Biktima na naman ng pagnanakaw ng hindi pa nakikilalang
suspek ang dalawang Australian national na sina Marco Hoffmann, 37 anyos at
Allister Bevege, 36 anyos sa Brgy Manocmanoc, Boracay, Aklan.
Ayon sa mga ito, iniwan nila ang kanilang mga gamit sa poste
ng life-guard upang maligo. Pagkaraan ng isang oras, pagbalik nila nalamang
bukas na ang bag at wala na ang ilan sa kanilang mga gamit. Kabilang sa mga
nakuha sa kanila ang cellphone; dalawang wallet na may lamang tig-iisang ATM
card; at pera na humigit P7, 000.00.
Iniimbestigahan pa ng Boracay Tourist Assistance Center
(BTAC) ang nasabing kaso.
No comments:
Post a Comment