BORACAY,
AKLAN—Hindi na matagpuan ang suspek na tumangay ng P80, 000 ng biktimang si
Dennis Cabrera Y Aguerre, 44 anyos at residente ng Brgy. Manocmanoc. Kinilala
ang suspek kay Jessel Sustodio, nasa tamang gulang, tubo ng Zarraga, Iloilo, at
kasalukuyang nakatira sa parehong barangay ng biktima.
Ayon sa ulat
ng biktima na ipinatala sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) police
station, nangyari ang insidente Setyembre 9, 2014 sa nabanggit na lugar na
tinitirahan ng dalawa. Sabi ng kanyang live-in partner, iniwan umano niya ang
kanilang bahay ng hindi nagpaalam sa kanya at ayon pa rito ipinagkatiwala sa
kanya ang nabanggit na halaga ng pera.
Gayunpaman,
sa hindi nabanggit na paraan, tinangay ng suspek na si Jessel Sustudio ang pera
na hanggang sa ngayon ay pinaghahanap pa rin.
No comments:
Post a Comment