Sa ospital
ang bagsak ng guwardiya na si Tomas Berdonar y Ricopuerto, 42 anyos, matapos na
saksakin ng dalawang beses ng hindi pa nakikilalang suspek.
Lumalabas sa
imbestigasyon ng mga kapulisan banda 12 ng mdaling araw kanina habang ang
biktima ay nasa kanyang trabaho bilang guwardiya sa Boracay minimart sa So. Ambulong,
Boracay, Malay, Aklan, nang biglang lumapit ang suspek at nakiusap sa kanya na
kung maari ay makitulog ito doon. Hindi naman nag-atubili ang biktima na
payagan ito dahil sa kakilala niya ito.
Ang suspek
ay dati ring guwardiya sa kaharap nitong resort sa nasabing lugar kung saan
nagtratrabaho ang biktima.
Gayunman,
habang ang biktima ay natutulog, banda 1:30 ng umaga sa parehong petsa nang sa
hindi malamang dahilan ay bigla na lamang pinagsasaksak ng suspek ang biktima
isa sa kanyang diddib at malalim na sugat sa kanang kamay nito. Pagkatapos ay madaling
tumakbo ang suspek papalayo.
Ngayon ay
nasa provincial hospital na ang biktima sa Kalibo, Aklan para sa karampatang
lunas.
Samantala
ang kasong ito ay nasa ilalim pa ng imbestigasyon ng mga kapulisan.
No comments:
Post a Comment