Madaling
isinugod sa lokal na ospital ang biktimang si Cris Namayan, 22 anyos, matapos na saksakin ng
basag ng bote ng kanyang kainumang suspek na si Hilberto Abayon, 39 anyos, sa
Isla ng Boracay.
Base sa
imbestigasyon, habang ang magkasamang biktima at suspek ay nag-iinuman at
naglalaro ng baraha kahapon Linggo sa
So. Bolabog, Brgy. Balabag, Boracay, Aklan, ay bigla nalamang nagkaroon ng
alitan sa kanila. Biglang kumuha ng bote ng inumin ang suspek at nagtangkang
hampasin ang biktima, gayunpaman nakailag ang biktima at sinuntok nito ang
botelya dahilan upang ito ay mabasag.
Habang nasa
ganitong ayos, dinampot ng biktima ang isang basag na buti at ipinagsasaksak sa
iba-ibang bahagi ng katawan ng biktima dahilan upang magtamo ito ng mga sugat
sa katawan.
Agad namang
isinugod sa Ciriaco S. Tirol Hospital (CSTH) sa Boracay ang biktima na kalauna’y
ipinadala din sa isang kilalang ospital sa Kalibo, Aklan, para sa karampatang
lunas.
Ang nasabing suspek ay nasa kustudiya naman ng
kapulisan sa Boracay
No comments:
Post a Comment