doktor ah?! Arogante pa si Mamang Pulis sa kanyang posisyon ah.
Nagdala ito ng takot sa biktima ng panununtok dahilan upang huwag na itong magpablotter.
Nadismaya sa inasal ng pulis na ito ang mga naroroon sa nangyaring ito sa Caticlan, Malay, Aklan.
Kung ganito lang naman ang inaasal ng pulis, na tila asal kanto. Tila nakawawalang-tiwala sa taumbayan ang asal na ito ng tinuturing na lingkod bayan.
Huwag naman sanang magpatuloy ang ganitong pag-uugali ng mga lingkod-bayan at tagapagtaguyod ng kapayapaan at kaayusan.
Ang sa amin lang naman sa mga opisyal ng kapulisan, naway mabigyan ng leksiyon ang mga pulis na ito.
Sa mga kapulisan naman, ang amin lang naman kami po ay malaki ang tiwala sa inyo, nawa'y ingatan niyo naman ito at itaas pa nga ang moral ng mga kapulisan.

Bagong commercial development sa Boracay kinontra
Mariing kinokondena ng mga residente at turista ang ginagawang commercial development sa Isla ng Boracay, ang Puka Shell Beach na sinasabing isa sa sikat na lugar sa nasabing isla.
Ang Puka Beach na kilala sa pristine nature at lush forest covers ay sinisimulan nang i-develop ngayon para maging commercial land. Dahil dito, nagpahayag na ng protesta ang libu-libong residente at turista sa lugar para ipakita ang kanilang pagkontra sa dahilang sinisira nito ang ecosystem sa northern part ng nasabing isla.
Noong Marso 29, umaabot sa 8,417 katao ang nagkasundong lumagda sa petisyon ukol sa isyu bilang pagpapakita ng kawalan ng pabor sa nangyayari.
Sa kasalukuyan, isang bagong hotel na Seven Seas Boracay Hotel and Residences ang itinatayo na ngayon sa lugar.
Batay sa website ng Seven Seas, ang Boracay property ay magkakaroon ng pinakamalaking bilang ng underwater hotel resort rooms na 77 with large acrylic panel windows, na may 12 square meters na viewing area, na katumbas ng 192 inch ng viewing screen tanaw ang dagat. Inasahang magbubukas ang operasyon nito sa kalagitnaan ng 2016.
Samantala, ilan naman ang nagpahayag ng kanilang sentimyento sa pamamagitan ng online.
Monday, June 1, 2015
Doktor, nanuntok ng habal-habal driver; pulis kumampi
ISLA NG BORACAY—Hindi naging maganda ang inasal ng kapwa itinuturing na tagapaglingkod-bayan at propesyonal na doktor at pulis sa nangyaring insidente sa Brgy. Caticlan, Malay, Aklan kahapon.
Ito ay matapos nanuntok ang naturang doktor at lumalabas na kinampihan ng isa sa mga rumespondeng pulis.
Napag-alaman na hinamon ng naturang doktor na bilisan ang pagpapatakbo ng parehong driver ng dalawang motorsiklo upang magkepagkarera kung saan muntikan na lamang matumba ang isa rito.
Base sa dalawang habal-habal driver lingid sa kanilang kaalaman na isang doktor ang nanghamon sa kanila.
Huminto sa kalsada ang itim na kotseng menamaneho ng doktor at sinuntok nito ang isang sa dalawang driver na kanyang nakarera.
Dahil dito nagkaroon ng mainit na pagtatalo sa pagitan ng doktor at ng dalawang naturang driver ng motorsiklo.
Dito na pumagitna ang mga kapulisan. Ayon sa mga nakasaksi, sinabi umano ng isang pulis na rumesponde na buti at suntok lang ang inabot nito mula sa doktor hindi baril.
Dinagdag pa nito na kung siya ang sakay ng naturang kotse ay pinaputukan na niya ang mga drayber na ito ng motorsiklo.
Dahil sa lumalabas na magkasunso ang pulis at naturang doktor ay natakot na na magpablotter ang naturang biktima ng panununtok.
Nabatid na marami ang nadismaya sa inasal na ito ng pulis at doktor nang mismong masaksihan ang pangyayari.
Resort staff sinaksak sa Boracay
ISLA NG BORACAY--Nagpapagaling ngayon sa ospital sa Kalibo, Aklan ang isang resort staff matapos itong magtamo ng saksak sa kanyang katawan sa Islang ito kaninang madaling araw.
Ang biktima ay si Federic Galache, 21 anyos at tubong Brgy Molo, Maasin, Iloilo.
Nabatid sa ulat ng Boracay PNP, na papauwi na ang biktima mula sa trabaho nito sa isang resort sa Station 1 nang mangyari ang insidente mag-aalastres ng madaling araw.

Bigla umano siyang nilapitan ng tatlong hindi pa nakikilalang mga kalalakihan habang naghihintay ng sasakyang tricycle kasama ang kanyang girlfriend.
Doon na sinuntok ng isa sa mga suspetsado ang biktima at sinaksak sa kanang bahagi ng kanyang katawan.
Mabilis namang nakatakbo para magtago ang mga suspek. Samantala isinugod kaagad sa District Hospital ng Boracay ang biktima subalit kalaunan ay inirefer din sa Kalibo para sa kaukulang paggamot.
Inaalam pa ngayon ng mga kapulisan ang motibo ng pananaksak.
Koreana, sugatan nang mahulog sa cliff diving resort sa Aklan
ISLA NG BORACAY--Nagtamo ng pasa at galos sa hita ang isang Koreana ng aksidenteng nahulog sa sikat na cliff diving resort na Ariel's Point sa Buruanga, Aklan.
Sa impormasyong nakuha ng Radio Birada! nagpapapicture ang biktimang si Eun Hye Jung, 28 anyos at residente ng Korea, kasama ang kaniyang mga kaibigan sa cliff area, o kung saan tumatalon ang mga bakasyunista para maligo sa dagat.
Habang nasa ganitong ayos aksidente itong nahulog mula sa itaas at bumagsak sa kawayang balsa.
Nahulog ito sa balsa imbes na dapat ay sa dagat dahil sa tahasang ipinasasara ng mayor ng nabanggit na bayan ang naturang resort dahil sa di umano'y mga paglabag nito sa operasyon.
Marami namang mga bisita ang nadismasya sa ginawang ito ng lokal na pamahalaan. Samantala, napilitan namang i-refund ng resort ang inilaang ng mga turista sa dapat sana'y cliff diving activity nila.
Napag-alaman na matarik ang nasabing cliff diving.
Subscribe to:
Posts (Atom)