Nagpapagaling
ngayon sa Kalibo provincial hospital ang biktima na si Edward Mainay, 22 anyos, at cook ng isang
resto bar sa Boracay, Aklan matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspek
Oktubre 13, 2104. Sinubukan lamang nitong awatin ang isang grupo na nasa
kasagsagan ng alitan sa nasabing bar, gayunpaman, napagdeskitahan ito at
binaril.
Ayon sa
guwardiya ng parehong resto bar na si Clayton Jay Rotao, banda 2:00 ng umaga nakita
nito ang biktima na nakatayo sa harapan ng bar nang bigla may nakita itong
alitan ng isang pangkat na bigla namang pinuntahan ng biktima upang awatin ang
pangyayari. Bigla naman siyang nilapitan ng isang hindi nakikilalang lalaki na
bumaril sa kanya at natamaan sa kanyang noo.
Hindi umano
nakita ng guwardiya ang lalaking bumaril. Para makailag ito, tumakbo siya
papalayo kung saan nakarinig pa siya ng isa pang putok ng baril.
Nasa ilalim
pa ng imbestigasyon ng kapulisan ng Boracay ang nasabing kaso.
No comments:
Post a Comment