Panibagong biktima na naman ng pagnanakaw ang tatlong
bakasyunista mula Zamboanga City dito sa Isla ng Boracay. Nanakawan ang biktima
sa loob mismo ng kuwarto sa isang resort na tinutuluyan nila sa Sitio Manggayd, Balabag, Boracay, Aklan
kahapon.
Ayon sa mga biktima, ipinatong nila ang kanilang mga gamit sa
mesa sa loob din ng kuwartong tinutulugan nila. Laking gulat na lamang nila
nang kinabukasan ay wala na ang kanilang mga gamit. Nakita na ang bintana at
ang pintuan ng nasabing kuwarto ay bukas na.
Sa isinagawang imbestigasyon ng Boracay Tourist Assistance
Center (BTAC) police station napag-alaman na dumaan sa bintana ang suspek. Wala
naman daw napansin ang attendant sa entrance ng resort na kahinahinalang
pumasok sa lugar.
Samantala nakita naman ng isang stay-in construction worker
ang mga gamit ng mga biktima subalit wala na ang cellphone at humigit kumulang
P5, 000.00 na pera.
Sa patuloy na imbestigasyon ng nasabing police station ang
kasong ito.
No comments:
Post a Comment