Sugatan ang mata at ilong ng biktimang kinilala kay
Christopher Paelry, 20 anyos, matapos bugbugin ng dalawang lalakeng suspek na
sina Dan Dan Duale, at Bebams Duale, kaninang madaling araw sa sa isang
billiard hall sa Brgy. Manocmanoc, Boracay, Malay, Aklan.
Ayon sa biktima, nagkaroon umano siya ng pagtatalo sa dalawa
at binugbog siya dahilan upang magkaroon ng pamamaga ang kanyang mata at ang
ilong.
Agad namang isinugod sa lokal na ospital ang biktima.
Samantalang nasa imbestigasyon pa ng mga kapulisan ng Boracay
ang nasabing kaso.
No comments:
Post a Comment