Huli sa akto ang isang
dishwasher na kinilala kay Junar Nico, 22 taon-gulang, nang nakawin ang isang
bag ng biktima na si Nonamie Berlandino, 21 taon-gulang, sa Station 2 Boracay,
Aklan.
Ayon sa imbestigasyon,
habang ang biktima ay nasa loob ng isang bar sa nabanggit na lugar iniwan nito
ang kanyang bag sa mesa at sumayaw. Samantala, ang nabanggit na suspek ay bigla
na lamang lumapit at kinuha ang bag. Gayun paman, kitang-kita ni Mary Rose Manila
ang
tangkang pagnakaw ng
suspek sa bag ng biktima.
Naglalaman ang bag ng
P2,000, cellphone, at earphone. Agad naman itong naibalik sa biktima.
Pagkatapos ay hinuli
ng bouncer ang suspek at dinala sa Boracy Tourist Assistance Center (BTAC) para
sa kaukulang pagsasaayos.
No comments:
Post a Comment