Tuesday, October 21, 2014

Zero Crime sa Darating na Undas—Malay PNP

Magdadagsaan na naman ang mga kababayan nating magbabakasyon upang magdiwang ng papalit na undas sa kanikanilang lugar. Inaasahan din ang pagdami ng turista sa araw mismo ng undas lalo na sa Isla ng Boracay. Kaugnay rito nagpahayag ang Malay PNP na paiigtingin nila ang seguridad at proteksiyon ng mga taumbayan at mga turistang labas-masok.

“Zero crime,” ito ang pahayag ng police information officer ng Malay PNP na si PO3 Ernesto T. Lomedo, sa darating na undas. Magtatalaga sila ng mga babantay kasama ang ibang alagad ng batas sa dalawang sementeryo sa Malay, sa Caticlan duty port, paliparan, daungan ng RO-RO, at sa ilang parte ng kalye.

Nagbigay rin ng abiso si PO3 Lomedo sa mamamayang lalabas upang dumalaw sa puntod ng kanilang mga yumao sa buhay na siguraduhing nakandadong maigi ang mga pintuan ng bahay. Paalala rin na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok o pagdala ng mga patalim at armas, at mga nakalalasing na mga inumin sa loob ng sementeryo.

Maglalagay rin sila ng information booth sa mga semeteryo ng Malay para sa mga kababayan nating kakailanganin ang tulong ng pulis sa panahon ng undas. Para sa mga sakuna at impormasyon makipag-ugnayan lamang sa kanilang hotline number 288-8778; o 0998-9777-425.


Samantala, patuloy pa rin ang isinasagawang Oplan Katok ng Malay PNP doon sa mga naghahawak ng baril na expirado na ang lisensiya. Nasa listahan nila umano ang mga taong personal na pupuntahan upang paalalahan na magpanibago na ng lesensiya upang legal parin ang paggamit ng mga ito.

No comments:

Post a Comment