Sunday, December 27, 2015

Lalake sa Kalibo, nag-bigti!

Bangkay na nang matagpuan ang isang lalake matapos na magbigti sa kanilang tahanan sa bayan ng Kalibo.

Bandang alas-8:30 ng umaga kahapon,  Disyembre a-27, nakatanggap ng tawag ang Kalibo PNP mula sa baranggay captain ng New Buswang, Kalibo at humihingi ng police assistance dahil sa ini-report sa kanilang suicide incident na nangyari umano sa Interrior Ati-atihan Compound sa nasabing barangay.

Sa pagresponde ng mga kapulisan at sa kanilang isinagawang inisyal na imbestigasyon, bandang alas-8:00 ng umaga ay nakita umano ni Ginang Amalia Recalde ang kanyang anak na si Mark Recalde alyas Mac-mac, 26 anyos, na naka-bitin sa banyo ng kanilang bahay.

Dinala ang labi ng biktima sa isang punerarya at under follow up investigation pa ang nasabing pagpapakamatay nito.

Lalake, tinaga sa araw ng Pasko sa Ibajay!

Isang hacking incident o kaso ng pananaga naman ang nangyari sa bayan ng Ibajay, sa mismong araw pa rin ng Pasko.

Kinilala ang biktimang si Niel Valentin y Dela Cruz, 45-anyos, samantalang ang suspek ay kinilalang si Janery Valentin y Tañonan, nasa legal na edad, pawang mga residente ng Regador, Ibajay.

Bandang alas-7:00 ng umaga ng Disyembre 25 bandang ay nakatanggap ng tawag ang Ibajay Police galing sa Ibajay District Hospital na may dinala umanong biktima ng pananaga na dinala sa kanila na idineklarang dead on arrival.

Sa inisyal na imbestigasyon na isinagawa ng mga rumespondeng kapulisan, ayon na din sa salaysay ng kapatid ng biktima, nag-iinuman umano ang suspek at biktima at maya-maya ay narinig nilang may sumigaw ng mga katagang "Tan-awa ninyo inyong igkampod nga ra! Kung maisug kamo, paeapit kamo kakon!".

Doon na nila umano nakita ang suspek na may hawak na bolo at ang biktimang si Niel na nakahandusay at naliligo sa kanyang sariling dugo matapos na makakuha ng sugat sa kaliwang bahagi ng kanyang ulo at kanang bahagi ng kanyang katawan.

Matapos magbigay ng salaysay ang kapatid ng biktima ay agad silang tumungo sa crime scene kasama ang mga kapulisan at doon ay positibong itinuro ng witness ang suspek na si Janery.

Agad namang dinala ang suspek sa Ibajay Police Station, samantalang ang bolo na ginamit umano sa pananaga ay itinurn-over ng ina ng suspek sa mga rumespondeng kapulisan.

Samantala, kahapon ay sinampahan ng kasong homicide ang suspek at kasalukuyang naghihintay ng commitment order upang madala ito sa Bureau of Jail Management and Penology sa Brgy. Nalook, Kalibo.

Lalake sa Makato, binaril sa araw ng Pasko!

Isang kaso ng pamamaril ang naitala sa bayan ng Makato sa mismong araw ng Pasko.

Kinilala ang biktimang si Arnold Garcia alyas Nog-nog, 33 anyos at residente ng Cajilo, Makato. Samantalang ang suspek naman ay kinilalang si Francisco Dalisay alyas Francing, 58 anyos, tubong Aquino, Ibajay at kasalukuyang residente ng Cajilo, Makato.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Makato PNP, bandang alas-12:30 ng madaling araw ng Disyembre a-25 ay nagkaroon ng pagtatalo ang biktima at ang suspek at sinabi pa ng biktima sa suspek na "Kung gapatay ka it tawo, gapatay man ako!".

Matapos ang kanilang pagtatalo ay umuwi umano ang suspek na si Dalisay at kumuha umano ng kalibre .45 na baril at sumakay sa kanyang motorsiklo. Nang makita nito ang biktimang si Garcia na naglalakad sa gilid ng daan ay hinintuan niya ito at binaril sa ulo.

Dali-dali namang dinala si Garcia sa Don Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital dito sa bayan ng Kalibo, ngunit binawian din ng buhay bandang alas-6:30 ng umaga, samantalang si Dalisay ay dali-dali ding tumakas.

Naiwan naman sa crime scene ang isang kalibre .45 na pinaghihinalaang ginamit na murder weapon ng suspek na itinurn-over sa crime lab.

Kasalukuyan nang nagsasagawa ng man hunt operation laban kay Dalisay.

Thursday, December 24, 2015

Sunog sa Ambulong, Manoc-manoc, Boracay, idineklara nang fire out

Bandang alas-2:00 dineklara nang fire out ang naganap na sunog kanina sa Sitio Ambulong, Brgy. Manoc-manoc, sa isla ng Boracay.

Mga bandang alas-10:00 ng umaga nagsimula ang sunog sa nasabing area kung saan ikinagulat na lang ng mga nakakita ang pumaimbuyog na maitim na usok sa langit.

Nag-simula ang apoy sa likurang bahagi ng nasabing area, kung saan maraming mga boarding houses na karamihan ay gawa sa light materials kung kaya't naging mabilis ang pag-kalat ng apoy.

Kasama ang Mosque ng mga Muslim, ang opisina ng Philippine National Red Cross sa Boracay, at ilan pang mga pamilihan at establishments na natupok sa nasabing sunog.

Matapos mai-deklarang fire out ang nangyaring sunog ay naibalik na din ng Akelco ang supply kuryente sa isla.

Thursday, December 17, 2015

Ati-atihan 2016, "almost on the go" na

Almost on the go na ang Ati-atihan Festival dito sa bayan ng Kalibo.

Ito ang nagimg update ni KASAFI Chairman Albert Meñez sa mga miyembro ng media kahapon sa isinagawang maliit na media conference.

Sa ngayon ay planado at naka-ayos na ang iba't ibang aktibidad na pinlano ng KASAFI, local government ng Kalibo at ng iba pang mga organisasyon para sa isang linggong selebrasyon na mag-uumpisa sa ika-walo hanggang ika-labingpito ng Enero 2016.

At dahil nga sa malapit na din ang election season, nakiki-usap naman si Meñez na sana ay kalimutan muna ang pulitika at unahin ang debosyon sa Mahal na Santo Niño kahit man lang sa loob ng tatlong araw, Biyernes hanggang Linggo na pasok sa festival week ng Ati-atihan.

Samantala, sa darating na linggo Disyembre a-bente, ay gaganapin ang Talent Night ng Mutya it Kalibo 2016 sa Pastrana Park kung saan ang coronation night nito ay isa isa sa mga highlights ng Mother of All Philipine Festivals.

Mas makulay na Ati-atihan 2016, tinitiyak ng KASAFI

Tinatayang mas magiging makulay ang tribal competition ng Ati-atihan 2016.

Ito ay dahil mas mahigpit na sa ngayon ang screening na isinasagawa ng KASAFI bago ibigay ang financial subsidy para sa mga tribong lalahok sa kompetisyon.

Ayon kay Chairman Albert Meñez, sinisigurado nilang walang costume na uuliting gamitin ngayong taon kung kaya't hinihingian muna nila nh picture ng bagong gagamiting custume ang mga tribo bago i-release ang kanilang financial subsidy.

Sa ngayon ay nasa 10 tribes na ang nakatanggap ng subsidy at inaasahang madadagdagan pa ito habang papalapit ang buwan ng Enero.

Dahil sa mga paghihigpit na ito ay maramin bagong makikita ang mga manonood ng tribal competition ng Kalibo Ati-atihan 2016

Wednesday, December 16, 2015

2016 Annual Provincial Budget ng Aklan, aprubado na

Inaprubahan na kahapon ang 2016 Annual Budget para sa probinsya ng Aklan.

Sa isinagawang sesyon ng Sangguniang Panlalawigan ng Aklan kahapon, inaprubahan at ipinasa ng mga miyembro ng SP ang budget ng probinsya na nagkakahalaga ng Php962,176,251.00.

Mas mataas ng mahigit-kumulang Php54M ang 2016 Provincial Annual Budget kumpara sa 2015 provincial budget na nagkakahalaga lamang ng mahigit Php908M.

Matapos ipasa ng sangguninan ang 2016 provincial budget ay pumasok si Gov. Florencio Miraflores sa sesyon upang mapirmahan na ang dokumentong nagsasaad na aprubado na ang nasabing budget.

Nagpasalamat naman si SP Member Joen Miraflores na pinag-isipan at pinag-planuhan umanong mabuti ng mga department heads ang budget na ito at tinawag itong "people-based" at "people oriented budget".

Ito ang huling budget na aaprubahan nina Gov. Miraflores at ng kasalukuyang administrasyon.

Bahay sa Kalibo ninakawan sa kasagsagan ng Simbang Gabi

Isang pagnanakaw ang isinagawa sa isang tahanan dito sa bayan ng Kalibo habang ang pamilya ay nasa Simbang Gabi.

Bandang alas sais y media kanina ay personal na nagtungo ang complainant na si Jennifer Roldan, 50 anyos, isang businesswoman, at residente ng Old Buswang Kalibo, kasama ang kanyang anak, sa himpilan ng Kalibo PNP upang i-report ang insidenteng nangyari sa kanilang tahanan.

Alas-singko ng umaga umano nang papa-alis na sila upang mag-Simbang gabi sa kapilya ng nasabing barangay ay nakita umano ng isa sa kanyang mga anak ang isang lalake na sinususpetsang  minor de edad, nasa 5'5" ang tangkad at may kapayatan ang katawan na nasa madilim na bahagi na malapit sa kanilang bahay na agad namang tumakas nang mapansing may nakakita sa kanya. Hindi na din nila ito pinansin at imalis na upang magsimba.

Pag-uwi ng pamilya galing sa simbahan bandang alas-sais diyes ng umaga ay napansin na nilang sinira ang screen wire sa bintana ng kwarto ng complainant at maging sa kwarto ng kanyang anak. Sa pagpasok nila sa mga kwarto ay napansin ng complainant na nawawala na ang kanyang bag na nakapatong sa kanilang kama na naglalaman ng limang libong piso at sinususpetsa nilang ninakaw ito ng di nakikilalang suspek.

Sa pagresponde ng mga miyembro ng kapulisan ay na-verify nga nila ang pangyayari pero wala silang nahuling suspek sa nasabing insidente.

Ang nasabing pangyayari ay ini-refer sa Robbery/Theft and Intel Section ng Kalibo PNP.

Giant Christmas Tree sa Kalibo, inilawan

Napuno ng liwanag ang Pastrana Park sa bayan ng Kalibo matapos isinagawa ang lighting ng Christmas tree.

Kahit na maulan ay marami pa rin ang nagpunta upang masaksihan ang pagpapa-ilaw sa 50-foot na Christmas tree noong a-15 ng Disyembre ng kasalukuyang taon.

Kasama dito ay nagbukas na din ang iba't ibang kiosko na may iba't ibang produkto at food carts.

Matapos ang pagpapa-ilaw ng giant Christmas tree ay sinundan naman ito ng fireworks display.

Taunan nang atraksyon ang pagpapa-ilaw ng malaking Christmas tree sa Pastrana Park kung saan pagpatak ng Disyembre a-kinse ay binubuksan na ang mga ilaw sa plaza.

Naging generally peaceful naman ang nasabing okasyon.

Wednesday, December 9, 2015

Mga bayang apektado ng red tide sa Aklan, isasailalim sa state of calamity

Pinag-usapan ang pagsasailalim sa state of calamity ng mga bayan na apektado ng paralitic shell fish poison o red tide sa isinagawang Sangguniang Panlalawigan session kahapon.

Ayon sa binasang ulat kahapon sa SP session ay ipinagbabawal pa rin ang pagkain at pagbebenta ng ilang mga lamang-dagat na nagmumula sa mga bayan ng Altavas,  Batan, at New Washington, lalo na ang mga shelfish tulad ng tahong at talaba, dahil sa hindi pa rin ibinababa ang warning bulletin sa mga nasabing bayan.

Ayon din sa ulat, ang ilang mga lamang-dagat tulad ng isda, hipon at iba pa ay dapat na linisin at hugasang mabuti bago lutuin.

Dahil nga din sa red tide ay apektado ang pamumuhay ng mga pamilyang umaasa sa panghuhuli at pagbebenta ng mga lamang dagat.

Ito ang dahilan kung bakit itataas ang state of calamity sa mga nasabing munisipalidad upang mabigyan na din ng financial assistance ang mga pamilyang apektado na magmumula sa probinsya at sa at sa tulong na din ng Provincial Dsaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC).

Dahil dito, isang mosyon ang ipinasa kahapon upang mailagay na sa state of calamity ang mga nasabing lugar at ito ay unanimously approved naman ng mga miyembro ng Sanggunian.

Ang hinihingi lamang ng Sanggunian ay maging transparent ang pamimigay ng ng financial assistace sa mga apektadong pamilya upang hindi na maulit ang mga naging problema sa pamimigay ng financial assistance sa mga beneficiaries ng bagyong Yolanda.

Tuesday, December 8, 2015

Apartment sa Kalibo, ni-ransack!

Isang apartment ang ni-ransack ng mga magnanakaw da bayan ng Kalibo.

Kahapon ay personal na nagtungo sa Kalibo PNP ang biktima na si Nashreen Koh, 30-anyos, isang flight stewardess at kasalukuyang nangcungupahan sa isang apartment sa Pastrana St. Poblacion, Kalibo upang humingi ng police assistance matapos na matuklasang ni-ransack ang kanyang inuupahang apartment.

Anya, pagdating niya sa kanyang inuupahang kwarto bandang alas-12:45 ng tanghali kahapon ay nakita niyang nakakalat na ang kanyang mga gamit at nawawala na ang ilan sa mga ito. Wala na ang kanyang apat na branded na relo, isang SLR camera, ilang mga dokumento, at isang pouch na naglalaman ng 20 US Dollars, 1500 Thai Bhat, 600 HK Dollars, at Australian Dollars na naghahalaga sa humigit-kumulang PHP10,000 pesos.

Sa inisyal na imbestigasyon na isinagawa ng mga kapulisan, hinihinalang dumaan ang mga magnanakaw sa likod na pintuan ng apartment ng biktima sa pamamagitan ng pagsira sa door frame at lock ng pinto.

Sa kasalukuyan ay under follow up investigation pa ang nasabing kaso.

Monday, December 7, 2015

Lalake, huli sa isa pang buy bust ops sa Kalibo

Naging matagumpay ang isinagawang drug buy-bust/entrapment operation na isinagawa ng kapulisan kagabi na ikinadakip naman ng suspek sa bayan ng Kalibo.

Sa ikinasang operasyon ng joint elements ng Aklan Provincial Anti Illegal Drug Operations Task Group sa pamumuno ni Police Insp. Geo Colibao at Kalibo PNP na pinangunahan ni PCI Al Loren Bigay bandang alas-diyes kagabi sa Veterans St., Brgy. Poblacion, Kalibo, nadakip ang suspek na kinilalang si Louie Cordova y Manalo, 35-anyos, at residente ng nasabing barangay, na nagbebenta ng isang plastic sachet na naglalaman ng suspected shabu sa posseur buyer ng kapulisan.

Sa isinagawang body search sa suspek ay nakuha sa kanyang posesyon ang ginamit na buy bust money, isa pang plastic sachet na naglalaman ng suspected shabu, at isang cellphone na pinaghihinalaang ginagamit ng suspek sa kanyang mga transaksyon.

Sa pagkahuli sa suspek ay inimpormahan ito ng kanyang kinakaharap na kaso, violation of Sec. 2 and Sec. 11 of Art. 2 RA 9165, kasabay ng pagpapa-alam dito ng kanyang mga karapatang konstitusyunal.

Dinala ang suspek sa Don Rafael S. Tumbokon Medical Hospital para sa isang medical examination at kasalukuyang naka-piit sa lock-up cell ng Kalibo PNP.

Wednesday, December 2, 2015

Miyembro ng KAP, tinalo ng sibilyan

Sakit ng katawan ang inabot ng isang miyembro ng Kalibo Auxillary Police matapos mabiktima ng direct assault ng ilang sibilyan matapos na rumesponde sa isang pagtatalo sa bayan ng Kalibo.

Personal na ipina-record ni KAP Agapito Villanueva y Candelario, 28-anyos ang mga pangyayari noong Disyembre 2, 2015 ng gabi. Anya, bandang alas-11 ng gabi ay nagpapatrolya siya kasama ang isa pang miyembro ng KAP nang madaanan nila ang isang babae at lalake na nagtatalo sa Pastrana Park. Sinabihan nila ang ang mga ito na umuwi na lang pero naunang umalis ang lalake. Tinawag ito ni KAP Villanueva at sinabihang huwag iwanan ang kanyang nobya, pero sa halip ay nagalit ang lalake at sinagot ito ng mga hindi magagandang salita. Minura ito at tinawag na bastos. Hindi na ito pinansin ni Villanueva pero maya-maya lang ay dumating ang dalawa pang di nakikilalang lalake at dalawang babae na nagsasabing sila daw ay minaltrato ng KAP at pinagsalitaan din ng hindi maganda si Villanueva. Nilapitan ito ng isang alyas Kano at sinuntok ito ng dalawang beses sa mukha. Tinangka din itong saktan ng dalawa pang lalake.

Dahil dito ay kinailangang lapatan ng medical treatment ang nasabing KAP member. Nagkaroon na rin sila ng amicable settlement na hindi na magsasampa ng kaso pero nananatili si alyas Kano sa lock up cell ng Kalibo PNP para sa karampatang disposisyon.

Lalake, timbog sa buy-bust ops sa Kalibo

Timbog ang isang lalake matapos na mahuli sa aktong nagbebenta ng suspected shabu sa bayan ng Kalibo.

Sa illegal drug operation na isinagawa ng joint elements ng Aklan PPO-PAIDSOTG  na pinangungunahan ni Police Insp. Geo Colibao at Kalibo MPS na pinangungunahan ni PCI Al Loren Bigay bandang 5:45 noong Nob. 29, 2015 na isinagawa sa isang subdibisyon sa Brgy. Andagao, Kalibo, Aklan ay arestado ang suspek na kinilalang si Michael Alba y Eribal, 35-anyos, tubong Cabungao, Roxas City at kasalukuyang nakatira sa nasabing barangay.

Huli sa akto ang suspek na binebentahan ang police asset ng isang transparent plastic na naglalaman ng suspected shabu.

Sa isinagawang bodily search sa suspek ay nakuha pa ang 2 transparent plastic na naglalaman ng suspected shabu at isang ID na nakapangalan kay Alba.

Nagtangka ding manlaban ang suspek ngunit agad naman itong napigilan ng mga pulis.

Matapos mahuli ang suspek ay inimpormahan ito ng kanyang kinakaharap na kaso, ang paglabag sa Sec. 11, Art. 2, RA 9165, at ng kanyang mga karapatan.

Inilagay ang suspek sa kustodiya ng kapulisan para sa karampatang disposisyon.

Tuesday, November 17, 2015

Apartment sa Boracay, nilooban

Limas ang mga gadgets at pera ng mga biktima matapos pasukin ng di nakikilalang suspek ang kanilang inuupahang apartment sa isla ng Boracay.

Personal na nagtungo sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) ang mga biktimang sila Blazej Schmidt, 35-anyos, isang Polish national, at Jhovy Obenita, 28-anyos, at parehong nanunuluyan sa isang private apartment sa So. Bolabog, Brgy. Balabag, Malay Aklan upang i-report ang pagka-wala ng kanilang mga gamit sa kanilang apartment.

Ayon sa salaysay ng mga biktima, pagka-gising ng mga ito bandang alas-7:00 ng umaga ng Nob. 17, 215 ay napansin nilang bukas na ang kanilang pintuan at nawawala na ang isang silver na laptop na nakalagay sa tabi ng kanilang kama. Nawawala din ang isang wallet na naglalaman ng perang nagkakahalaga ng Php 49,000.00 at credit cards, pati na ang isang touchscreen smartphone na pinagmamay-arian ni Obenita. Na-kumpirma din ng nasabing biktima na nakapag-withdraw ang di-nakikilalang suspek ng perang nagkakahalaga ng Php 40,000.00 mula sa kanyang credit card. Nakita din ni Obenita ang kanyang wallet sa isa pang bahagi ng kanilang inuupahang apartment ngunit wala na itong laman. Sa ngayon ay under further investigation pa ang nasabing kaso.

Mga magnanakaw, umaatake na naman sa Boracay!

Ilang kaso ng pagnanakaw ang nangyari sa iba’t-ibang bahagi ng isla ng Boracay na nai-report sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC).

Alas-4:30 ng umaga ng Nob. 17, 2015, personal na ini-report ng biktimang si Sarah Bondarenko, 27-anyos, isang British national, at kasalukuyang nanunuluyan sa isang hotel sa Station 2, Brgy. Balabag, Boracay, Malay, Aklan, matapos na mapansin niyang nawawala ang kanyang brown leather bag na naglalaman ng perang nagkakahalaga ng Php 5,000.00, iba’t-ibang uri ng cards, driver’s license, at dalawang cellphone.

Ayon sa biktima, inilagay niya ang kanyang bag sa harap ng isang hotel sa front beach sa bandang Station 1, isla ng Boracay, upang maligo sa dagat, 5 metro ang layo mula sa kanyang gamit. Pag-ahon mula sa dagat ay napansin niyang nawawala na ang kanyang gamit na iniwan sa buhanginan. Wala naman umano siyang napansin na lumapit sa kanyang gamit bago ito nawala. Sinubukang hanapin ng biktima ang kanyang mga gamit ngunit hindi na niya ito nahanap.

Sa nasabi ring petsa, personal na nag-report sa himpilan ng Boracay Police ang complainant na si Gennelyn Napud y Estoya, isang pharmacy assistant ng isang botika dito sa Brgy. Balabag, Boracay Island, tubong Lindero, Libertad, Antique, at kasalukuyang naninirahan sa nasabing barangay sa isla ng Boracay, matapos na ma-nakaw ang kanyang cellphone sa lugar na kanyang pinagtatrabahuhan.

Ayon sa salaysay ng biktima, habang inaasikaso ang isang customer sa botikang kanyang pinagtatrabahuhan ay inilagay niya ang kanyang touchscreen cellphone malapit sa gilid ng bintana malapit sa kanilang mga paninda. Makaraan ang ilang minuto ay napansin niyang nawawala na ang kanyang cellphone. Sinubukan niyang hanapin ang nasabing cellphone ngunit hindi na niya ito nakita. Nang tignan sa kuha ng CCTV camera, isang hindi nakikilalang lalake na walang damit pang-itaas ang pumasok sa nasabing establisimiyento at pasimpleng kinuha at tinangay ang nasabing cellphone.

Isa pang kaso ng pagnanakaw ang ini-ulat sa BTAC sa nasabing petsa. Ayon sa police blotter, bago maligo sa baybayin malapit sa isang restaurant sa beach front ng Station 2 ang biktimang si Mary Joy Depaclayon y Lasar, 28-anyos, tubong Dumangas, Iloilo at kasalukuyang nanunuluyan sa So. Bolabog, Brgy. Balabag, Boracay Island, Malay, Aklan, ay iniwan niya ang kanyang brown bag na naglalaman ng Php 10,150.00, isang touchscreen cellphone, at ilan pang mga personal na gamit. Maya-maya ay napansin nila ang isang lalake na kinuha at itinakbo ang nasabing bag. Maagap namang hinabol ng kasamahan ng biktima ang suspek at nahuli ito. Sa pag-responde ng mga pulis ay nakilala ang suspek na si Elamar Desales y Besana, 26-anyos, tubong President Roxas, Capiz, at kasalukuyang naninirahan sa So. Kipot, Brgy. Manoc-manoc, Boracay Island, Malay, Aklan. Agad naman itong inaresto, inimpormahan at ipinaintindi ang kanyang mga karapatang konstitusyonal, at kasakuluyang nasa kustodiya ng Boracay PNP para sa karampatang disposisyon.

Thursday, November 12, 2015

Gordon bumisita sa Aklan

KALIBO, AKLAN--Napuno ng kulay pula ang buong ABL Sports Complex sa bayang ito hapon ng Huwebes matapos magtipun-tipon ang mga boluntartyo ng Philippine Red Cross mula sa iba-ibang lugar. Masayang sinalubong ng mga ito sa Aklan, Capiz, Antique, at Iloilo ang Chairman at Chief Executive Officer ng Red Cross na si Richerd Gordon at mga kasamahan nito.

Sa isinagawang programa sa lugar inulat ni Gordon ang mga nagawa at ginagawa ng PRC, isa sa pinakamalaking humanitarian organization sa buong mundo, sa nakaraang dalawang taon nang manalasa ang bagyong Yolanda. Tampok rin sa programa ang paglagda ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng organisasyong nabanggit at Community Managed-Livelihood Project. dumalo rin dito ang Bise Presidente ng Aklan at kinatawan ni Mayor Lachica upang magbigay-mensahe.

Una rito, personal na dumalaw si Gordon at mga kasamahan niya sa ilang barangay ng New Washington kung saan malaking natulungan ng PRC. Nagsagawa rin ng maiksing programa sa Dumaguet Brgy covered court sa naturang bayan. Dumalo rito ang ilang mga opisyal ng lokal na pamahalaan kabilang na si Mayor Edgar Peralta at mga benipisaryo ng organisasyon sa lugar. Nabatid na ang New Washington ang isa sa mga matinding nasalanta ng bagyo. Gayun na lamang ang pasasalamat ng mga opisyal at mga residente roon sa Red Cross.

Samantala, ipinakita naman ni Gordon ang kanyang pagkadismaya sa gobyerno dahil sa bagal ng tulong kapag panahon ng kalamidad at madalas ay nauunahan pa ng mga pribadong organisasyon. Pinasiguro niya na hindi titigil ang organisasyon sa pagtulong sa panahon ng emerhensiya at paglalaan ng tulong-kabuhayan sa mga mamamayan.

Tuesday, November 3, 2015

Mahigit 12 libong botante sa Aklan di na makakaboto

KALIBO, AKLAN--Mahigit sa 12 libong rehistradong botante ang posibleng hindi makaboto sa darating na lokal at nasyonal na eleksiyon sa Mayo 9, 2016 sa lalawigan ng Aklan. Ayon kasi sa pinakahuling Consolidated Progress Report ng Commission on Elections-Aklan sa halos 336 libong rehistradong botante ay 12 libo dito ang hindi nakapagpa-biometrics.

Pinakamataas sa 17 bayan ng probinsiya ang Kalibo na may halos tatlong libong rehistradong botante ang hindi na nakapagpabiometric, sinundan ito ng Malay na may mahigit isang libo. Pamupangatlo naman rito ang New Washington na may halos isang libo. Pinakamababa naman sa bilang ang  bayan ng Madalag, Lezo, at Altavas.

Ang bayan ng Kalibo ang may pinakamataas na bilang ng mga botante sa probinsiya na may halos 43 libong bilang. Sinundan ng Malay sa bilang na mahigit 29 libo at Ibajay sa mahigit 26 libo bilang ng mga botanteng nakapag-pabiometrics.

Matatandaan na paulit-ulit ang ginawang kampanya ng COMELEC sa mga rehistradong botante na magpa-biometrics. Sa bago kasing sistema ay hindi na makakaboto ang isang tao kung wala itong biometrics data bagaman ito ay rehistrado. Nagsimula ang pagsasagawa ng biometrics nitong Mayo at nagtapos sa huling araw ng buwan ng Agosto.


Samantala, sa Nobyembre 16 ay magsasagawa ng huling hearing ang COMELEC-Aklan para sa pagsasaayos ng listahan ng mga botante sa buong lalawigan.###

Monday, November 2, 2015

Magkasintahan timbog sa pagtutulak ng ilegal na droga

ISLA NG BORACAY--Natimbog ng mga awtoridad ang magkasintahan sa So. Diniwid, Brgy. Yapak sa islang ito matapos maaktuhang nagtutulak ng ilegal na droga.
Naaresto ang dalawa sa isinagawang buy-bust operation ng pinagsanib-pwersa ng mga tauhan ng Boracay Tourist Assistance Center, Malay Municipal Police Station, at Aklan Provincial Police Office Anti-Illegal Drugs Operation Task Group.
Kinilala sa report ang magkasintahan na sina Adrian Timbang, 26, tubong Lubao, Pampanga, at Rose Ann Gajila, 27, tubong Alcantara, Romblon.
Nakuha sa dalawa ang isang sachet ng shabu kapalit ng isang libong piso sa isinagawang operasyon banda 3:30 ng umaga, araw ng Huwebes sa kanilang boarding house. Maliban rito, isa pang sachet ng shabu ang natagpuan sa kanilang kuwarto, at tatlong sachet na naglalaman ng residue ng parehong ilegal na droga. Nasawata rin sa kanila ang mga drug paraphernalia kabilang na ang isang yunit ng cellphone na ginagamit sa ilegal na transaksiyon ng shabu.
"Ayaw sabihin ng kasama ko kung saan siya kumukuha ng ilegal na droga. Natatakot kasi siya dahil malaking tao ang kanyang pinagkukunan," ayon kay Rose Ann sa panayam ng Radio Birada! sa kanya. Giit nito na nagkautang diumano ng malaking halaga ang kanyang live-in partner kaya ito napilitang pumasok sa ilegal na hanapbuhay. Nabtid na ang lalaki ay nagtratrabaho bilang kusenero sa isla at massage therapist naman ang babae.
Nakapiit ngayon ang dalawa sa Bureau of Jail Management and Penology sa Brgy. Nalook, Kalibo, Aklan matapos sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous  Drug Act of 2002.

Monday, August 31, 2015

Ama nilagari ang leeg ng anak

KALIBO, AKLAN--Nilagari ng ama ang leeg ng sariling anak nito sa Brgy Bakhaw Sur sa bayang ito kahapon ng hapon.
Ayon sa ulat ng Kalibo PNP station, nag-iinuman di umano ang mag-ama nang magkaroon sila ng mga hindi pagkakaintindihan sa kanilang mga pag-uusap.
Kumuha di umano ng lagari ang suspek na ama at nilaslas ang leeg ng kanyang anak. Kinilala ang suspek na si Tranquelino Esperedion.
Nakatakas naman ang anak na si John Marvin Esperedion, 23, sa kanyang ama. At nang takda na itong patakbuhin ang kanyang motorsiklo ay sinipa di umano ng kanyang tatay. Dahil dito ay tumakbo nalamang siya upang maiwasan ang kanyang tatay.
Sa pagresponde naman ng mga kapulisan ay nakatakas na ang suspek.
Nagpapagaling parin naman ngayon ang biktima sa tinamo nitong sugat sa pananakit sa kanaya.
Ang kasong ito ay nasa ilalim pa ngayon ng imbestigasyon.

Monday, August 10, 2015

37 anyos na lalaki nagbigti-patay sa Ibajay

KALIBO, AKLAN--Iniimbestigahan parin ng mga kapulisan ang anggulong may nangyaring foul-play sa pagbigti-patay ng isang 37 anyos na lalaki sa Brgy. Tul-ang, Ibajay kahapon.

Sa report ng Ibajay PNP station, nakilala ang biktima na si Elmer Reyes residente ng nabanggit na lugar.

Banda 7:30 ng umaga kahapon, natagpuan na lamang ng nanay nito ang biktima na nakabitin sa puno ng mangga sa bakuran ng kanilang bahay. Agad itong humingi ng tulong sa mga kapulisan.

Pinatid ng mga pulis ang tali sa leeg nito na electrical wire at sinubukan pang isugod sa district hospital sa bayan gayunman ay diniklara ring dead on arrival ng attending physician nito.

Sa imbestigasyon ng mga kapulisan, huling nakausap ng kanyang nanay ang biktima hatinggabi bago nangyari ang insidente kinabukasan. May iniindang umano itong sakit sa katawan at depresyon ayon sa kanyang ina.

Sinabi nito sa kanyang nanay na may mga gusto umanong pumatay sa kanya at lumabas ito ng bahay sa hindi niya nalamang direksiyon.

Bagaman sinasabi ng ina na walang nangyaring foul-play ay hindi naman ito isinasantabi ng mga kapulisan.

Tuesday, August 4, 2015

Bahay sa Kalibo nilooban, 82K at mga alahas natangay

KALIBO, AKALAN--Nagkalat at sabug-sabog na ang mga kagamitan nito sa loob ng kuwarto ng dumating ang biktima sa kanyang bahay banda 11:15 ng umaga kahapon na kalauna'y napag-alamang nilooban sila.

Sa salaysay ng biktimang si Jimmy Pagayonan, 61 anyos, Agriculturist, at residente ng Brgy. Tinigao, Kalibo, Aklan, na nakuha sa kanila ang gold bracelet, pera na tinatayang nasa 82K na pagmamay-ari ng kanyang asawa at wedding ring nilang dalawa na nakalagay doon sa kabinet ng kuwarto.

Sa imbestigasyon ng mga kapulisan, nakitaan ng bakas ng panloloob ang kanilang bahay dahil sa bakas ng paa sa pader ng bahay sa posibilidad na inakyat ito ng suspek, sinira ang kesame upang makapasok, at dumaan sa sliding windom ng kuarto para makalabas.

Ang kaso  ngayon ay kasalukuyan pang iniimbestigahan ng Kalibo PNP lalu na ang pagkakilanlan ng suspek.

22 anyos na lalaki nangbigti-patay sa Batan

KALIBO, AKLAN--Nakabitin sa kahoy at wala ng buhay ng matagpuan ng tita nito ang kanyang pamangkin 6:00 ng umaga kahapon sa bakuran ng kanilang bahay sa Brgy. Bay-ang, Batan sa lalawigang ito.

Sa impormasyong nakuha sa Batan PNP station, huling natagpuang buhay ng kanyang pamilya ang biktima alas-11 ng gabi noong isang gabi sa loob ng kanilang bahay.

Kinilala sa blotter report ang biktima na si Arjun Safa.

Napag-alaman na nagkahiwalay ang mga magulang nito kung saan nasa Manila na ang kanyang ina. Ito ang pinaniniwalaang ugat ng pagbigti ng lalaki, pangalawa sa limang magkakapatid.

Sunday, August 2, 2015

Kalibo Int'l Airport pinakaabala

courtesy of KIA fb page
KALIBO, AKLAN--Pinakaabala ang Kalibo International Airport (KIA) sa nakaraang taon sa buong Western Visayas ito ay matapos na maitanghal na may pinakamaraming naitalang mga pasahero kapwa sa loob at labas ng bansa base sa report ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Ang Kalibo ay may bilang na 2, 321, 162 mga pasahero, sinudan ng Iloilo Airport sa bilang na 1, 677, 632, at Caticlan sa pangatlo sa bilang na 507, 621. Di na kasama sa report ang Sigay-Bacolod airport dahil hindi na ito bahagi pa ng rehiyon.

Ang naturang bilang ng mga pasahero na dumaan sa KIA ay mas mataas ng 4% kumpara sa tala noong 2013 na may bilang na 2, 255, 543.

Sa kabuuan ang naging bilang mga nandayuhan sa Aklan noong nakaraang taon ay 2.828milyon sa pinagsamang bilang ng Kalibo at Caticlan airport.

Una rito, tinanghal din ang KIA bilang pangatlo sa piling daanan ng mga foreign tourist sa mga nagdaang buwan ng taong ito sa 8.5%. Nangunguna rito ang Maynila sa bilang na 72% at Cebu ang pangalawa sa 15%. Ito ay base sa tala na inilabas ng Department of Tourism (DOT).

Dahil sa paglaki ng bilang ng mga dayuhan sa Aklan partikular sa Isla ng Boracay, lumaki rin ang kita ng Isla sa unang anim na buwan ng taong ito ayon sa tala ng DOT-VI sa halagang P22.6B.

Politiko sa Aklan inaabangan ang pagsasadistrito nito

KALIBO, AKLAN--Atat na binabantayan ng ilang politiko sa lalawigang ito ang pagsasabatas ng panukalang inihain sa Senado sa paghahati sa Aklan sa dalawang distrito lalu na ang mga tatakbo sa congressional level bago ang nakatakdang pag-file ng certificate of candidacy (COC) sa Oktubre.

Kung maisasabatas na ang naturang panukala na nakabinbin ngayon sa committee on local goverments na pinangungunahan ni Sen. Ferdinand Marcos Jr., ay magkakaroon ng dalawang kongresman ang probinsiya.

Bagaman hindi pa nagpapahayag ng kanilang opisyal na pagtakbo sa nalalapit na 2016 eleksiyon, malaki ang posibilidad na tumakbong muli si Cong. Teodorico Haresco Jr sa parehong posisyon at gayundin ang kasalukuyang Gov. Florencio Miraflores.

Malaki din ang posibilidad na tatakbo sa pagiging congressman sina dating Aklan Gov. Carlito Marquez, kasalukuyang alkalde ng New Washington na si Edgar Peralta. At ang usap-usapang pagtakbo din ni dating Mayor Antonio Maming ng Banga.

Ang naturang panukala na nakasalangh na sa kaukulang komite
ay akda ni Cong. Haresco noong Hunyo 4, 2015.

Ang unang distrito ay bubuuin ng Altavas, Balete, Batan, Banga, Kalibo, New Washington, Libacao, at Madalag. Samantala ang ikalawang distrito naman ay bubuuin ng Buruanga, Ibajay, Lezo, Makato, Malay, Malinao, Nabas,Numancia, at Tangalan.

Thursday, July 30, 2015

53 anyos na lalaki natagpuang patay at tadtad ng taga

KALIBO, AKLAN—Tadtad ng taga at patay na ng matagpuan ang isang 53 anyos na magsasaka sa So. Kabulihan, Brgy. Pudiot sa bayan ng Tangalan sa lalawigang ito kahapon ng umaga.

Kinilala ng Tangalan PNP station sa blotter report ang patay na lalaki na si Ronito Diego y Francisco at residente ng nabanggit na lugar.

Huling nakita ang biktima na buhay na nakikipag-inuman kasama si certain Sherwin sa bahay ni Alberto Villalos noong isang hapon.

Banda 6:00 ng gabi ng parehong araw nang umalis ito sa inuman upang dumalo sana sa kasal ng kanyang pamangkin sa kalapit na Sitio.

Gayunman, 6:00 ng umaga kinabukasan ay natagpuan na ito na isa ng malamig na bangkay matapos magtamo ng sa tinatayang mahigit 15 taga sa iba-ibang bahagi ng kanyang katawan sa gitna ng palayan.

Patuloy pang inaalam ng mga kapulisan ang responsable sa naturang malagim na krimen.

Kapitan arestado sa pagtutulak ng ilegal na droga

KALIBO, AKLAN--Arestado ng mga awtoridad sa bisa ng warrant of arrest ang isang kapitan sa bayan ng New Washington sa lalawigang ito sa kasong pagtutulak ng ilegal na droga.

Ang Kapitan na si Isidro Bunyi, 40 anyos, ng Brgy. Pinamuk-an sa nabanggit na bayan ay naaesto sa kanyang sariling bahay ng mga tauhan ng pulisya, ng PAIDSOTG, at Aklan Provincial Police Office. Ito ay sa bisa ng warrant of arrest na nilagdaan ni Mariata J Jemina, Pres. Judge ng RTC6, Br. 1, sa kasong paglabag sa seksyon 5 ng Artikulo II ng Batas Pambansa blg 9165.

Matiwasay namang sumama sa mga awtoridad ang naturang akusado at nahaharap sa habambuhay na pagkakulong.

Nabatid na una nang nakulong si Isidro sa bisa ng warrant of arrest sa kasong paglabag sa sekyon 11 ng parehong artikulong nabanggit o ang paggamit ng ilegal na droga Mayo noong nakaraang taon. Gayunman ay nakalabas ito matapos na makapagpiyansa.

Ayon kay SPO2 Cipriano ng NewWashington PNP ay minamanman pa nila ang kanyang mga kasamahan sa parehong gawain.

Si Isidro maliban sa kapitan ay isa ring negosyante sa pagbibinta ng mga seafoods.

Tuesday, July 28, 2015

No. 1 most wanted person in Aklan, binaril-patay

Courtesy of Shenggay Reunir FB.







KALIBO, AKLAN--Napilitang barilin ng mga tauhan ng Crime Investigation and Detection Group (CIDG)at Malinao PNP ang no. 1 most wanted person sa probinsiyang ito matapos na manlaban sa kanila dahilan ng kanyang agarang kamatayan kahapon sa Usman, Malinao.

Patungo na sana ang mga awtoridad sa bahay ng wanted person na si Giova
nie Masula, 55 anyos ng Vivo, Tangalan sa Brgy Usman upang magserbe ng warrant of arrest sa kanya para dakpin nang makasalubong nila ito sa daan na armado. Inunahan nito ng pagbaril ang mga awtoridad kung saan nadaplisan ng bala ang noo ni PO3 Roy Iguid ng CIDG-Aklan.

Dahil rito rumesbak ang mga awtoridad at natamaan ng bala si Masula sa kanyang katawan at ulo.

Narekober sa crime scene ang calibre 45 na baril at bala nito at itak na dala ng biktima.

Si Masula ay may kasong murder at isa rin sa mga itinuturong utak o pinuno ng gun for hire sa Aklan.

Thursday, July 23, 2015

56 anyos na karpentero nahulog sa ginagawang gusali sa Boracay

KALIBO, AKLAN--Nagtamo ng bali sa dalawang pangunahing buto sa likuran ang isang 56 anyos na karpentero matapos itong mahulog sa ginagawang gusali sa So. Pinaungon, Brgy. Balabagy sa Isla ng Boracay.

Napag-alaman na nag-aalis umano ng mga scaffolding ang biktima sa ikalawang palapag nang aksidenteng nabali ang tinatayuan nito dahilan upang ito ay mahulog banda 6:00 ng gabi at kung saan ay tumama ang kanyang likod sa isang tubo.

Agad namang tumulong ang kanyang mga kasamahan upang isugod ito sa isang klinika sa isla gayunman ay inilipat din sa provincial hospital sa bayang ito bago maghatinggabi.

Nangako naman umano ang kompaniya na sasagutin ang pagpapagamot sa kanilang manggagawa.

Dahil sa "Lucky 9" lalaki sinaksak-patay sa Lezo

KALIBO, AKLAN--Hindi na umabot ng buhay pa ang isang 28 anyos na lalaki sa provincial hospital sa bayang ito matapos na sinaksak sa bayan ng Lezo sa gitna ng pagsusugal sa isang lamay kagabi.

Napag-alaman sa report ng Libacao PNP nagsusugal ang biktima ng larong "Lucky 9" sa lamay ng kanyang lolo sa Brgy. Cugon banda alas-10 kagabi kasama ang suspek at iba pa.

Nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang biktimang si Roland Briones, residente ng Laguinbanwa East Numancia, sa suspek dahil sa pandaraya nito sa laro na nagsisilbing "banka".

Dahil rito napikon ang suspek na si Laurence Datur, 34 anyos at residente ng parehong lugar. Agad itong bumunot ng patalim na ginamit upang saksakin ang biktima sa kanyang tiyan.

Buluntaryong sumuko naman ang suspek sa mga kapulisan at nahaharap ngayon sa kasong pagpatay.

Nabatid na dahil sa matinding sugat na tinamo nito kung saan labas na ang kanyang bituka ay agad itong binawian ng buhay.

Doble ngayon ang papasaning hirap ng pamilya dahil sa mistulang sumunod ang biktima sa kaniyang lolo na kasalukuyang nakaburol sa lugar na pinangyarihan ng insidente.

Tuesday, July 21, 2015

27 anyos na babae arestado sa pagnanakaw sa ospital

KALIBO, AKLAN--Agad na naaresto ng mga nakaduty na mga guwardiya ang isang 27 anyos na babae matapos mapag-alamang nagnanakaw sa loob ng provincial hospital kaninang madaling araw sa bayang ito.

Ayon sa ulat ng Kalibo PNP, banda 2:30 ng pumasok umano ang suspek sa surgical ward ng naturang ospital at nang makitang natutulog ang mga naroon kabilang na ang biktima ay doon ito nakapagnakaw.

Ang suspek na kinilalang si Niña Pateño, tubong Dit-ana, Madalag sa lalawigang ito. Samantalang ang biktima ay nakilalang si Loreza Cruz, 40 anyos ng Lupit, Batan, Aklan.

Gayunpaman naaktuhan siya ng isang bantay sa naturang lugar matapos itong lumabas sa CR. Nakuha ng supek ang bag na naglalaman ng mga importanteng dokumento ng biktima habang ito ay hawak-hawak niya habang natutulog sa isang sulok pati na ang cellphone na nakacharge sa gilid lang niya.

Agad namang nakahingi ng saklolo ang testigo at naharangan siya ng mga guwardiya sa labas na ng ospital at presenteng nakakulong na ngayon sa Kalibo PNP station at nahaharap sa kasong pagnanakaw.

Sa panayam ng Radio Birada! Boracay inamin niya na siya ay isa rin sa mga responsable sa parehong modus na nangyari sa pareho parin ospital noong Marso 5 ng taon ding ito at ibinunyag ang dalawa pa nitong kasamahan na sangkot sa krimen na pawang mga taga-Roxas di umano.

Pahayag nito na nagawa niya iyon para sa dalawa niyang maliit na mga anak.

10 bagong ambulansiya ibinigay sa Aklan

Larawan mula sa PIA-Aklan FB account.
KALIBO, AKLAN--Nakatanggap kahapon ang siyam na munisipalidad sa lalawigang ito at ang provincial hospital ng tig-iisang bagong ambulansiya para sa kanila mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Isinagawa ang pormal na pagturn-over sa ABL Sports Complex sa bayang ito. Pinangunahan ito nina Jose Ferdinand roxas, General Manager ng PCSO at Francisco Juaquin III, PCSO Board Director.

Ang mga bayang ito na nakatanggap ay ang Ibajay, Altavas, Balete, Libacao, Numancia, New Washington, Nabas, Madalag, Malay, at Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital dito sa Kalibo.

Ang mga ito ay malugod na tinanggap ng kani-kaniyang alkade ng mga nabanggit na bayan kasama ang kanilang mga Municipal Health Officers.

Umaasa ang PCSO na sa tulong ng mga bagong sasakyang pang-emerhensiya ay mapabibilis na ang pagresponde sa mga kababayang nangangailangan ng tulong sa panahong may aksidente o insidente.

Monday, July 20, 2015

20 bilyong investment sa Aklan ibinida

Ibinibida ni Rep. Haresco ang 20bilyon panibagong investment
ng Aklan kasama sina Gov. Miraflores at Vice Gov. Quimpo
sa press conference.
KALIBO, AKLAN--Ibinida ni Congressman Teodorico Haresco ng Aklan sa isang press conference ang 20 bilyong investment na makakalap ng lalawigan sa susunod na 2 hanggang 3 taon matapos silang magsagawa ng Investment Forum kasama ang mga malalaki at kilalang negosyante, imbestors, at mga eksperto sa industriya kapwa mula sa pribado at pampublikong sektor mula Manila.

Kabilang din sa isinagawang investment forum sina Gov. Joeben Miraflores, at Vice Gov. Bellie Quimpo.

Sa isinagawang pres conference ipinahayag ng Bise Gobernador na kailangan ng zoning o pagbubukod at pag-uuri ng mga establisyemento sa Isla ng Boracay lalo na sa buong Brgy. Balabag at sa So. Angol, Brgy. Manocmanoc nang sa gayon ay maiwasan at mabawasan ang siksikan sa lugar. Ito ay para makahikayat pa ng mas marami pang imbestor.

Ipinahayag din ng Gobernador na hindi pa handa ang mga Aklanon sa pagpapa-unlad sa sektor ng agrikultura dahil sa nakikitang nilang hindi ito ang interes ng karamihan gayunman ay hindi parin isinasantabi ang malaking pakinabang ng mga mapagkukunang-yaman para dito.

17 anyos na lalaki sugatan matapos pagtatagain ng sariling kapatid

KALIBO, AKLAN--Nasa himpilan na ngayon ng Libacao PNP ang suspek sa pananaga sa sarili nitong kapatid sa Brgy. Sibaliw sa nabanggit na bayan matapos na ito ay boluntaryong sumuko.

Napag-alaman sa ulat na banda-9:00 ng gabi kagabi, pinipigilan umano ng 17 anyos na biktima ang kanyang kuya na umuwi sa kanilang bahay. Dito nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa.

Dahil nasa ilalalim ng nakalalasing na inumin, pinagtataga ng sariling kuya ang kanyang kapatid sa pamamahay ng kanilang ama.

Nakakonpayn ngayon sa provincial hospital ang biktima matapos magtamo ng matinding sugat sa kanyang kaliwang leeg at balikat.

Tourist guide, sugatan matapos barilin ng pulis sa Boracay

KALIBO, AKLAN--Kasalukuyang nagpapagaling ngayon sa provincial hospital sa bayang ito ang isang 28 anyos na lalaki matapos na mabaril sa kanyang tiyan ng isang pulis sa Boracay kagabi.

Ang biktima na isang tourist guide sa isla ng Boracay ay nakilalang si Jopel De Juan ng Bulwang, Numancia. Nagtamo ito ng sugat ng pagbaril sa kanyang tiyan.

Napag-alaman sa report ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) PNP station na madaling araw kanina ay may nakaalitang isang Arabo habang nag-iinuman sa isang bar sa naturang isla. Napag-alaman na inawat siya ng pulis matapos niyang saksakin ang naturang dayuhan.

Gayunpaman nagpumiglas ito at nabaril siya ng pulis na kalauna'y nakilalang si PO2 Christian Nalangan.

Kasalukuyang pang iniimbestigahan ang naturang insidente ng BTAC.


Monday, July 13, 2015

Sa Aklan, 3 patay sa aksidente sa kalsadahin

SA LARAWAN: Pinagpipiyestahan ng mga residente ang lalaking namatay
matapos mabanggan ng jeep habang sakay sa kanyang motorsiklo
sa bayan ng Tangalan. Larawang kuha ni Darwin Tapayan.
KALIBO, AKLAN--Tatlo ang patay, isa ang agaw buhay at tatlong iba pa ang sugatan sa nangyaring magkahiwalay na aksidente sa sasakyan kahapon, araw ng Linggo, sa bayan ng Tangalan at sa Batan sa lalawigang ito.

Sa bayan ng Tangalan, dead on the spot ang driver ng motorsiklong biyahe mula Brgy. Tamalagon patungong Poblacion sa naturang bayan nang aksidente itong mabanggaan ng pampasaherong jeep galing biyaheng Caticlan-Kalibo.

Lumalabas sa imbestigasyon pulisya na umovertake ang motorsiklo sa isang van habang mabilis ang pagpapatakbo nang mangyari ang aksidente sa Brgy. Tondog sa bayan paring ito.

Kinaladkad pa ng jeep ang motorsiklo ng may sa 30 metro bago mahulog ang 23 anyos na lalaking biktima na si Jomar De Juan at residente rin ng naturang bayan. Nagtamo ito ng matinding sugat sa ulo at sa kaliwang paa dahilan ng agaran niyang kamatayan.

SAMANTALA, patay din ang dalawang drayber ng motorsiklo sa Batan habang ginagamot sa Altavas District Hospital matapos magkabanggan mula sa magkaibang direksyon sa kurbadang bahagi sa Brgy. Lupit.

Ang mga biktimang ito ay kinilalang sina Leonil Salvador, 50 anyos, residente ng naturang bayan, at Jay Victoriano, 18, residente ng Altavas.

Habang sugatan naman ang tatlo pang mga sakay sa naturang motorsiklo. Ang nag-iisang backrider ni Victoriano ay agaw-buhay sa ngayon sa ospital dahil sa matinding bali nito sa kanyang paa.

Napag-alaman sa imbestigasyon ng pulisya na kumakarera umano si Victoriano sa isa pang motorsiklo nang aksidente itong bumangga sa motorsiklong menamaneho naman ni Salvador.

Thursday, July 9, 2015

18 anyos na istudyante binugbog ng kaklase matapos mag-inuman

KALIBO, AKLAN--Dugaan ng isugod ng mga kapulisan ang isang 18 anyos na binatilyo sa isang pribadong ospital sa bayang ito ito ay matapos masungkot siya sa isang komosyon sa Sitio Ilaya, Brgy. Bakhaw Sur sa bayan ding ito.

Nakilala ang biktima na si John Carlo Coching, 18 anyos at 1st year Crimonology student dito. Nagtamo ito ng sugat sa kanyang noo at ilong. Dagdag pa rito base sa pahayag ng kanyang kapatid na babae na nagbabatay sa kanya sa paggamutan ay nagsusuka rin umano ito ng dugo.

Napag-alaman na nasa ilalim ng nakalalasing na inumin ang binatilyo. Hindi naman naabutan ng mga kapulisan ang mga suspek sa lugar. Pero kalaunan sa follow-up investigation, lumalabas na dalawa sa mga menor de edad nitong mga kaklase na naging kainuman niya bago maganap ang aksidente ang tinuturong responsable sa pananakit sa kanya.

Ang kasong ito ay iniimbestigahan pa sa Women  and Children's Protection Desk (WCPD) ng Kalibo PNP.

Tindero ng isda, dahil sa problemang mag-asawa nagbigti

Unang pahina ng suicide note ng nagbigting tindero.
Kuha ni Darwin Tapayan
KALIBO, AKLAN--Agad na naisugod sa provincial hospital sa bayang ito ang nawalang-malay na tindero ng isda matapos itong maabutang nakabigti sa loob mismo ng kanilang bahay sa Poblacion, Makato.

Nabatid sa report ng Makato PNP na banda alas-4:00 kahapon ng hapon, isang residente sa naturang lugar ang nagbigay-alam sa mga naka-duty na mga tauhan ng pulisya sa palengke ng naturang bayan na sa malapit ay may nakabigting lalaki.

Agag namang rumisponde ang mga kapulisan sa lugar at matapos matanggal sa pagkakabitay gamit ang plastik na lubid ay agad nilang isinugod sa nabanggit na pagamutan kung saan ito nabigyan ng kaukulang paggamot matapos ngang mawalan ng malay. Sa ngayon ay presenteng nagpapagaling ang 49 anyos na biktima sa pribadong kuwarto.

Napag-alam na problema sa pamilya ang dahilan ng tangkang pagpapakamatay ng naturang lalaki base narin sa narekober na suicide note niya ng mga kapulisan.

Nakasaad sa dalawang pahinang suicide note na pinunit na notebook ang kanyang pagmamahal sa kanyang kasamang babae at sa anak nito at sinasabing may kasalanan siya sa kanilang dalawa.

Bahay sa Ibajay nasunog sa kabila ng ulan

KALIBO, AKLAN--Nasunog ang sala ng isang bahay sa San Jose, Ibajay sa lalawigang ito hatinggabi kagabi sa kabila ng malakas na buhos ng ulan.

Naagapan ng mga kapitbahay ang paglawak ng sunog matapos ang isa sa mga ito ang unang nakasaksi at pinagtulungan nilang apulahin sa pamamagitan ng bucket brigade.

Napag-alaman sa pamamagitan ni FO2 Alvin De Vicente, imbestigador ng Bureau of Fire Protection Unit ng nasabing bayan na pagmamay-ari ni Beatres Maquirang, nasa legal na edad ang nasabing bahay.

Wala namang nasugatan sa aksidente. Katunayan, walang tao sa nasabing bahay ng mangyari ito na kung saan ang naturang may-ari ay nasa Kalibo ng mga panahong iyon.

Inaalam parin ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog na tumagal ng isang oras bago naapula.

Nabatid na naabu ang bahagi ng sala nito kabilang ang mga mahahalagang appliances. Yari sa konkretong kagamitan ang bahay.

Monday, June 29, 2015

Bahay sa New Washington naabu dahil sa sunog

KALIBO, AKLAN--Nagpapatuloy ngayon ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection o BFP New Washington sa nangyaring sunog kahapon ng hapon sa So. Naga, Brgy. Poblacion sa naturang bayan.

Naabu ang isang bahay na yari sa mix material at pinagmamay-arian ni Neli Concepion at may lawak na 80 sq. meter.

Bahagya namang naabot ng sunog ang bahay ng kanyang nanay malapit lamang sa bahay ng biktima.

Nabatid kay SFO1 Randy Abillo ng New Washington BFP na kung nagtuloy-tuloy ang sunog ay maaring nadamay pa ang mga kabahayan na halos magkakadikit-dikit malapit lamang sa bahay ng biktima.

Nangyari ang sunog alas-3 ng hapon at mabilis namang naapula ng rumispondeng bombero ng Kalibo at New Washington. Tinatayang tumagal ang sunog ng 15 minuto.

Napag-alaman na wala namang mga naisalbang gamit ang biktima sa nasunog na bahay. Wala rin namang may nasugatan sa nasabing sunog.

54 anyos na bulkitor arestado re: pambabastos sa babaeng kustomer

KALIBO, AKLAN--Inaresto ng mga kapulisan ang isang vulcanizer sa Brgy. Poblacion sa bayang ito matapos magsumbong sa kapulisan ng Kalibo ang isang babaeng kanyang kustomer ng pambabastos.

Salaysay ng 23 anyos na babae at residente ng Ivisan, Roxas City, Capiz, kahapon ng umaga ng maganap ang nasabing insidente.

Nagpapabulkit umano siya ng na-flat na gulong ng kanyang motorsiklo nang pag-uusisain siya ng suspek na bulkitor at naglabas ng mga bastos na mga salita.

Tinanong umano niya ang babae, "Pila imo puya?" o ibig sabihin kung ilan ang anak nito. Sinagot naman siya ng babae na isa lang. Sumagot naman ang suspek (sa Tagalog) na yan lang ba ang kaya ng mister mo, ako kaya ko ang lima. Dagdag pa rito, hindi na nito pinagbabayad ang babae sa halip ay pinababalik kinabukasan para makipag-sex sa kanya.

Maliban rito ay pinilit din di umano siya na pumasok sa kanyang shop.

Matapos magsumbong sa mga kapulisan, ay positibo niyang itinuro ang suspek sa lugar ng insidente at agad namang inaresto ng mga kapulisan.

Mahigit 1K biktima ng bagyong Yolanda sa Kalibo tatanggap na ng ESA

KALIBO, AKLAN--Nakatakdang ipamahagi ngayong araw ng Local Goverment Unit (LGU) at ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWD) ng Kalibo ang tig-30, 000 pesos na pondo mula sa pamahalaang pambansa tulong para sa mga nabiktima ng bagyong Yolanda noong Nobyembre 2013.

Nabatid na sa bayang ito ay mabibigyan ang 1215 mga biktima ng bagyo kung saan kabuuang 30k ang kanilang matatanggap matapos mavalidate na kabuuang nawasak ang kanilang bahay.

Ang nasabing pondo o Emergency Shelter Assistance (ESA) ay tulong ng pamahalaan upang mapaayos ng mga benipesaryo ang kanilang mga kabahayan.

Matatandaan na noong Pebrero ng taong ito ay una nang naipamigay sa mga taong bahagya namang nasira ng kanilang bahay dahil sa bagyo ang parehong tulong sa halagang 10k bawat isa sa kanila.

Sa 16 na mga kabarangayan sa bayang ito ay unang mabibigyan ang Poblacion.

Samantala, matatandaan na noong Biyernes ay nagsagawa ng dayologo ang mga militanteng grupo kasama ang LGU Kalibo sa paghiling nila na ipamigay na ang naturang pondo sa mga tao. Maliban rito ay humingi rin sila ng pinansiyal na tulong sa mga nabiktima ng sunog sa C. Laserna sa bayan ding ito.

Dahil sa underwear, lalaki nanuntok arestado

KALIBO, AKLAN--Pansamantalang ikinulong ang isang lalaki matapos itong manuntok ng babaeng kapitbahay nila dahil lamang sa ninakawa na panti.

Sumbong ng biktimang si Rowena Viray, 38, sa mga awtoridad na sinuntok umano siya ng suspek na si Greg Igma, 51 anyos.

Agad namang nagtungo sa lugar ang mga kapulisan ng Kalibo PNP upang mag-imbestiga. Dito ay naaresto nila ang naturang suspek at inaming sinuntok nito sa kaliwang mata ang nasabing biktima dahilan upang mamaga ito at magdulot ng pananakit sa kanya.

Dahilan ng suspek ay kinuha di umano ng biktima ang underwear ng kanyang anak kaya niya ito nagawa.

Dagdag pa rito, sinabi naman ng biktima na pagmamay-ari niya iyong underwear na tinuturo ng mag-ama.

Nabatid na magkakapitbahay lamang ang magkabilang panig sa C. Laserna, Poblacion, sa bayang ito.

Dahil sa selos, chief tanod pinagsasaksak--patay

KALIBO, AKLAN--Agad na binawian ng buhay ang isang chief tanod matapos itong pagsasaksakin ng makailang ulit ng isa pa habang ito ay bumibili ng barbecue kagabi sa bayan ng Tangalan sa lalawigang ito.

Nabatid sa ulat ng Tangalan PNP, banda 7:30 nangyari ang insidente ilang metro lang ang layo sa lugar kung saan nagsasagawa ng traffic checkpoint ang mga kapulisan sa Brgy. Poblacion.

Bumibili ang biktimang tanod na si Ricky Talamisan, 48 anyos, ng barbecue sa isang barbecue stand nang bigla itong nilapitan ng suspek at mabilis na pinagsasaksak ng makailang ulit hanggang sa tuluyan itong mawalan ng buhay.

Sinubukan namang awatin ng kasama ng biktima ang suspek na si Willy Malihan, 31 anyos at isang drayber ng traysikel, subalit hindi ito nagpadaig.

Napag-alaman na parehong residente ng Brgy. Baybay ang biktima at ang suspek.

Matapos maipagbigay alam ng mga residente ang nangyari sa mga kapulisan ay agad silang rumisponde kung saan naabutan pa nila ang suspek sa krimen.

Nakabaon pa sa dibdib ng tanod ang ginamit na kutsilyo na butcher's knife o "plamingko".

Sa personal na pagpanayam ng Radio Birada! sa suspek, inamin nitong selos ang dahilan kung bakit niya ito nagawa.

Sa mga naging pahayag naman ng mga kamag-anak ng biktima, nagsisilbing parent-leader ng 4Ps ang nasabing tanod. At sa kanyang pagbabahay-bahay sa kanyang mga miyembro, kabilang na ang pamilya ng suspek, ay naging dahilan ito upang pagselusan siya dahil sa madalas ay wala ang suspek sa kanilang bahay at ang asawang babae lamang nito ang naiiwan.

Nahaharap ngayon sa kasong murder ang suspek.

Thursday, June 25, 2015

Misis nahuli ni mister may katalik sa loob ng sariling bahay

KALIBO, AKLAN--Galit ang panghihinayang ang naramdaman ng biktimang si Max, 38 anyos, nang maabutan nito ang kanyang asawang babae na may katalik na ibang lalaki sa loob mismo ng kanilang bahay sa isang barangay sa Altavas, Aklan.

Agad naman itong humingi ng tulong sa kapitan ng barangay. Rumisponde naman ang mga kapulisan sa lugar matapos magsumbong ang kapitan sa pulisya.

Inaresto ang dalawang suspek at ngayon ay nakakulong sa istasyon ng pulis sa nasabing bayan.

Nabatid sa blotter report na may tinatagong relasyon ang asawang babae sa kapitbahay lang din nito na suspek.

Sa selebrasyon ng San Juan, 27 anyos nalunod

KALIBO, AKLAN--Nagpapagaling ngayon sa surgical ward ng Aklan Provincial Hospital ang 27 anyos na lalaki matapos itong malunod kahapon ng hapon sa bayan ng Numancia, Aklan sa kasagsagan ng pagdiriwang ng kapistahan ni San Juan de Bautista.

Ayon sa report, nagkayayaan umano ang biktimang kinilala kay Chris Rondario, residente ng nasabing lugar, kasama ang kanyang mga kaibigan na maligo sa ilog sa Brgy Navitas.

Dahil sa pulikat nawalan ng kontrol ang nasabing biktima sa kasagsagan ng paliligo. Napag-alaman din na galing sa inuman ang biktima kasama ang mga kaibigan nito bago naligo.

Nasukluluhan naman ang biktima ng kanyang mga kaibigan.

Dumating naman ang mga rescuer at isinakay sa patrol car ng pulisya at isinugod sa nabanggit na ospital matapos malapatan ng paunang lunas.

DJ sa Aklan, iniimbestigahan re: ilegal na pagsuot ng uniporme ng pulis

KALIBO, AKLAN--Pinaiimbestigahan ngayon ng Aklan Provincial Police Office (APPO) ang isang disc jokey (DJ) ng isang FM station sa lalawigang ito dahil sa pagsuot ng uniporme ng pulisya at ginamit na profile pictures sa facebook.

Ito ang kinumpirma ni PO1 Jane Vega, information officer ng APPO, sa Radyo Birada! Boracay.

Nabatid na ginamit umano ni Kenneth Loveras aka "Benjie Parak" ng Love Radio Kalibo ang uniporme ng pulis sa kanilang pictorial at ginawang profile picture.

Nagulat naman ang mga kapulisan nang makita ang nasabing litrato. Maliban dito ay nakalagay pa sa uniporme ang SPO10 na tahasang nang-iinsulto sa mga kapulisan.

Dahil rito maaari umanong makasuhan ang nasabing DJ sa paglabag nito sa paggamit ng uniporme ng kapulisan.

Humingi naman ang nasabing radio personality, maging ang pamunuan ng naturang istasyon ng paumanhin sa mga opisyal ng kapulisan.

Inaalam naman ng mga awtoridad kung sino ang pulis na nagpahiram ng unipormeng ginamit ng DJ.

Wednesday, June 24, 2015

Dahil sa puno ng mahogany, magkapatid nagtaggaan

KALIBO, AKLAN--Kasalukuyang nagpapagaling sa provincial hospital at nakatakdang isailalim sa operasyon ang isang lalaki matapos na pagtatagain ng makatlong beses at barilin ng sarili nitong kapatid sa Brgy. Lanipga, Tangalan, Aklan.

Matatandaan sa report ng Tangalan PNP, sinalakay umano ang nasabing biktima ng kanyang nakababatang kapatid sa sarili nitong bahay sa nasabing lugar.

Gamit ang "boga" o improvised gun, unang binaril ng suspek na si Jimmy Piano, 45 anyos ang kanyang kuya. Para dipensahan ang sarili, gamit ang "espading" tinaga rin ng kapatid na si Jessie Piano ang suspek na tumama sa kanyang noo.

Dahil rito, gumanti naman si Jimmy ng taga gamit ang dalang itak sa kuya kung saan nagtamo ito ng sugat sa kanyang likuran, kaliwang bahagi ng katawan, at sa kanang braso.

Agad namang nahuli ng mga rumispondeng mga kapulisan ang suspek at ngayon ay nakakulong sa provincial jail at takdang sampahan ng kasong frustrated murder.

Napag-alaman na dahil sa pinutol na punong mahogany ng kuya ang ikinagalit ng suspek. Katwiran nito na siya ang nagtanim ng nasabing puno.

Dahil sa clean-up drive, mediaman sa Aklan nanuntok

KALIBO, AKLAN--Sinuntok di umano ng isang radio reporter sa Aklan ang isang milentante dahil lamang sa takdang paglilinis ng mga nasunog na kabahayan sa Purok 2, C. Laserna, sa bayang ito.

Sa ulat ng Kalibo PNP, hinarang di umano nina Jorge Calaor at Nenita Tugna, mga pinuno ng milentanteng grupo na KADAMAY at MAKABAYAN ang isang platoon ng 12IB Philippine Army ng Camp Jizmundo sa Libas, Banga, Aklan para sana magsagawa ng clean-up drive sa nasabing lugar.

Dahil dito, nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng mga nabanggit na milentante at ng radio reporter na si Pablito Cabesilla Jr. Giit ni Cabesilla, na siya ang humingi ng augmentation sa nasabing pangkat kasama ang kanilang grupo sa radyo para sa nabanggit na aktibidad.

Nabatid na si Cabesilla ay residente rin ng naturang lugar at isa sa mga biktima ng sunog.

Ayon naman kay Calaor, dinuro-duro umano siya ng naturang mediaman at sinuntok pa sa kaliwang mukha nito.

Ang magkabilang panig ay kapwa nagpablotter sa himpilan ng pulisya.

Thursday, June 18, 2015

Dahil sa sunog sa Boracay, 2 sugatan nang maaksidente sa Motorsiklo

KALIBO, AKLAN--Konpayn sa Aklan Provincial Hospital ang drayber ng motorsiklo matapos itong sumimplang sa national highway kasama ang isa pa habang humaharurot sa pag-aakalang nakasama ang kanyang boardinghouse sa nasusunog sa Isla ng Boracay kahapon ng hapon sa Gibon, Nabas, Aklan.

Nakilala ang biktima na si Eduardo Dalisay Jr., 39 anyos at tubong Nagustan ng parehong bayan. Tumanggi namang magpakilala ang isa niyang kasama na nagtamo lamang ng kaunting galos sa ilang bahagi ng kanyang katawan.

Nagtamo ng sugat sa noo, tuhod at mukha ang naturang drayber at ilang galos sa ilang bahagi ng kanyang katawan.

Kasalukuyang nagpapagaling ngayon sa medical ward ang biktima.

Romanian national nangisay sa daan--patay

KALIBO, AKLAN--Dead on arrival sa Aklan Provincial Hospital ang isang Romanian national matapos mangisay sa daan sa Brgy. Tina, Makato, Aklan.

Ayon sa Makato PNP station, banda 8:00 ng umaga kahapon ng makatanggap sila ng tawag mula sa isang residente na nangingisay sa daanan ang naturang Romanian national na kalaunan ay nakilalang si Gigil Dita, nasa 45 anyos.

Nabatid na ang babaeng biktima ay dumating sa Pilipinas noon pang 2012 at unang napunta sa Manila kung saan siya nahold-up.

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad nabatid na naging palaboy ang naturang dayuhan sa iba-ibang lugar dito sa Western Visayas kabilang na sa Isla ng Boracay.

Narekober sa bag na bitbit ng biktima ang dalawang sirang cellphone, kung saan sa pamamagitan ng mga sims nito ay nakakuha ang mga kapulisan ng kontak sa kaniyang mga kakilala.

Nabatid na naninirahan ang biktima sa isang malapit na kakilala sa Linabuan Norte sa bayang ito na nakatulong upang makakuha ang mga awtoridad ng karagdagang mga impormasyon.

Itinuturo ngayon ang gutom, pagod at init ng panahon ang dahilan kung bakit inatake ang biktima sa daan.

Nakontak narin ng Makato PNP ang Romanian embassy sa posibilidad na matukoy ang kaniyang pamilya.

Friday, June 12, 2015

Nakawan sa Isla ng Boracay talamak parin

ISLA NG BORACAY--Talamak pa rin ang insidenteng may kinalaman sa nakawan sa islang ito. Kahapon lamang ay dalawang magkahiwalay na nakawan ang naitala sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) PNP station.

Ang unang nakawan ay nangyari ng madaling araw kung saan isang security guard ang ninakawan ng kanyang service firearm.

Salaysay ng biktimang si Roy Quirino y Dominguez, 32 anyos, tubong Balete, Aklan, natulugan umano siya sa duyan banda 3:30 ng umaga at pagkagising niya ng 4:30 ay nawawala na ang kanyang bag sa kanyang tabi.

6:00 na ng umaga nang makita nito ang kanyang bag sa tabing lote, 30 metro ang layo sa pinagtratrabahuhan niyang establisyemento sa So. Bolabog, Brgy. Balabag.

Sabug-sabog na ang mga dokumentong nasa loob ng kanyang bag at wala na ang kanyang baril na caliber .38 at may 11 rounds ammo. Kasama rin sa natangay ng magnanakaw ang kanyang cellphone at pera.

SAMANTALA, banda 9:00 naman ng umaga, isang kaso rin ng pagnanakaw ang naganap beach front ng Station 3.

Ayon sa biktimang si Angelic Moises, 25 anyos at tubong Nabas, Aklan, iniwan umano nito ang kanyang pouch sa buhanginan saka ito naligo.

Pagbalik nito, napag-alaman niyang nawawala na ang kanyang dalawang cellphone at 5, 000 pesos na halaga ng pera.

Sa follow-up imbestigasyon ng BTAC nakita sa CCTV footage na kuha ng kalapit na resort na isang babae ang tumangay ng kanyang pouch. Hirap naman ang mga kapulisan sa pagtukoy ng suspek dahil sa malabo ang kuha at malayo ang CCTV sa pinangyarihan ng insidente.

Ang mga kasong ito ng pagnanakaw ay patuloy pang iniimbestigahan ng mga kapulisan.

Monday, June 8, 2015

Opinyon: Boracay, paalam na nga ba?

Kasabay ng paglago ng turismo, ay pag-usbungan ng mga malalaking imbestor dala ang iba-iabng aktibidad sa Isla ng Boracay, samantalang hindi nito napapansin ang pagkasira ng kalikasan.

Nanawagan ngayon ang Japan International Cooperation Agency (JICA) na unti-unti nang nawawala ang marine and coastal ecosystem sa Boracay sa kasalukuyan.

Ang JICA ay pangkat ng mga Hapon at Pilipinong mga siyentista. Napag-alaman sa kanilang limang-taong pag-aaral na ang mga korales sa Isla ng Boracay ay nangasisira na dahil sa mga tourism-related activities.

Ang pag-aaral na ito ay bahagi ng kanilang malaking proyekto na Coastal Ecosystem Conservation and Adaptive Management o CECAM.

Sa kanilang pag-analisa, kinalkula ng pangkat na ito ang mga korales na bumubuo sa Boracay ay bumaba ng 70.5% sa pagitan ng 1998 hanggang 2011. Napag-alaman din nila na ang pinakamataas na pagbaba ay 2008 hanggang 2011 kung saan ang mga turistang dumating ay umabot sa 38.4%.

Itinuturo ang kasiraang ito sa mga hindi namomonitor na mga snorkeling at diving activities sa mga lugar sa Boracay kung saan mayaman ang mga korales.

Dahil rito ay pinangagambahan ang posibleng pagguho ng buhangin sa dalampasigan. Ang coral reefs kasi ang nagpapababa ng impact ng alon sa beach.

Pinangagambahan rin ang pagging polusyon sa tubig na makasisira sa kalusugan ng tao dahil rito.

Mabahala nawa ang lokal na pamahalaan dito. Magpatupad agad ng mga batas ang mga kinauukulan sa pagsugpo nito bago paman mahuli ang lahat.

Huwag nawang ipagpalit ang mga pansamantalang economic gains sa pagpapanatili ng kalikasan ng Boracay o kung hindi ay paalam na Boracay!

Aquasport management sa Boracay inireklamo ng kapabayaan

ISLA NG BORACAY--Nagkatruma at nagtamo pa ng ilang sugat sa katawan ang apat na mga turista mula Maynila matapos itong mawalan ng oxygen habang nasa kanilang helmet diving activity sa islang ito partikular sa Station 3, Brgy. Manocmanoc.

Giit ng mga ito sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) PNP station na muntikan na silang malunod kaya napilitan na lamang silang umahon sa ilalim ng tubig. Dagdag pa ng mga ito na hindi sila inintertina o inasikaso ang kanilang reklamo ng management ng nasabing aquasport activity.

Ang mga biktimang ito na pawang mga taga-Maynila ay sina Jay Cruz, Venus Villanueva, Princess Idely Espiritu at Maureen Olivar.

Salaysay ng mga ito na, habang nasa kasagsagan ng nasabing aktibidad ay napansin nila na tila nawawalan na ng oxyegen ang kanilang helmet. Bagaman nirepilan ng mga divers ng naturang kompaniya ang kanilang helmet ay hindi ito naging sapat, dahilan upang sapilitang umahon sila sa tubig.

Ang kasong ito ay inirefer ng kapulisan sa Department of Tourism para sa kaukulang disposisyon.

Sunday, June 7, 2015

Negros provinces, bubuo ng bagong rehiyon

Nilagdaan ni Pangulong Benigno S. Aquino III ang kautusan na bubuo sa isang bagong rehiyon para sa Negros Occidental at Negros Oriental.

Sa ilalim ng Executive Order No. 183, itatatag ang Negros Island Region-Technical Working Group (NIR-TWG) na babalangkas sa institutional changes.

Ang NIR-TWG ay binubuo ng ilang kinatawan mula sa Office of the President, Department of Budget and Management (DBM), National Economic Development Authority (NEDA), Department of Interior and Local Government (DILG), at mga kinatawan mula sa mga pamahalaang panglalawigan ng Negros Oriental at Negros Occidental.

Sa kasalukuyan, kabilang ang Negros Occidental sa Western Visayas Region na nakabase sa Iloilo, habang saklaw naman ng Central Visayas, na nakabase sa Cebu City, ang Negros Oriental.

Sa kanyang talumpati noong Mayo 1 sa inagurasyon ng Negros First Cyber Center, sinabi ni Pangulong Aquino na sinusuportahan niya ang pagbuo ng NIR dahil pabibilisin nito ang pag-unlad ng Visayas region sa kabuuan.

c. www.balita.net.ph

Swede, nag-deliver ng hashish sa bilanggo

KALIBO, Aklan – Isang 45-anyos na Swede ang inaresto ng awtoridad matapos mahulihan ng “hashish” na ide-deliver sana nito sa mga Pilipinong bilanggo.

Kinilala ng awtoridad ang suspek na si Kidd Bernhard Kieffer, na pansamantalang nakatira sa Boracay Island sa Malay.

Ayon sa imbestigasyon ng Kalibo Police, pumasok ang dayuhan sa Aklan Rehabilitation Center at sa pag-iinspeksiyon ay nabawi mula sa kanya ni Provincial Guard Aladin Pastrana ang hashish ng marijuana na nakatago sa kaha ng sigarilyo.

Pansamantalang ikinulong ang suspek sa himpilan ng Kalibo Police habang hinihintay ang kasong isasampa ng awtoridad laban sa kanya.

c. www.balita.net.ph

Independence Day gugunitain ni PNoy sa Iloilo

Pangungunahan ni Pangulong Benigno Aquino III ang selebrasyon ng ika-117 Independence Day sa darating na Biyernes sa Iloilo City, ayon sa Malacañang.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte sa Sta. Barbara sa Iloilo, gagawin ang pagtataas ng bandila ng Pilipinas sa selebrasyon ng Independence Day.

Ipinaliwanag ni Valte na mahalaga sa kasaysayan ng bansa ang Sta. Barbara kung saan noong Nobyembre 17, 1898 sa kauna-unahang pagkakataon ay itinaas umano ang watawat sa Visayas sa inagurasyon noon ng revolutionary government na siyang nagbigay-daan para maging base ng revolutionary forces ang nasabing lalawigan.

Batay sa iskedyul ng Pangulo sa Hunyo 12, matapos umano ang makabuluhang pagtataas ng bandila sa Sta. Barbara ay magkakaroon ng speech si Pangulong Aquino at pagkaraan ay tutulak ito sa isang simbahan sa Molo District bago ang naka-iskedyul na vin d’honneur alas-10:00 ng umaga na gagawin naman sa ka­pitolyo ng Iloilo kung saan inaasahang may 50 ambassadors at mga miyembro ng gabinete at Kongreso ang dadalo.

c. www.abante.com.ph

Wednesday, June 3, 2015

Antiquenio pinaghahanda ng gobernador

ISLA NG BORACAY--Pinaalalahana ni Gobernador Rhodora J. Cadiao ng Antique ang mga mamamayan na palakasin ang paghahanda sa nalalapit na panahon ng tag-ulan at mabagyong panahon sa paglunsad ng Environment Month na isinagawa sa bayan ng Belison.

Sa panahong isinagawa ang programa, nanawagan rin ito sa lahat na makipagtulungan sa worldwide campaign sa pangangalaga ng kaliskasan sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno.

Masaya ito na hindi gaanong naapektuhan ng El Niño ang kanilag probinsiya.

Nabatid na ipinagdiriwang sa probinsiya ang Environment Month bawat taon base sa Presidential Proclamation No. 237 na inilabas ni dating Pang. Corazon Aquino noong 1998.

Kasama sa pagpupulong sina Belison Municipal Mayor Darrell B. Dela Flor, DENR Antique PENRO Ruel delos Reyes, at SP Member Vincent Hernandez, chair ng Committee on Environment and Natural Resources.

Mayor sa Aklan sinagot ang isyu re: pagpapasara ng resort

ISLA NG BORACAY--Mariing pinabulaan ngayon ni Mayor Quezon Labindao ng Buruanga, Aklan na hindi ang pagpasok ng panibagong imbestor kalapit lang sa sapilitan nitong pinasarang resort ang dahilan kung bakit niya ito ipinasara.

Sa naging pahayag nito sa Radio Birada! aminado itong nagdala ng malaking tulong sa bayang nasasakupan nito ang Ariel's Point resort dahil sa pagiging sikat nito sa matarik na diving cliff at magandang lugar.

Gayunpaman, nilinaw nito na napilitan itong ipasara dahil sa umano'y mga paglabag nito sa pagpapanatiling maayos at malinis na kapaligiran.

Nagsimula umano ang isyu ng isa sa hindi na niya pinangalanang mamamayan ang nagpakita ng mga larawan na nasisira ang mga korales, mga natagpuang basura sa dagat, at hindi nakatakip na puso-negro na kasama sa sulat na nakarating sa kanyang tanggapan.

Dito na umano nabahala ang lokal na pamahalaan. Agad umanong bumuo ng komite ang mayor upang mag-imbestiga rito at doon napatunayan ang mga paglabag ng nasabing resort.

Kahit pa may mga notice of permanent closure na ang resort ang nag-ooperate parin ito.
Kaya napilitan ang lokal na pamahalaan na lagyan ng balsa ang diving area upang matigil na ang kanilang operasyon dito.

Bagaman naghain ng TRO ang may-ari ng resort na si Ariel Abriam, ay tinanggihan ito ng korte sa Kalibo.

Oplan-Kandado ng BIR umaarangkada sa Boracay

ISLA NG BORACAY--Umaarangkada ngayon ang oplan-kandado ng Bureau of Internal Revenue o BIR sa islang ito sa mga establisyemento komersiyal na hindi sumusunod sa patakaran ng ahensiyang ito sa bayaran ng tamang buwis.

Kahapon lamang ay tatlong mga establisiyimento ang naipasara nila. Ang mga nasabing establisyimento ay Paradiso Beach House, Canyon de Boracay at Real Maris Resort and Hotel.

Nabatid na sapilitang ipinasara ang mga establisiyimentong ito ay dahil sa kapabayaang magbigay ng kaukulang requirements sa Five-Day VAT Compliance.

Naging matagumpay ang pagpapasara sa mga ito matapos humingi ng tulong ang mga tauhan ng BIR Revenue District ng Kalibo, Aklan sa pamumuno ni Mr. Eralen De Aro, Revenue District Officer sa mga tauhan ng Boracay Tourist Assistance Center sa pangunguna ni PSI Frensy Andrade, hepe ng BTAC.

Ang closure order para sa mga ito ay nilagdaan ni Mr. Nelso Aspe, Deputy Commissioner Operation Group ng BIR.

Buruanga magiging kauna-unahang rabies-free sa Aklan

Larawang kuha ni Darwin Tapayan
ISLA NG BORACAY--Inaasahang maging una sa probinsiya ng Aklan ang bayan ng Buruanga bilang rabies-free municipality dahil sa pagkakaroon nito ng mababang bilang ng kaso ng mga pagkagat ng hayop sa nakaraang taon ng 2014 at may pinakamataas na bilang ng mga nabakunahang mga aso.

Ayon sa ulat ng Provincial Health Office - Aklan(PHO), ang Buruanga ang may pinakamababang bilang ng mga ng mga nakagat ng hayop na may 29 kaso ng taong 2014, samantalang ang populasyon ng mga aso ay nasa 1, 496 at nakapagbakuna ng 80.55% mahigit kaysa sa inaasahang 70% na target.

Maliban sa Buruanga, ang bayan ng Malay at Nabas ay iminumungkahi ring maging rabies-free dahil sa mataas na porsiyento ng popolasyon ng mga aso ay nabakunahan at may mga mababang bilang ng mga nakagat ng hayop.

Samantala base sa ulat na inilabas ng nakaraang Provincial Rabies Control Commitee meeting ng Office of the Provincial Veterinarian-AKLAN o OPVET at PHO, pinakamataas ang mga bayan ng Kalibo (849), Numanacia (313), at Banga (306) sa mga bilang ng kaso ng animal bite.

Sa kabilang banda, ang Isla ng Boracay ay idinaklara na na rabies-free island kasama ang Guimaras.

Kamag-anak ni "Karen" humihingi ng hustisya

ISLA NG BORACAY--Hindi parin mapalagay ang mga kamag-anak ni Karen "Karen" Valera mahigit isang buwan na nang natagpuang patay at palutang-lutang sa baybayin ng islang ito noong Abril 25 matapos mapag-alaman sa atupsiya na may nangyaring foul-play dito.

"Initial communication to us by her closest friends who were w/ her on the trip, was that she drowned. Contrary to the autopsy report, there was no water found in the lungs and on the throat/ larynx. She was not bloated upon retrieval of her body from the waters of Boracay," pahayag ng isa sa mga kapatid nito sa isang facebook page post.

"According to the report, which states that, the cause of death was blunt traumatic injuries. Injuries on the forehead, that caused a hematoma to the right side of my sister's brain. She had bruises on her chest, lower back and both arms. Her knees were extremely bruised and beaten 'lapnos ang tuhod'. Clearly she did not drown. She was beaten and murdered."

Matatandaan na base sa report ng Boracay PNP station na nagkaroon umano sila ng pagtatalo ng kasintahan nitong babae habang nagbabakasyon sa Isla ng Boracay bago siya natagpuang patay.

Umaasa ngayon ang mga kamag-anak sa California USA at Nueva Vescaya na sa tulong ng mga awtoridad at media ay mapanagot ang suspek sa nangyari.