Apat na
Lalake na Nanggulo sa Bar, Kulong
Umabot sa P30, 000.00 ang halagang nasira at kawalan ng isang
bar matapos magkaroon ng iskandalo ang apat na kalalakihang pumasok dito sa Station
2, Brgy. Balabag, Malay, Aklan.
Ayon sa blotter entry ng Boracay Tourist Assistance Center
(BTAC), apat na mga lalakeng suspek ang pumasok sa isang bar na gumawa ng
iskandalo sa naturang bar na nakadisturbo sa mga bisita. Sinubukan namang
awatin ng bouncer ng bar na si Jervie Prado, 30 anyos, ang mga suspek subalit
hinabalos ito ng botelya ng isa sa mga suspek dahilan ng pagdugo nito.
Pinagtulungan naman ng mga customer na bugbugin ang mga
suspek na nagdulot din ng mga sugat sa kanila at nakedetene na ngayon sa police
station ng Boracay matapos maipagamot sa lokal na ospital.
Kinilala ang mga supek kina Randy Conanan, 22; Roy Menguez,
20; Leonard Paderol, 20 at; Kenneth Gara, 30.
Ang nasabing kaguluhan ay nagdulot ng pagkatakot sa ilan sa
mga customer kay ilan sa mga ito ang lumabas at hindi na nakapagbayad pa.
Nasira din ang iba pang mga gamit particular ang shisha, at mga bote ng beer.
No comments:
Post a Comment