Sugatan si
Jason Bendo, 21 anyos, matapos itong pagsusuntukin ng suspek na kinilala kay
Jestoni Tranca, nasa legal na edad, sa Puka Beach, Brgy. Yapak, Boracay, Malay,
Aklan.
Ayon sa
biktima, papauwi na ito sa bahay mula disco nang nilapitan siya ng suspek sa
nabanggit na lugar ng walang kung anong dahilan at pinagsusuntok siya ng
makailang ulit dahilan ng pagkasugat ng kanyang kaliwang mata.
Pagkatapos
ng pangyayari, madali namang tumakbo ang suspek sa hindi nalamang direksyon. Napag-alaman
na ang suspek ay nasa ilalim ng nakalalasing na inumin.
Minabuti
naman ng biktima na ayusin ang kasong ito sa barangay.
No comments:
Post a Comment