Monday, September 29, 2014

Tatay Natagpuang Patay

Natagpuang bangkay na ang tatay na si Ebuen Briones y Silagan, 47 taon-gulang, isang construction worker, ng kanyang pamilya sa loob mismo ng kanilang bahay  sa Sitio Hagdan, Brgy. Yapak, Malay, Aklan.

Ayon sa imbestigasyon ng mga kapulisan ng Boracy Tourist Assistance Center (BTAC), ayon sa mga anak nitong sina John Rey, 18, at panganay na anak, at Cedrick Jay, 15, bunsong anak, na magkasama pa silang natulog ng kanilang ama ng gabing iyon ng Setyembre 28, 2014 . Wala man lang na napansing kung anong sugat o dugo sa katawan o higaan ang nasabing mga anak sa kanilang tatay.

Dagdag pa ng panganay na anak na nakipag-inuman pa ang ama sa mga katrabaho nito sa isang boarding house mga ilang hakbang lamang ang lapit sa bahay nito. Wala rin umanong kung anong away o alitan itong narinig habang nasa inuman ang ama. Nagulat nalang ang mga ito nang mapag-alaman kinabukasan na isa ng malamaig na bangkay ang ama.


Napansin na mayroong mga galos ang bangkay sa kaliwa nitong tuhod, paa, at ulo. Iniimbestigahan pa ng kapulisan ang posibleng dahilan ng kahina-hinalang pagkamatay ng nasabing tatay at isasailalim sa otopsiya.

Construction Worker Nanuntok ng Kapwa Construction Worker

Sinuntok sa bibig ang biktima na kinlala kay Adrian Dela Cruz, 29 taon-gulang, ng kapwa rin nito construction worker na si Vicente Patricio, 46 taon-gulang.

Ayon sa blotter entry ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), habang ang biktima kasama ang iba pang mga katrabaho nito ay nasa pagtatalo, bigla na lamang sinuntok ng suspek ang biktima sa bibig nito dahilan na nagtamo ito ng sugat.


Minabuting ng dalawang panig na ayusin ang nasabing kaso sa barangay justice ng Brgy. Manocmanoc kung saan nagtratrabaho ang mga ito.

Dalawang Lalaki Gumawa ng Iskandalo sa Isla ng Boracay

Bandang 1:30 ng madaling araw, Setyembre 29, 2014 isang tawag sa telepono ang natanggap ng kapulisan mula kay ELYSERIO DELA CRUZ y DELA CRUZ, 27 taong gulang. isang Security Guard sa ilalim ng Golden Eye Security Agency. taga Maggan, Banga, Aklan at temporaryong nakatira sa Sitio Bolabog, Brgy. Balabag Malay, Aklan. Nag – imporma na mayroong mga kalalakihang nagbabato ng mga bote sa harap ng Acces Line Compound, Sa Brgy. Balabag dito din sa isla ng boracay.

Agad naman rumesponde ang mga kapulisan sa pangunguna ni PO3 Joy Sablaon. Sa pagdating ng mga kapulisan itinuro ng complainant ang mga suspek na kinilala kay RAMON TUMBUKON y DY, 24 taong gulang at may asawa, isang construction worker, taga Tibyawan, Makato, Aklan at si EDEN ROBERTO y PAROHINOG, 22 taong gulang at walang asawa isang Kitchen Helper, taga Brgy. Damayan, Sapian, Capiz. ang dalawa ay temporaryong  nakatira sa Brgy. Balabag dito din sa isla.
Ayon sa complainant. itong suspek na si Ramon ay binato nya ng  buhangin ang bakud na gawa sa kawayan sa nasabing compound. At ang complainant ay naalarma kaya lumabas para kinumprunta niya ito, subalit itong suspek(Ramon) ay nagsalita ng “Maangal ka Gid” tapos hinampas niya yung bote na hawak sa bato  sa labas ng compound. Habang itong si MELBONE DILAPIGA kasamahan din ng mga suspek ay inawat niya pero itong si Eden (suspek) ay nagsalita pa na “hueaton ta iya sa guwa hay bakueon ta” Ngunit itong si Ramon (suspek) binato niya ng bato ang bakod na kawayan na kamuntik ng matamaan ang complainant. 

Ang insidenting iyon ay nagkaroon ng iskandalo at alarma sa nasabing lugar. At nakita naman it ni ANTHONY SASTRE y MANUEL residente ng PCTV Compound sa may Sitio Manggayad Balabag, Malay, Aklan. Habang nasa duty siya bilang isang Watchman sa LGU Malay na nakadetalye siya sa Boracay Health Center sa gilid lang din ng Acces Lines ditu din sa Brgy. Balabag.
 Kaya ang mga suspek ay inimpormahan sa kanilang ginawa at binasahan silang sa kanilang mga pinagsasabi. Kaya ang mga suspek ay dinala muna sa Ciriaco S. Tirol Hospital (CSTH) para sa medical at physical check- up. At ngayun ay nasa kustudiya na ng mga kapulisan.



Sunday, September 28, 2014

Isang Dayuhan,Suspek sa Pagnanakaw.

Bandang 3:20 ng hapon kahapon September 28,2014 isang tawag sa telepono ang natanggap ng Boracay Tourist Assistant Center o BTAC mag mula sa isang empleyado ng McDonalds (main road Brgy. Balabag,Malay ,Aklan), At humingi ito ng tulong tungkol sa isa nilang custumer na nawalan ng iphone.

Ang biktima ay nakilala sa pangalang Jun Young Choi, 31 taong gulang at isang Korean national na pansamantalang nakatira naman sa Lagoon Regency Resort, Dito sa isla ng boracay.
Ayon sa imbestigasyun ng ating mga kapulisan inilapag nito  umano ang kanyang kulay puti na  iphone 4s sa counter/cashier’booth ng nasabing fastfood at nagbayad Ngunit, nakalimutan naman nitong dalhin ang nasabing bagay papunta sa kanyang mesa.Binalikan naman ng biktima ang cashier’s booth ngunit wala na ang kanyang iphone at agad naman nitong inireport sa management ng nasabing fastfood.

Nang tingnan ang cctv footage napag-alaman na isang di kilalang lalaking dayuhan nakasuot ng pulang sleeveless na damit at naging costumer din sa nasabing fastfood ang responsable sa insidente. Ang kasong ito ay patuloy paring inaalam ng ating mga kapulisan..



Thursday, September 25, 2014

Nakawan na naman sa Isla ng Boracay

Bandang 2:45 ng madaling araw, setyembre 26, 2014. isang nagrereklamo na kinilala kay GINAFE BUBAN y Mendoza ,isang babae , 41 taong gulang , at walang asawa. taga Baranggay Kumbot, San Jose Romblon at kasalukuyang nakatira  sa Sitio Hagdan , Baranggay yapak Malay, Aklan.

Personal itong pumunta sa opisina ng Boracay Tourist Assistant Center (BTAC) para humingi ng ayuda dahil may hinala siyang pagnanakaw ang nangyari sa kanyang tinutuluyan.at agad namang pumunta ang mga pulis kasama ang nagrereklamo sa kanilang bahay kung saan nangyari ang insidente.

Ayon sa nagrereklamo positbong nakilala niya ang suspek na kinilalang si MABINI MARIANO y JORDAN, lalaki, 42 taong gulang at may asawa, taga  Sta. Fe Romblon at kasalukuyang naninirahan di sa Sitio Hagdan Brgy. yapak malay Aklan.

Mga bandang 1:30 ng madaling araw sa nasabing petsa. Nagising daw sya ng my marinig siyang ingay sa sala ng kanilang bahay, nang kanyang puntahan ito, bukas na ang pinto kung saan sinaraduhan niya naman muna ito bago matulog. Mga ilang minuto pa ang nakalipas ng may naamoy siyang nakakalasing na inumin at napansin na niyang kinuha na ng suspek ang nakasabit nyang underwear sa labas ng kanilang bahay. Agad – agad niyang tiningnan ang kanyang mga gamit at nakiskubrehan niya na ang kanyang TV at rice cooker ay nawawala na rin. Narekober ng mga rumisponding pulis ang mga TV, underwear, sapatos, bra at tsinelas  sa loob ng bahay ng suspek.

Ang nagrereklamo ay hindi na sumampa ng kaso sa suspek dahil sa naawa din ito sa kanya. pero sinabihan niya ito na kung maulit uli yung ginawa nya, bibigyan na daw siya ng kaukulang aksyon. Kaya ang nagrereklamo ay pinakausapang ilabas nalang ang suspek. Sa pagkumpirma ni PO1 Gerald P. Ilig ang may hawak ng kaso.

Dalawang Construction Worker Pinalo ng Kahoy, Sugatan

BORACAY, MALAY, AKLAN--Sugatan ang magkasamang karpentero na sina Lude John Amigan at Darwin Vista matapos pagpapaluin ng kahoy ng dalawang suspek.

Pinalo ng kahoy si Lude sa kanang kamay nito, samantalang pinalo naman si Darwin sa ulo nito.

Kinilala ang mga suspek na sina Geserel Gatarin, 23 anyos, residente ng Brgy. Yapak, Boracay, Malay, Aklan; at Junrel Cañola, 28 anyos, na nagtratrabaho din sa parehong lugar kagaya ng sa mga biktima.

Ayon sa imbestigasyon ng mga kapulisan,  habang ang mga biktima ay kasama ang kanilang mga katrabaho at mga kaibigan na nag-iinuman sa kanilang barrack sa Brgy. Yapak, Boracay, Malay, Aklan, ay nilapitan sila ng mga nabanggit na suspek kasama ang tatlong iba pa at nagsabing pakihinaan ang tugtog ng radyo. Sinunod naman nila ang mga ito.

Nang umalis para umihi ang mga biktima sa kalapit lamang ng kanilang pinag-iinuman ay doon na ito pinagpapalo ng isa sa mga suspek ng piraso ng kahoy. Pinataob pa ng suspek ang mesa na kanilang pinag-iinuman, pinagsisipa ang mga upuan at nagbunot ng kutsilyo samantalang nagbibitiw ng mga masasamang salita.


Agad namang inaresto ng kapulisan ang mga suspek.

Tuesday, September 23, 2014

Lalake Nakapulot ng 3 Pasaporte: Humingi ng P10, 000 Pabuya sa mga May-ari

Kulungan ang bagsak ng suspek na kinilala kay Rafeal Iya, 40 taon-gulang, tubong Malay, Aklan, matapos nakawin ang napulot na tatlong pasaporte ng mga Chinese National at nagpumilit na bayaran ng mga may-ari ang nakuhang mga pasaporte.

Ang mga biktima ay kinilala kina Zhiqiang Wu, babae, 38; Hailing Sun, babae, 33, at anak nitong lalake na si Wu lin, 3 taon-gulang.

Ayon sa imbestigasyon ng Boracay Tourist Assitance Center (BTAC), napulot ng suspek ang tatlong pasaporte sa So. Tambisaan, Brgy. Manocmanoc, Malay, Aklan. Hindi kaagad ibinalik ng suspek ang mga nasabing pasaporte sa halip itinago ito ng dalawang araw. Ngunit nitong Setyembre 21, 2014 tumawag ang suspek sa  hotel na tinutuluyan ng mga Chinese national na nagsabing nasa kanya ang mga nawawalang pasaporte nila. Hindi ito nagpakilala at nag-iwan na lamang ng kanyang contact number.

Agad namang tumawag ang isa sa mga biktima sa suspek at nag-alok na bigyan ito ng P2, 000 pabuya bilang kapalit. Gayunpaman, hindi nakunteto ang suspek at humingi hanggang P10, 000 bilang kapalit. Sa pagdududa ng biktima, agad itong humingi ng tulong sa tauhan ng resort para sa tulong-pulisya.

Agad namang nagsagawa ng operasyon ang mga kapulisan sa ikadarakip ng suspek na ikinahuli nito matapos matanggap ang P10, 000.

Nakuha sa suspek ang tatlong pasaporte, tatlong visit visa documents, hotel and booking transport. Samantala, wala na ang P3, 000 na kasama sa mga dukomentong nakalagay sa bag na napulot nito.


Monday, September 22, 2014

Babae Nanuntok ng Kapwa Babae sa Isla ng Boracay

Nanuntok ng kapwa babae si Geroselyn Supetran, nasa wastong gulang, sa So. Hagdan, Brgy. Yapak, Boracay matapos magkainitan sa biktima.

Nakilala ang biktima kay Maila Venus y Evangelio, 20 taon-gulang.

Ayon sa ulat ng Boracay Tourist Assistance Center o BTAC, nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa sa nabanggit na lugar. Nang bigla, ang suspek ay nagalit at sinuntok nito ang biktima nang makailang ulit na nagdulot ng pananakit ng katawan ng biktima.

Inawat naman ng mga tao sa lugar ang panununtok.

Sunday, September 21, 2014

Magkasintahang Deutch Ninakawan sa Hotel sa Boracay

BORACAY, MALAY, AKLAN—Bukas na ang pintuan ng kuwarto, at wala na ang mahahalagang gamit sa loob—ito ang eksenang tumambad sa magkasintahang Deutch nang bumalik sila sa hotel na tinutuluyan nila matapos nagsaya sa bar.

Kinilala ang mga biktima na sina Lea Theresa Aime, 23 taon-gulang, at Felix Sebastian, 23 taon-gulang. Ayon sa kanilang salaysay, iniwan nila ang kanilang mga pagmamay-aring gamit sa inuupahang kuwarto sa hotel sa Brgy. Manocmanoc, Boracay, Malay, Aklan upang pumunta sa bar.

Nang bumalik ang mga ito, napag-alaman nilang ninakaw na ang kanilang mga gamit. Nakuha sa lalake ang  isang malaking Nikon Camera D90 na may sling bag, isang Iphone 4s, 100 U.S. dollars, 50 euro,at P5,000 .00. Samantala nakuha naman sa babae ang isang malaking Nikon Camera D30 na may sling bag, at isang Iphone 5C.

Katwiran ng mga biktima, kinandado nila ang kuwarto bago ito umalis.

Sa sinagawang imbestigasyon ng mga kapulisan sa Gracia Inn na tinutuluyan ng magkasintahan, napag-alaman na hindi pinuwersa ang pinto upang mabuksan, maaari umano na ginamitan ito ng master key. May safety box naman ang nasabing kuwarto pero hindi ipinaalam sa mga biktima.

Dagdag pa, ang nasabing inn ay walang guwardya at mga CCTV camera.

Korean National Hinablutan sa Isla ng Boracay

BORACAY, MALAY, AKLAN—Luhaan ang isang Korean National na dumulog sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) police station matapos itong hablutan ng kanyang bag na naglalaman ng mahahalaga nitong gamit sa Isla ng Boracay.

Ayon sa biktima na nagngangalang Park Min Young, 30 anyos, naglalakad siya kasama ang kanyang kaibigan sa kalsada sa Yapak, Boracay, Malay, Aklan papunta rin sa kanyang kaibigan nang bigla ay tatlong hindi nakikilalang mga lalake ang lumapit sa kanila at hinablot sa biktima ang kanyang bag.

Naglalaman ang bag ng P10,000.00, 500,000 Korean money, 4 na credit card, lipstick, make-up powder, at susi ng tinutuluyan nitong hotel dito sa Boracay.

Sumigaw ang biktima upang makahingi ng tulong. Dalawang lalake ang agad na lumapit sa kanya at nang mapag-alamang ninakawan siya ay agad namang hinabol ng mga ito ang mga suspek subalit hindi na naabutan pa ang mga ito.


Ang kasong ito ay sa imbestigasyon po ng mga kapulisan.

Saturday, September 20, 2014

Miyembro ng PDEA Nambugbog?

Hinihilaan na isang alyas Topi, miyembro ng PDEA ang isa sa tatlong nambugbog kay Adenito Gelito y Dagui, 59 anyos, sa So. Cagban, Brgy. Manocmanoc, Boracay, Malay, Aklan, Setyembre 20, 2014. Samantalang inaalam pa kung sino ang dalawa.

Ayon sa imbestigasyon, habang nasa isang bar ang biktima sa nabanggit na lugar; tatlong hindi pa nakikilalang mga suspak ang humila sa kanya papalabas ng bar at binugbog ito sa labas dahilan ng pagkasugat ng iba-ibang bahagi ng kanyang  katawan.

Sinugod naman sa St. Gabriel Hospital sa Kalibo ang biktima para sa kaukulang paggamot. Samantala, ang kasong ito ay nasa ilalim pa ng imbestigasyon.


Thursday, September 18, 2014

Lalake Kulong sa Isla ng Boracay sa Pagtutulak ng Droga

BORACAY, MALAY, AKLAN—Bagsak sa kulangan si Juvy Asuncion y Gumban, lalake, 38 anyos, matapos mapag-alamang nagtutulak at gumagamit ito ng illegal na droga sa Isla ng Boracay.

Nahuli ang suspek sa isinagawang buy-bust operation sa So. Hagdan, Yapak, Boracay, Malay, Aklan sa pagtutulungan ng  Provincial Anti-illegal Drugs Special Operation Task Group (PAIDSOTG) na pinangungunahan ni P/Insp. Wilfredo S. Hofileña at Boracay Tourist Assistance Center na pinangungunahan naman ni P/Insp. Nilo Morallos, Chief Intel, sa ilalim ng direktang superbisyon ni P/Insp. Mark Evan P. Salvo, hepe ng BTAC.

Nakuha sa suspek ang isang  laryo ng hinihinalaang tuyong dahon ng marijuana na nakabalot ng papel. Maliban dito, nakuha din ang 10 piraso ng P100.00 papel na ginamit sa pagbili ng druga sa isinagawang operasyon, isang laryo ng hinihinalaang tuyong dahon ng marijuana, isang plastic canister, improvised water pipe, improvised small water pipe, pitong lighter, isang cellphone, at isang I.D., na pawang ginagamit sa transakyon sa paggamit at pagtutulak ng ipinagbabawal na droga.

Kinumpiska sa lugar ng operasyon ang mga nabanggit na mga gamit sa harapan ng suspek, at sinaksihan ni Hon. Jupiter Gallenero, SB member ng Malay, Mr. Johny Ponce, tagapagbalita ng Radyo Birada, at Pros. 1 Flosemar Chris Gonzales, kinatawan ng DOJ Aklan. 


Ang mga hinihinalaang mga illegal na droga ay dadalhin sa Crime Laboratory Office para sa eksaminasyon para sa kaparusahan sa paglabag sa batas RA 9165 o pagbabawal sa paggamit at/o pagtutulak ng mga illegal na droga.

Wednesday, September 17, 2014

Magkasintahan Pinagbantaan ng mga Bouncer sa Isang Bar

“Maghanda kayo sa labas don tayo magsuntokan,” ito ang pagbabanta ng mga bouncer ng Cocomangas Bar sa Isla ng Boracay sa isang magkasintan dahilan lamang sa nabasag na baso.

Banda 3:00 ng madaling-araw, habang ang magkasintahang Anna Manahan, 30 anyos at Amerikanong Anthony Izzi ay nag-iinuman sa nasabing bar nang bigla ay nabagsak ng lalake ang gamit nilang baso dahilan na ito ay nasira.

Ang pangyayaring ito ang ikinagalit ng isa sa mga bouncer ng bar na nagresulta ng kanilang mainit na pagtatalo. Inawat ng kasintahang babae ang pangyayari at hinila ang kanyang kasintahan sa labas.

Hinabol sila ng 3 iba pang bouncer at doon na ito pinagbantaan. Minabuti namang ipinarekord ng babae sa Boracay police station ang nangyari.

Lalake Nawalan ng Wallet sa Isang Restaurant

Dumulog sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) police station si Eric Estrera, 23 anyos, matapos mawalan ng pitaka sa kinainan nitong restaurant  Setyembre  17, 2014.

Ayon kay Estrera mga banda 9:00 ng gabi pagkatapos itong kumain sa Andok’s restaurant sa Isla ng Boracay, napag-alaman nitong nawawala ang kanyang pitaka.
Naglalaman ang pitaka ng humigit-kumulang P6,000.00, driver’s license, at  ATM card.

Ayon sa biktima, may dalawang hindi nakikilalang babae ang nasalikuran nito nang siya’y kumakain sa restaurant. Paliwanag naman ng ilan sa mga tauhan ng nasabing restaurant,  na habang ang biktima ay nakapila, ang isang babae ay nasa likuran ng biktima samantala ang isa ay nangungulit sa cashier. Naniniwala ang mga ito na posibleng sila ang kumuha ng pitaka ng lalaki sa kung paanong paraan.


Pinakita naman ng mga tauhan ang kanilang mga kagamitan para makita ng biktima subalit wala sa isa man sa kanila ang nakakuha ng nasabing nawawalang pitaka.

Lalake, Hinampas ng Bote, Sugatan

Sugatan ang lalaking nagngangalang Julius Calvez, 24 anyos, ito ay matapos hampasin ng bote sa likurang bahagi ng kanyang ulo ng hindi pa nakikilalang suspek.

Ayon sa biktima, sa ulat na ipinatala sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), banda 12:30 ng madaling-araw Setyembre 18, 2014, habang ito ay naglalakad sa access road malapit sa Bloom Field Integrated School, So. Bolabog, Balabag, Boracay ay bigla na lamang siyang hinampas ng bote ng hindi pa nakikilalang suspek.


Madali namang nagtago ang suspek sa hindi pa malamang lugar. Ang kaso ay sa ilalim pa ng imbestigasyon ng mga kapulisan.

Tuesday, September 16, 2014

Resort Staff Binugbog, Sugatan

Binugbog ang isang resort staff ng Red Cocunot Resort ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek sa Isla ng Boracay.

Ang biktima ay kinlalang si Leo Santa Ana, 41 anyos, tubong Brgy. Sum-ag, Bacolod City, Negros Occidental at kasalukuyang nakatira sa staff house ng nasabing resort.

Ayon sa kanya mga banda 11:00 ng gabi Setyembre 16, 2014 habang ito ay pabalik ng staff house sa likuran lamang ng pinagtratrabahuhang resort nang bigla’y may dalawang lalaking nakasakay ng motorsiklo na biglang huminto at binugbog ito.  Ang biktima ay nagtamo ng sugat sa kanyang mukha at iba pang bahagi ng kanyang katawan. Samantala, ang kasama ng biktima na si Michael  Durana ay nakailag sap ag-atake ng mga suspek.

Pagkatapos ng pambubugbog ay agad namang tumakas ang mga suspek sakay ang motorsiklo.

Ang kasong ito ay sa ilalim pa ng imbestigasyon ng mga kapulisan.



Koreanong Tour Guide, Ninakawan

Ninakawan ang isang Koreano na si Nam Gyoung Lee, lalake, 24 anyos, at Tour Guide ng POSCO Travel Agency sa Isla ng Boracay ng kanyang mahahalagang gamit habang ito ay naliligo sa dagat.

Ayon sa biktima, mga banda 3:00 ng hapon Setyembre 17, 2014, iniwan nito ang hand bag sa buhanginan para maligo sa dagat. Mga ilang minuto lamang nang ito ay bumalik napag-alaman na ang bag nito ay wala na.

Ang nasabing bag ay naglalaman ng P10,000.00, 100 US dollar; cellphone Samsung Galaxy III at pitaka na naglalaman ng Credit card, Alien Card; at Association ID (Boracay Korean Community Association in the Philippines).

Sa huling imbestigasyon ng mga kapulisan may nakakita umano na tambay sa lugar na kumuha sa bag ng biktima. Ang suspek ay nakasuot ng itim na jacket at nagtungo sa boat station 3. Nagsagawa ng manhunt operation sa nasabing lugar pero negatibo ang naging resulta.


Ang nasabing kaso ay nasa ilalim pa ng imbestigasyon.

Monday, September 15, 2014

Staffs ng Restaurant Nambugbog ng Dalawang UAE National sa Boracay

Bugbog ang inabot ng dalawang UAE national ng staffs ng Aplaya Restaurant sa isla ng Boracay kagabi.

Nadatnan ng mga rumispondeng kapulisan ang suspek na kinilala kay Keynes Laserna, 23 anyos, staff ng Aplaya Restaurant, at tubo ng Brgy. Rizal, Nabas, Aklan at kasalukuyang  naninirahan sa Zone 4, Brgy. Manocmanoc, Boracay. Napag-alaman na ito ay nasa ilalim ng nakalalasing na inumin na paalis na sana sa lugar.

Dinala naman ang suspek at ang mga biktima na sina Ibrahim Saleh Mahomed Alzarooni, lalaki, 23 anyos; Osamah Alharbi, lalaki, 25 anyos; Mohammed Abdulah Alhammad, lalaki, 22 anyos, at lahat ay mga UAE national, at temporaryong umuuwi sa Fairways at Bluewater Inc. sa Brgy. Balabag, Boracay.

Base sa inbestigasyon banda 11:15 ng gabi ring iyon na habang ang mga biktima ay nag-uusap sa harapan ng Aplaya Restaurant ng walang kung anong dahilan sinuntok ng suspek si Ibrahim sa kanyang labi. Matapos nito nagkaroon din ng alitan ang suspek at si Osama, na kung saan ang iba pang mga suspek ng isang Reggie staff ng restaurant ding iyon ay tumulong din na bugbugin sa Osamah, na natamaan sa iba-ibang bahagi ng kanyang katawan.

Sa pangyayaring ito, sinubukang awatin ni Ibrahim ang alitan subalit sinuntok siya ni Reggie sa kanyang tiyan.

Ang pangyayari ay nasaksihan mismo ni Jilven Casidsid, staff ng Boracay Beach Resort, na sinubukan pang awatin ang mga ito subalit ang suspek ay tumakbo papuntang tabing-dagat.

Ang suspek ay nahuli at nakakulong ngayon sa BTAC.


Magkasintahan Ninakawan sa Isla ng Boracay?

Luhaan ang magkasintahang Hapon at Intsik matapos mawalan ng kanilang mga mahahalagang gamit at pera habang nagbabakasyon sa isla ng Boracay, Malay, Aklan.

Kinilala ang magkasintahan na sina Daiki Kaneko, lalaki, 20 anyos, isang Hapon, at Weiwei Zhu, babae, 24 anyos, isang Intsik. Kasalukuyang naninirahan ang mga ito sa Island Jewel Resort sa nasabi ring Isla.

Ayon sa ulat ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) police station na ipinatala ng magkasintahan na banda 2:00 ng hapon kahapon Setyembre 15, 2014, naliggo ang mga ito sa station 2, Brgy. Balabag, Malay, Aklan nang balikan nila ang iniwang gamit sa tabing-dagat nagulat na lang sila na malamang wala na ang mga ito.

Sa babae, ang mga pagmamay-ari ay iPhone 5S, tatlong credit cards, at pera na humigit-kumulang P3,000.00 samantala ang mga pagmamay-ari naman ng lalake ay iPhone 5, pasaporte, pitaka na naglalaman ng P5,000.00, credit cards at Driver’s License.


Ayon sa follow-up investigation ng mga pulis, nakuha ng hindi pa nakikilalang suspek ang kanilang mga pagmamay-ari. Wala namang CCTV camera sa lugar at wala namang saksi na maaring makapagpatunay sa pagkakakilalan ng suspek.

Sunday, September 14, 2014

Lalake Sinaksak sa Isla ng Boracay


Ospital ang bagsak ni Jeson Casidsid, 20-anyos, tubo ng Laserna, Nabas, Aklan ito ay matapos na saksakin sa kaliwang kamay at sa kaliwang bahagi ng kanyang likod.

Ayon sa isinigawang imbestigasyon ng mga kapulisan ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), nag-iinumam ang biktima kasama ang mga kaibigan nito sa isang kubo sa Sitio Manggayad, Brgy. Manocmanoc, Boracay, ng bigla na lamang na may lalakeng nambato ng isang bote sa kanilang mesa at biglang tumakbo palabas. Kinilala ang lalakeng ito na si Ernie Leal, 22 anyos, tubo ng Bating, Mambusao, Capiz at naninirahan sa Sitio Bolabog, Brgy. Balabag, sa parehong isla.

Tinawag ng lalake ang biktima at paglapit nito sa kanya ay agad itong sinaksak. Unang dinala ang biktima sa Ciriaco Tirol Hospital at inilipat sa isang kilalang ospital sa Kalibo, Aklan.


Agad namang pinuntahan ng mga kapulisan ang pinangyarihan ng insedente subalit bigo nilang nahuli ang suspek na sa kasalukuyan ay pinaghahanap pa.

Call Center Agent Nalunod sa Boracay, Patay

Nalunod ang isang call center agent na kinilala kay Arturo David, 25-anyos, tubo ng Dao, Antique Setyembre 14, 2014 habang naliliggo sa baybayin kasama ang kanyang mga kaibigan sa Isla ng Boracay.

Ayon sa ulat ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), palutang-lutang at hindi na gumagalaw nang madatnan ng mga agad na rumispondeng kapulisan ang biktima sa tubig. Sinubukan pa siyang iligtas ng mga lifeguard at dinala sa buhanginan at nilapatan ng CPR subalit hindi na humihinga pa.

Napag-alaman na hapon ng yaon ding araw na ang biktima ay nagbayad sa Boracay Sunset Resort sa Station 2, Balabag, sa nasabing isla kasama ang mga kaibigan nito na maliggo sa dagat. Habang naliliggo ay bigla na lamang na hinila ng isang malaking alon hanggang sa 200 kilometro ang layo nito sa tabing-dagat, dahilan na ito ay ninerbiyos at nagpanik kaya ito nalunod.


Idineklara naman ng attending physician, na patay na ang biktima.

Thursday, September 11, 2014

Reservation Staff ng Hotel Tinangay ang P10,000 ng Kanilang Guest

Idinimanda ng isang superbisor ng hotel ang isang reservation staff ito ay matapos mapag-alamang tinangay nito ang PHP 10,000 na dapat sana'y initial down payment ng kanilang guest.

Sa ulat na ipinatala ni Reynalyn Ramos, Front Office Supervisor ng Club Ten Beach Resort Boracay sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) na noong Hulyo 17, 2014, isa sa kanilang mga guest na si Rommel C. Santos ay nagpa-book sa kanilang resort para sa December 26-30, 2014. Samantala, isa sa kanilang reservation staff na si Dhina Lindong ay nagpadala ng email gamit ang personal email account nito sa nasabing guest na nagsabing magpadala ng initial down-payment guyun paman, ipinilit ng suspek na ipadala ito sa kanya bilang receiver.

Noon ngang Agosto 6, 2014, nagpadala naman ng pera ang guest na nagkakahalaga ng P10,000 sa pamamagitan ng isang pera padala. Natanggap ng suspek ang pera Agosto 7, 2014 dito sa isla ng Boracay subalit hindi ito ibinigay sa management ng hotel.

Ang suspek ay hindi na pumasok sa trabaho sa nasabing hotel simula Agosto 27, 2014 at hindi na rin malaman kung nasaan na ito. Minabuti naman ni Reynalyn Ramos na ayusin ang kaso sa Brgy. Justice System.

Babae Sinagasaan ng Motorsiklo, Sugatan.

Boracay, Malay, Aklan / September 12, 2014--Babae sinagasaan ng motorsiklo, sugatan.

Ang babae ay kinilala kay Gemame V. Andres, 23-anyos at kasalukuyang nakatira sa Sitio Ambulong, Manoc-Manoc, Boracay, Malay, Aklan. Ayon sa biktima, banda alas-3:00 ng hapon habang naglalakad ito sa gilid ng main road ng sitio Ambulong at nang ito ay tumawid ay bigla na lamang itong sinagasaan ng isang single na motorsiklo na may plate number UR1714 na menamaneho ng hindi pa nakikilalang lalaki.

Ang biktima ay natumba sa sementadong kalsada na nagdulot ng pagkasugat sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan.

Pagkatapos ng insidente ay agad namang tumakbo papalayo sa hindi pa nalamang direksyon. Ang kasong ito ay minabuting pinarekord ng biktima sa Boracy Tourist Assistance Center (BTAC) at sa ilalim pa ng follow-up investigation.

Update ng Patuloy na Declogging ng LGU

September 11, 2014, Boracay, Malay, Aklan--Sama sama ang ilang mga NGO ORG sa pag patuloy ng drainage de-clogging ng LGU malay sa Isla ng Boracay .kabilang na dito ang PARDSS Foundation International Inc. - Boracay Chapter sa pag lilinis. ilang manhole na rin sa harap ng Boracay Hospital at Health Center ang binuksan at pinagtulongang linisan ng mga NGO...


Wednesday, September 10, 2014

Suspek sa Pagpatay sa Fish Vendor, Pinaghahanap ng Kapulisan


KALIBO, AKLAN--Pinaghahanap sa ngayon ng mga kapulisan ang mga suspek sa pagpatay sa isang tinder ng isda sa kabiserang bayan ng Kalibo.

Ang tindero ay nakilala kay Jestoni Asister, 24, nakatira sa Brgy. Estancia, Kalibo ay paulit-ulit na pinagbabaril ng malapitan ng isang sumalakay na nakasuot ng jacket, sombrero at isang surgical mask araw ng Linggo ng gabi.

Pagkatapos ng pamamaril, ang bumaril ay nagkunwaring naglalakad at sumakay ng motorsiklo kasama ang dalawang sinasabing kasubwat.

Ayon kay Insp. Benny Jones Mendoza, deputy Kalibo police chief, ang biktima ay pinagbabaril ng makailang ulit ng ito ay nagsasara ng kanyang tindahan sa tabi ng national highway sa Brgy. Estancia.

Si Asister ay nagtamo ng 10 tama ng baril, basis a ulat ng otopsiya. Siya ay dinala sa Aklan provincial hospital pero idiniklara na ring dead on arrival.


Natagpuan naman ng mga pulisya ang 8 basiyo ng bala at apat na empty slugs ng 45 pistol na ginamit sa pamamaril. Inaalam pa ng mga pulisya ang motibo ng pagpatay sa biktima at ang mga pagkakalinlan ng mga suspek para sa ikadarakip ng mga ito.

Tuesday, September 9, 2014

Update: Naging Matagumpay ang Patuloy na Vaccination sa Isla ng Boracay na Inilunsad Noong Setyembre 1-30, 2014


Report by Radio Birada! / September 10, 2014

Patuloy parin hanggang sa ngayon ang vaccination sa tigdas at polio na isinasagawa sa isla ng Boracay. Nakakuha ng 98% na mga batang nabakunahan na ang Brgy. Yapak. Kasalukuyang nagsasagawa pa ng pagbabakuna ang mga local health worker sa Brgy. Balabag na magtatagal hanggang Setyembre 15. Magsisimula naman ang vaccination sa Brgy. Manoc-Manoc sa ika-16 ng Setyembre hanggang sa katapusan ng buwan.Nagsasagawa naman sila ng pagbabahay-bahay doon sa mga hindi pa napabakunahang mga bata sa itinakdang petsa ng pagbabakuna sa kanilang lugar.

Inaasaahan na mababakunahan ang lahat ng mga bata sa Isla ng Boracay sa pagtatapos ng buwan.

Isang Hindi Natatapos na Safety Tank sa Isang Iskuwelahan Ikinabahala ng mga Magulang ng mga Istudyante


Report by Radio Birada! / September 10, 2014


 Boracay Malay Aklan Inereklamo ng mga magulang ng mga mag-aaral ng Balabag Elementary School sa Balabag, Boracay, Malay, Aklan ang isang safety tank sa loob ng paaralan na hindi pa natatapos at napabayaang nakabukas.

Ikinabahala ng mga magulang ang situwasyong ito sa loob ng paaralan na baka umano mahulog ang mga bata sa hindi rin tinakpang butas na may tubig kaharap lamang ng pintuan ng isang kuwarto ng nasabing eskuwelahan. Bagaman wala pang nauulat na insidente ng pagkuhulog ng bata, dapat umanong matakpan ito kung hindi kaagad matatapos.


Ayon sa principal ng paaralan nakipag-ugnayan na siya sa Rover Constuction, ang contractor ng nasabing proyekto para tapusin ito kaagad. 

Lalaki Sinuntok at Pinagsisipa sa Isla ng Boracay

Binugbog ang lalaking nakilala kay Roger Neron, 40-anyos at isang construction worker, ng tatlong kalalakihang hindi niya nakikilala.

Ayon sa biktima, banda alas-9 ng gabi Setyembre 8, 2014 ng siya ay naglalakad mula Sinagpa, Balabag, Boracay patungo sa barracks ng kanyang anak na si Romer Neron sa Sitio Pinaungon, sa nasabi na ring lugar ng bigla na lamang siyang nilapit ng tatlong lalaki sa hindi pa nalamang dahilan at siya ay sinuntok sa kanyang panga at siya ay natumba sa sementadong kalsada. Pinagsisipa naman siya ng makailang ulit ng dalawa pang suspek sa mukha nito dahilan upang dumugo ito at masugatan. Agad namang tumakbo at nagtago ang mga suspek sa hindi nalamang lugar.

Agad na humingi ng tulong ang biktima sa mga kapulisan at madali namang nagtungo ang mga pulis sa nabanggit na lugar na pinangyarihan ng insidente. Ayon sa saksi na nagpakilalang McMc Asiong habang ito ay nasa  vulcanizing shop nakita nito ang biktima na mag-isang naglalakad habang patakbong sinusundan naman ng pangkat ng isang Dodoy. Nakita rin nito ang pangkat gitna ng kalsada at pagkatapos ay bumalik at pumunta sa likod ng nasabing vulcanizing shop at kung saan sila unang nag-iinuman at kaagad pinatay ang ilaw.

Madali namang pumunta ang mga kapulisan doon subalit pagkarating nila ay wala na roon ang mga suspek. Ang kasong ito ay sa ilalim pa ng follow-up investigation.

Boracay Action Group Kinilala ng PNP

Add caption
Naging masaya si Honorable Mayor John Yap ng Malay, Aklan matapos na makatanggap ng parangal ang Boracay Action Group (BAG). Sa pagkilaea it Philippine National Police bilang outstanding Non-Goverment Organization sa taong 2013.

Sa isinagawang flag raising ceremony at meeting ng BAG binanggit ni BAG Commodore Leonard Tirol na hindi lang sa Regional level kilala ang kanilang grupo. Dahil ayon pa sa kanya nakatanggap din sila ng parangal bilang supportive Non-Government Organization (NGO) mula sa PNP Regional Office (PRO) VI at naging outstanding non-government organization mula sa national level.

Kasabay ng pagdiriwang ng ika-113 taon sa pagseserbisyo ng Philippine National Police sa Camp Crame igagawad ang plake sa grupo subalit walang naging kinatawan dahil hindi naman sila nabigyan ng paanyaya para dito.

Samantala nakatanggap naman ng speed boat ang BAG magmula sa Aklan Provincial Government para maging ambulance boat at patrol boat ng isla ng Boracay. Para mapadali ang paglilipat ng mga biktima ng insidente o aksedente mula sa isla.

Basta Radyo Birada, tapat at maaasahan.

Monday, September 8, 2014

Lalaki Humingi ng Tulong-panawagan sa Radyo Birada

Humingi ng tulong-panawagan ang isang lalaki kinilalang si Edwin Salas, 37-anyos sa Radyo Birada Setyembre 5, 2014. Ito ay matapos siyang mawalan ng pitaka na naglalaman ng kanyang pamasahe papuntang Caticlan, Malay, Aklan.

Galing pa ang lalaki ng Negros upang sana'y bumisita sa kanyang negosyanteng kapatid sa Caticlan na si Antonio Salas. Nang makarating ito sa Ceres bus station sa Iloilo, napansin nito na nawala ang kanyang wallet na naglalaman ng dapat sana'y pamasahe niya. Pinasakay na lamang siya ng driver ng bus patungong Kalibo, Aklan, Naglakad ito galing terminal hanggang napag-isipan nito lumapit sa Radyo Brigada news FM sa Kalibo.

Agad namang nakipag-ugnayan ang istasyon sa sister station nito na Radyo Birada sa Boracay, isang isla malapit sa Brgy. Caticlan. Kinapanayam ni Biradang Jimmy Banares ang lalaki sa programang Senor Birador upang manawagan ito sa kanyang kapatid na nagkataong nakikinig naman ito. Mapapansin na nanghihina ang lalaki dahil sa gutom at pagod sa paglalakad at sa biyahe.

Sinundo naman kaagad ng kanyang negosyanteng kapatid si Edwin matapos itong mapag-alamang nandoroon siya sa Kalibo. Ngayon ay nandito na sa Caticlan ang nasabing lalaki kasama ang kanyang kapatid.

Basta Radyo Birada, tapat at maaasahan!

60 Anyos Na Lolo, Pinaghahanap Dahil Sa Pangmomolestiya Sa 8 Anyos Na Bata


Ang suspek na kumpare ng kanilang lola ay nilapitan ang bata at tanggalan siya ng puting buhok.

Dahil nakitang tulog ang dalawang kapatid ay sumama ang bata sa matanda subalit bigla umano siyanng hinalikan ng matanda at hinawakan ang maselang bahagi ng bata. Di pa nakuntinto ang matanda at ipinasok pa nito ang daliri sa maselang bahagi ng katawan ng bata.

Subalit nagpumiglas at umiiyak ang bata kaya narinig ito ng kanyang lola at tinanong kung bakit ito umiiyak.Dahil pinagbantaan siya ng matanda hindi nagsumbong ang biktima sa lola hinggil sa ginawa ng suspek.
Matapos ang pangyayari ay nilagnat ang bata kaya pinaospital ang bata at lumabas sa pagsusuri ng mga doktor na meron siyang Urinary Track Infection or UTI kaya't natuklasan ang ginawang pangmumulestiya sa bata.