Nanlumo ang
magkasamang American national na si Katherine Vuchta, 28 anyos, at Australian
national na si Andrew Nguyan, 25 anyos, parehong walang asawa, matapos
manakawan ng kanilang mga mahahalagang gamit ng hindi pa nakikilalang
suspetsado.
Ayon sa
dalawa, iniwan nila ang kanilang mahahalagang gamit sa tabing-dagat upang
maligo madaling araw ngayon. Gayun na lamang ang kanilang paghihinayang nang
malamang wala na roon ang kanilang mga gamit sa lugar na pinag-iwanan.
Ilan sa mga
nakuha sa American national ay digital camera; pitaka na may dalawang credit
cards; perang 100 US dollar at P5, 000.00 national; samantala nakuha naman sa Australian
national ang kanyang camera; pitaka na may lamang P600 at drivers license.
Sinubukan
nilang hanapin ang mga ito subalit bag nalamang ng lalake ang nakita subalit
wala na itong laman.
Nasa ilalim
pa ng imbestigasyon ng Boracay police ang nasabing kaso.
No comments:
Post a Comment