Nahulog ang isang Ceres bus sa bangin na may taas na 20 talampakan. Larawang kuha ni Johnny Ponce. |
Ang bus ay biyaheng
Iloilo patungong Buruanga. Habang binabaybay ng sasakyan ang national highway
sa nasabing lugar, nawalan ng kontrol ang nabanggit na driver sa isang
kurbadang lugar dahil sa ito ay madulas dahilan ng pagkahulog ng bus sa bangin
na may tinatayang 20 talampakan ang lalim o taas.
Ang mga
biktima ay isinugot naman sa bahay-pagamutan ng nasabing munisipyo para sa
paunang lunas at ang ilan ay dinala sa Motag Hospital, Malay, Aklan at sa
Provincial Hospital sa Kalibo, Aklan.
Ang mga
biktima ay sina: Anita Tucio, 68 anyos; Adelina Pamating, 47; Lorenzo Casuncad;
Luis Casuncad, 38; Aquilina Salibio, 73; Emerson Lister Dagohoy, 17; Artur
Malicse, 51; Eddie Alvares, 66; Jenny Paclibar, 28; Madonna Careon.
No comments:
Post a Comment