Dumulog sa Boracy Tourist Assistance Center (BTAC) sina Jimnel
Zamora, 42 anyos, at Erwin Asiong, 27, mga tubo ng Libacao, Aklan, ito ay
matapos mapag-alamang nabiktima sila ng estafa ng isang Greg.
Ayon sa ulat ng mga biktima, ibinigay ni Jimnel Zamora ang
kanyang Brgy. Clearance, OR/CR ng kanilang mga motorsiklo, at SSS ID, at pera
na nagkakahalaga ng P1,100.00 sa nabanggit na suspek samantalang si Erwin
Asiong ay nagbigay din ng kanyang Motorcyle Delivery Receipt, TIN ID at pera
rin na kasinhalaga ng nauna sa suspek para sana sa permisong makapagbiyahe ng
motorsiklo.
Nangako naman ang suspek na ibibigay ang mga permit sa kanila
October 1, 2014.
Gayunpaman hindi na nagpakita pa ang suspek at hindi narin
makontak sa kanyang cellphone.
No comments:
Post a Comment