Malugod na tinanggap ng 69 pulis ang kanilang katibayan ng pagtatapos at kanilang TOPCOP pin na iginawad sa kanila matapos ang aktibong pakikilahok sa isinagawang Crisis Management and Tourist Safety and Security Seminar for Tourist Oriented Police for Community Order and Protection (TOPCOP) Phase-2 sa Sea Wind resort sa Isla ng Boracay mula noong Miyerkules hanggang kahapon.
Ilang pulis na nagsipagtapos nagpakuha ng litrato kasama sina P/Supt Angan (pangatlo mula kanan), at G. Corum (nakaputi) at iba pang matataas na opisyal ng mga kapulisan. |
Isinagawa ang pangwakas na seremonya ala-6 kahapon ng gabi. Sinimula nitosa isang panalangin na ibinigay ni Pastor Angelo T. Panganiban na kasamahan din natin ditosa Radio Birada! Nagbigay naman ng salita ng panghihikayat si Ginoong Rene T. Corum, Supervising Training Operation Officer ng Department of Tourism Region VI na isagawa ng mga nagsipagtapos ang mga pagsasanay na natutuhan sa seminar. Malugod namang ipinakilala ni P/Supt. Aden T. Lagradante, Asst. Provincial Director for Admin Aklan PPO, ang mga magsisipagtapos.
Pinangunahan naman ni P/Supt. Josephus G. Angan, Regional Director PRO6 ang paggawad ng certificate sa mga kapulisan kasama si G. Corum. Pagkatapos nito ay nagbigay ng impresiyon si PC/Insp. Ferjen Torred na marami silang natutunang bago sa seminar na ito. Sabi pa niya “Sa 20 taon kong paglilingkod bilang pulis, hindi pa ako nakaranas ng ganitong uri ng seminar. Ito ang kauna-unahan.”
Isinuot naman ng mga nagsitapos ang TOPCOP pin sa kanilang uniporme patibay nasila ay Tourist-Oriented na mga pulis.
Nagtapos ang programa sa maikling mensahe ni P/Supt. Angan na nanghikayat sa mga kapulisan na magkaroon ng mataas na pamantayan sa kabila ng maugong na isyu sa mga tiwaling kapulisan.
Sa eksklusibong panayam ng inyong lingkod kay P/Supt Angan mariin nitong pinabulaanan ang pahayag ng pamahalaang Tsina nais ang ma panganib nalugar angPilipinas.
Ang TOPCOP ay programang inulunsad sa pakikipagtulungan ng DOT at PNP.
No comments:
Post a Comment