Wednesday, October 15, 2014

“Tuwid na Daan” Poll Survey Hindi Umano Sumasalamin sa 4 Taon Administrasyong Aquino

Iginiit ng Malakanyang na hindi dapat bigyan-kahulugan ng nakaraang Pulse Asia Survey ang apat na taong administrasyon ni Pang. Benigno Aquino III kung saan nagpapakita na ang karamihan sa mga Pilipino ay sang-ayon na hindi natupad ni PNoy ang pangakong “tuwid na daan” slogan.

Ayon kay Edwin Lacierda, tagapagsalita ng pangulo na ang resulta ng survey ay hindi naman nangangahulugan na nabigo si Aquino sa paghikayat sa mga Pilipino sa kanyang slogan sa pagsugpo ng kurapsiyon sa mga nakaraang taon.

Giit pa ni Lacierda na ang Pulse Asia ay nagbigay lamang ng “snapshot” sa sentimyento ng taumbayan na naapektuhan ng mga usapin sa kasagsagan ng survey. Ilan rito ang tinuturong kurapsyon laban kay Bise Presidente Jejomar Binay at Philippine National Police Chief Dir. Gen. Alan Purisima.

Nagpapakita ang inilabas na survey kamakailan lamang na 36% ng Pilipino ay naniniwalang  nabigo si Aquino sa pagtugon sa kanyang kampanya sa pagsugpo ng kurapsiyon sa bansa. 29% ng mga responde ay naniniwalang naisagawa naman ni PNoy ang pangakong “tuwid na daan”. Ang  nalalabing 34% ang hindi pa nakapagdesisyon.

Paliwanag ni Lacierda na ang bilang na hindi pa nakapagdesisyon ay mga Pilipinong “bukas ang isipan” sa patuloy na administrasyon ni Aquino.


Matatandaang, una rito naglabas ang Pulse Asia survey na nagpapakita na 48% ng mga Pilipino ay umaasa sa pagsugpo ng pamahalaan laban sa kurapsiyon.

No comments:

Post a Comment