Binugbog ng isang lasing ang driver ng motor na nagngangalang
Jose kaninang madaling araw sa Balabag Plaza, Boracay, Malay, Aklan. Kinilala
ang suspek na si Marlon Taran, nasa legal na edad.
Ayon sa salaysay ng biktima, nagtatawag ng pasahero sa
nasabing lugar, lumapit ang suspek kasama ang isang lalake na gustong sumakay.
Dahil nalaman ng biktima na lasing ang suspek at hindi madala ang kanyang
sarili, tumanggi ang biktima na
pasakayin ito.
Nagalit ang suspek at sinampal siya ng makalawa sa kanyang
mukha. Hindi pa nakuntento ang suspek at pinagsusuntok pa niya ito sa iba-ibang
bahagi ng katawan. Nagbitaw rin ng pagbabanta ang lalake: “barilon ta karon 000
kaw dalagan kaw.”
Nawalan din ng pera ang biktima dahil sa paghablot sa kanyang
jacket.
Nasa ilalim pa ng follow-up investigation ang nasabing kaso
ng kapulisan ng Boracay.
No comments:
Post a Comment